Yung feeling na BV ka na nga dahil sa school nyo, tapos may mga bitter agad na nagtweet? AJEJE. =______=
Pero, nawala yung pagkaBV. Dahil sa MiGi! EMEGED! Laptrep yung mukha ni Gino nung sinabi ni Mikay na I LOVE YOU.. Pero pinapasabi lang pala ng nanay nya. BWAHAHA! Kalurquiii.
K, mahaba na guys. Labyuuu.
- ITO NA ANG HULING CHAPTER NA MAY KV SCENE. *EVIL LAUGH* If you know what I mean. ;)
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
14. KUNIN MO NA ANG LAHAT SA AKIN, WAG LANG SYA!
CHANDRIA:
3 days na simula nung lumipad ulit papuntang America sila Gino & Mikay. Sabi ni Gino, dun na din daw sya magpapagaling ng mga sugat. Gusto na nga din kaming isama ni Tita K sa America, pero ayoko. Malapit na kayang maggraduation. 2 days nalang. Tinanong ko si DJ kung gusto nya, ayaw din daw nya. Poprotektahan nalang daw nya ako.
Oh di ba ang sweet? Yie. Inggit kayo.
“Uy bave. Kilala mo ba si Daniel Padilla?” Tanong ko kay DJ na seryosong pinapanuod yung One More Chance. Wahahaha. Mangiyak-ngiyak na nga eh. XD Nandito pala kami sa bahay nila. Walang magawa e.
“Huh?” Ay ganun? Yung movie lang yung pinapansin?
“Kilala mo ba kako si Daniel Padilla? Ang gwapo nun! Crush ko nga yun eh. Hihi. :”>” Umayos na sya ng upo at humarap sa’kin.
“Ah oo. Yung sa Princess & I? Yung torpe na may gusto kay Mikay? Badboy pa kunwari pero di naman makaamin. Tsss. Mas gwapo po ako dun!” Natatawa ako sa boypren ko. Nanunood pala non! TAHAHA!
“Nanonood ka pala nun?! BWAHAHA!” Hindi ko na mapigilan yung sarili ko dahil epic ang pagmumukha ni DJ.
“H-hindi ah!”
“Eh paano mo nalaman na ganun yung role nya? HAHAHAHA!” Napahawak na ko sa tyan sa kakatawa.
“S-si Magui kasi! Oo tama! Si Magui, lagi ayun pinapanood!” Pagdadahilan nya pa.
Umayos na ko ng upo. Tapos pinigilan ko na yung tawa ko.
“Alam mo bave, ang swerte ni Kathryn Bernardo dun hano?” Tanong ko sa kanya. Tapos pinatay na nya yung tv.
“Bakit naman?”
“Eh tatlo tatlo yung prince charming nya eh. Nakakainggit kaya kung pwede nga lang hingin si Daniel eh!” Sabi ko sabay tawa. =))
Binigyan nya lang naman ako ng death glare tapos lumayo ng kaunti sa’kin.
Sus, patampo-tampo pa kunwari.
“Uy Bave.” Tumabi ako sa kanya pero lumalayo sya.
“Bave namannnn.” Nilagay nya pa yung headphone nya para di ako marinig. Nice. -____-
“Bave yuhooooooo!” Sabi ko sabay umakbay sa kanya.
Inirapan lang nya ako tapos tumayo na sya. Pumunta pang kitchen. -____- Oh ansabe. Daig pa kong mang-irap eh.
“DJ.” Seryosong tawag ko sa kanya.
Pero wala, ayaw pa ring lumingon.