YSTO - 3.

2.7K 59 8
                                    

                                                     3.         MY HERO.

DJ:

“WHAAAAAAT?!”

Pabalik na ko ng classroom galing ng CR. Medyo malapit na. Kaya lang may humarang sa’kin.

MGA FANS KO.

Tama. Fans. Sa gwapong kong ‘to e. Haha! Nagpapicture at nagpa-autograph sila sa’kin.

Daig ko pa artista. HAHAHAHA. Naks. =))

“TAMA NA BIANCA!” Sigaw ni Julia yun ah.

Bigla nalang akong kinabahan. Di ko alam kung bakit. Alam ko namang si Chachi yung sumigaw ng WHAAAAT e, dahil parang nakalunok yon ng mic. Rinig sa buong school.

“SOBRANG PULA NA NG MUKHA NI CHACHI! TIGILAN MO NA SYA!!”  Sigaw naman nung isa ko pang classmate.

Shete. PULA NG MUKHA?! Bakit? Napano sya? Sinong gumawa nun?

Ay, tanga ko din. Pupuntahan ko nalang sya.

“DJ!” -GIRL 1

“DJ! Magpapapicture pa ‘ko!” -GIRL 2

“DJ! Di mo pa napipirmahan notebook ko!” -GIRL 3

“Wait lang! Babalik akooooooooo!” Sinabi ko nalang.

Ang bilis ng takbo ko papunta sa classroom. Nasa pinto na ‘ko.

O_O

*PAK*

“ Para sa pang-aagaw mo sa boyfriend ko!” Ngumisi lang si Chachi? Aba?! Akala ko palaban ‘to?!! Bakit hahayaan nyang masaktan sya?!

*PAK*

“Para sa--“ Hindi na nya natuloy ang sampal nya, dahil hinawakan ko yung kamay nya.

“Wag mo nga akong pakielaman, di pa ko tapos sa malanding ‘to!” Sabi nya at pumapalag sa’kin. Pero hindi pa sya humaharap sa’kin.

Binigyan ako ni Chachi ng hayaan-mo-sya look. Asar ‘tong si Chachi e, gustong gusto masaktan sarili nya. -_____-

“Oh well, gawin mo gusto mong gawin. Sampalin mo ‘ko. Sabunutan mo ko. Kaladkakrin mo ko papuntang gate or everything you want! Basta tandaan mo Bianca, wala ako sa mood makipag-away ngayon at kung meron man, di ko na alam magagawa ko sayo!” Sabi ni Chachi. Bakit di sya lumaban?! Haynako.

“If that’s what you want, then I’ll just do it.” Akmang sasampalin ulit ni Bianca si Chachi.

*PAK*

Nakapikit na si Chachi. Pero nagulat sya dahil walang tumamang sampal sa kanya.

Oo, tama. Humarang ako kaya ako ang nasampal.

“D-DJ?” Sabi ni Chachi at halatang gulat na gulat.

“HOY! DI KA BA TITIGIL SA PINAGGAGAWA MO KAY CHACHI? ANO BA? TINGIN MO SA GANYANG PARAAN MAKUKUHA MO ULIT BOYFRIEND MO? AT KAY CHACHI MO PA SINISISI YUN? KASALANAN NYA BA YUN KUNG BUGOK YUNG BOYFRIEND MO? AT WAG MONG SASABIHAN NA MALANDI SI CHACHI KUNDI AKO ANG MAKAKALABAN MO!” Sabi ko kay Bianca. Inis na inis na ‘ko di ko na mapigilan.

“AT KAYONG MGA LALAKI, DI NYO BA KAYANG PIGILAN YANG SI BIANCA? AT HININTAY NYO PANG SOBRANG MAMULA YUNG MUKHA NI CHACHI?!” Pahabol ko sa kanila. Nakakabanas e. Parang pelikula lang pinanonood nila at hindi pa inawat yung Bianca.

You're Still The One.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon