"Jemiah! Jemiah! Please open the door! Mag-usap tayo!" sabi ni Carlo mula sa likod ng pintuan.
nasa loob ako ngayon ng cr.. nakaharap sa salamin.
patuloy parin ang pagbagsak ng luha mula sa mga mata ko, pero hindi ko naman dama ang kalungkutan.
in fact, nasisiyahan pa ako.
Imbis na punasan ko ang mga luha ko eh lalo ko pa itong pinabagsak.
"Para saan pa!?" sigaw ko.
"Jemiah, mahal kita. Alam mong gagawin ko ang lahat para sayo..." sabi ni Carlo.
tumayo ako at lumapit sa likod ng pintuang sarado.
"Eh bakit di mo sila maiwan?!" sabi ko sabay iyak.
*flashback*
"Carlo! Eto nga pala si Jemiah, bestfriend ko nung high school." sabi ni Ellaine dun sa lalaking kararating lang ng restaurant.
tiningnan ko yung lalake.
feeling ko, sya... sya yung lalaking para sakin.
pero..
"Hello. I'm Carlo. Asawa ni Ellaine." sabi nung lalaki sakin.
nakita ko na ang taong para sakin..
pero hindi na pala sya pwede para sakin..
*end of flashback*
*weeks after*
"Jemiah! MAHAL NA MAHAL KITA!" sigaw ni carlo mula sa malayo.
napakunot naman ang noo ko.
"Pano... pano si ellaine?" sabi ko
"hayaan mo sya.. ang mahalaga... mahal kita... mahal mo ako..." asbi niya papalapit sakin.
patuloy parin ang pagbuhos ng ulan noon.
bigla nya akong hinalikan sa ilalim ng ulan...
*months after
"hoy jemiah! magbayad ka na sa mga utang mo! ang kapal ng mukha mong babae ka!" sigaw nung babaeng nagmamayari ng apartment na tinitirhan ko ngayon.
takte. ngayon nga pala deadline ng renta ko.
biglang pumunta si carlo sa apartment.
"anong problema? " sabi ni carlo
" eh eto eh, hindi ko mabayaran yung renta ng bahay kasi hindi pa naman dumadating yung sweldo ko. " sabi ko sa kanya
" ah eh sige ako na bahala dun. " sabi nya sabay punta dun sa landlady.
mahal ko sya nung una, pero, mas kinailangan ko ng pera.
unti unting nawala yung pagmamahal, at naiwan yung pangangailangan.
ngayon, sinabi ko sa kanyang iwanan nya ang pamilya nya para sakin.
pero mukhang hindi nya parin magawa ito.
oo, tawagin nyo akong isang masamang tao...
maging kabit ng asawa ng matalik mong kaibigan.
eh sa mahal ko sya nun eh..
sa mas kailangan ko sya ngayon eh..
binuksan ko ang pintuan ng cr at nakita ko sya sa labas.
walang expression yung mukha nya.
" mali ito. mali lahat ng ginagawa natin. pano ko ba ito nagawa? napakamakasalanan ko narin. ang tanga ko. mahal kita jemiah, pero ginamit mo lang ang pagmamahal ko para sa sarili mong kapakanan. Mas mahal ko ang pamilya ko. pasensya na. " sabi ni carlo sabay aalis na ng bahay.
" carlo!! " sigaw ko habang umiiyak na.
totoo na ang iyak na to.
kasi,
nararamdaman ko parin na mahal ko sya
napakatanga ko para ipagpalit sya sa pera.
kung pwede lang na itama ko lahat,
gagawin ko.
para lang di mawala ang taong mahal ko.
A/N : Hello! Si Jemilline po ito! Nagpapasalamat po kami ni Eloise kasi laging nasa What's Hot ang Time Machine.. YEY! HAHAHAHAHA. Kung may mga tanong po kayo ay pipilitin po naming sagutin yan. HAHAHAHAHAHA. Please vote and comment! Maraming salamat sa suporta! Love you guys!
BINABASA MO ANG
Time Machine
Science FictionProperty of eloisexxjemilline ----- 9 different girls, 5 different time era, 4 regrets, 1 time machine..