present time meet michelle

2.6K 70 10
                                    

i stopped the car nung nakita ko ang anino ng isang lalaking nakatayo sa may waiting shed.

nakatalikod sya from my view pero i can feel na he knows nothing of what i'm about to say to him.

ipinikit ko ang mga mata ko at minulat ulit, sa pagpilit na hindi totoo ang gagawin ko.

pero gagawin ko parin sya..

dahil sa ito ang kailangan kong gawin..

*flashback*

"maam michelle! si papa mo po! inatake sa puso!" sabi ng katulong sa kabilang linya.

nanlaki ang aking mga mata at agad agad ay sumugod sa ospital.

"papa!" sigaw ko mula sa kabilang side ng salamin.

salamin...

ito ang nakapagitan saming dalawa ngayon.

hindi ko sya malapit lapitan, o mahawakan man lang sa kamay.

sya nalang ang natitirang myembro ng pamilya ko..

hindi ko hahayaang mawala pa sya sakin...

*days later*

"Michelle, maigi't nakita kita.." sabi ng isang boses na hindi pamilyar sakin.

naglalakad ako sa parking lot ng ospital pero sa narinig kong boses eh napatigil ako.

lumingon ako

"Sino ka?" sabi ko sa lalaking nakatayo sa harapan ko 

malaki sya, matikas ang tindig at nakatuxedo.

"Hindi ba ako naikwekwento ng mahal mong papa?" sabi nito sabay hithit ng sigarilyo.

"Sino ka ba?!" sigaw ko na dito.

"Ako lang naman yung pinagkakautangan ng ama mong magaling. Nangako syang magbabayad sya sa sinabing araw. At ngayon yun. Pero asan sya para magbayad? Ayuuuuuun. Nasa loob ng hospital, nagpeke pekean ng stroke." sabi nito sabay tawa.

inayos ko ang tikas ko at tinapangan ito.

"Ano bang kailangan mo!?" sabi ko dito.

napangiti sya at dahan dahang hinaplos ang mukha ko.

sinanggi ko naman yung kamay nya.

"Napakaganda mong babae Michelle, eh kung ikaw nalang yung kunin kong bayad?" sabi nya.

dinuraan ko sya at minura.

hinila nya bigla ang buhok ko na dahilan para mapalapit ako sa mukha nya.

"Utang utang ang tatay mo. Palugi na kumpanya mo. Buong buhay nya ang nakasalalay sa kumpanya nya. Pag bumagsak ang kumpanya nya, maraming maghuhunting sayo at as kanya. Kukunin kita, ibebenta kita tapos bibigyan ko muli ang ama mo ng pera para makaahon sa lahat lahat, yun. tapos usapan. Baka gusto mo rin namang gawin to para sakin.. " sabi nya sabay bitaw sa buhok ko.

hindi sinabi ni papa na palugi na pala ang kumpanya namin..

manganganib naman daw kami pag bumagsak ang kumpanya...

tumunghay ako at tumayo

"Para sa pera at hinding hindi para sayo ko gagawin ito." sabi ko dito.

hahayaan kong ibenta ako, paglaruan ako ng ibang tao.

papayag ako, basta mailigtas lang ang papa ko...

*present time*

binuksan ko ang pintuan ng kotse at lumabas ng sasakyan.

napalingon naman si Kenneth, ang lalaking nasa waiting shed.

ngumiti sya sakin ng pagkalaki laki pero hindi ko ito nginitian.

paglapit ko dito eh napangiwi ito.

"anong meron? bat di ka yata masaya?" sabi nito.

"hindi nga ako masaya... sayo." sabi ko.

"ha?" sabi nya

tumingin ako sa mga mata nya para ipakitang galit ako

"hindi ako masaya sayo! tatanga tanga ka, wala kang nakakamit sa buhay mo kasi tamad ka, bobo ka, walang silbi!" sabi ko dito.

nakatingin lang sya sakin, pero di sya nagsasalita.

"ayoko na. sawang sawa nakong magpakatanga sayo." sabi ko sabay alis ulit. 

sumakay ako ng kotse ko at pinaandar ito.

ayoko nang makita ang pagmumukha nya. 

ayoko nang saktan ang sarili ko.

mas maigi nang talikuran ko na ang lahat ng tao sa buhay ko ngayon.

para di ako masasaktan lagi pag nawala na ako sa piling nila.

----

author's note : aketch eh napressure naman at ang ganda ng first chapter. eto palang kaya po ng powers ko eh. naloloka na aketch. wahahaha. marami rami na palang nagbabasa at nagcocomment dito! woooo! salamat sa inyo!

si eloise ang susunod na maguupdate. XD

love you guuuuuys! :)))))

- jemilline

Time MachineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon