"Welcome back Jovs!"
"Uy long time no see! Kumusta na?"
"Kumusta ang bakasyon? Swerte mo ha."
Ilan lang yan sa mga tanong at pagbati na sumalubong sa akin mula sa mga kaklase ko matapos kong makabalik sa klase. Isang linggo rin akong hindi nakapasok. Nag-alala yung classmates ko na malapit sa akin kaya panay ang tanong nila sa akin pagtapak ko pa lang sa classroom namin.
Si Mika yung nag-asikaso ng excuse letter ko na binigay niya sa mga professors namin para hindi nila ako ibagsak sa klase. Ang nilagay niyang dahilan dun eh family emergency kaya kinailangan kong umuwi ng probinsya pansamantala.
"Kumusta naman sa probinsya nyo? Okay na ba yung family mo? Ang saya lang siguro na makasama sila kahit sandali no?" kausap sa akin ni Claire matapos kong ibaba yung gamit ko sa upuan. Sa likod ko yung naka-assign na upuan nya.
"Ah eh... okay naman.. oo masaya..." sabi ko nalang. Wala siyang kaalam-alam na hindi talaga ako umuwi ng probinsya at ang totoo eh diyan ako sa school clinic nanirahan sa mga nakalipas na araw.
"Buti ka pa friend. Miss ko na yung pamilya ko sa Quezon." bumuntong hininga siya at pumalumbaba.
Pilit ko siyang nginitian at umupo na sa silya ko.
Ilang minuto ang nakalipas ng pumasok sa room si Mika.
"Bes! Welcome back!" bati nito at sinalubong ako ng yakap.
"Kaloka ha. Parang hindi tayo nagkikita." bulong ko sa kanya at ginantihan siya ng yakap.
"Ilang araw din kaya kitang namiss dito sa classroom."
"Sus. Oo na. Thank you nga pala dito." pinahiram kasi nya sa akin yung mga notebook nya para makahabol ako sa lessons namin.
"You're welcome." pagkaabot nun eh pinasok nya yun sa bag nya.
"Samahan mo ko sa cafeteria. May bibilihin ako." ngiti nya at hinatak ako palabas ng classroom.
Pagdating namin sa cafeteria ay kumislap yung mga mata ni Mika pagkakita sa pastries. Napadila pa ito sa lips nya na tila natakam sa mga pagkain sa harap niya.
Napailing ako ng makita yung sandamukal sa cheesecake sa glass counter. Kaya naman pala. Pansamantala niya akong iniwan para bumili nito.
Wala namang nagbago sa cafeteria. As if namang may magbabago agad sa isang linggo di ba? Maingay pa rin dito at maraming estudiyante tulad ng nakagawian.
Natigilan ako ng maramdaman kong may bumangga sa akin.
"Sorry Miss. Nakaharang ka kasi."
Napataas ang kilay ko. Sya na nga ang bumangga sa akin tapos siya pa itong mataray. Nagsosorry ba talaga to?
Napahawak ako sa balikat ko. Medyo masakit pa kasi ito at natamaan pa nitong nakabunggo sa akin.
Bumuntong hininga na lang ako. Kahit nasaktan ako, ayoko makipag-away. Pinakalma ko yung sarili at hinarap yung nakabangga sa akin at sumalubong yung nakaarkong kilay nito.
Nalusaw yung mataray na tingin nito at napalitan ng pagkabigla yung emosyon sa mata niya. Natutop nito yung kanyang bibig at nabitawan pa yung iniinom na iced coffee. Parang namumukhaan ko siya... saan ko ba siya nakita?
"N-No way!" nagfreak out ito at nagmamadaling lumabas ng cafeteria.
Nagtataka ako habang sinusundan ng tingin habang palabas ito ng may umangkla sa braso ko.
"Okay ka lang?" tanong ni Mika. May maliliit na piraso ng grated cheese sa magkabilang gilid ng mga labi niya habang ngumunguya.
"Okay lang. Halika na magsisimula na yung klase." aya ko.
YOU ARE READING
In Love With Miss Doctor (Gonzaquis)
FanfictionSi Jovelyn Gonzaga ay isang simpleng estudiyante lamang sa kolehiyo. Nag-aaral siya ng mabuti at tahimik ng isang araw ay masangkot siya sa isang gulo dahil sa pagtanggol sa matalik niyang kaibigan. Dinala siya sa clinic dahil sa mga sugat at pasang...