Bored na bored kong pinaglalaruan yung hawak kong ballpen habang nakapangalumbaba at nakatingin sa bintana. Kanina pa dada ng dada yung prof sa harap pero wala naman sa kanya yung atensyon ko.
Haayy... when is this gonna end? I thought.
I'm glad to have been seated beside the window. Instant boredom buster yung bintana dahil pagtingin ko dito, nakikita ko agad yung view ng school mula sa taas.
Kahit malayo, nakikita ko yung buildings ng iba't ibang colleges, yung greenhouse, at itong central square garden na isa sa pinagmamalaki ng school ko. Ang cute lang kasi nagmukha sila miniatures mula dito sa taas.
Always a nice view.
Akalain mo yun? Third year na ako dito sa St. Nicholas University. Isa ito sa mga premiere schools dito sa Pilipinas. Maganda ang reputasyon at halos lahat ng mga nag-aaral dito eh mayayaman at mataas ang posisyon sa lipunan.
Tatlong taon ko nang pinagtitiyagaan yung kursong hindi ko naman gusto. Wala naman kasi akong magagawa. Hindi naman kami sobrang hirap pero di rin naman kami mayaman nila Papa, kaya napilitan akong tanggapin yung pagpapaaral na inalok sa akin ni Tito pero sa kondisyon na Business Management yung kukunin kong kurso. I had no choice dahil walang sapat na pampaaral sa akin si Papa sa kolehiyo. Ang mahal kaya ng tuition dito.
Kaya heto ako ngayon, walang gana habang panay ang discuss ng prof sa harap ng Taxation.
Ugh. I never liked that subject. And most especially, I never liked numbers. Halos maubusan ako ng pasensiya sa subject kong Finance at yung linsiyak na Accounting. Ilang beses na ba akong napapagalitan ni Tito dahil sa mga bwisit na subject na to? Hay buhay.
Hindi naman ako bobo. Sadyang tamad lang ako. Tsaka, hindi naman ako bagsak eh. Pasado naman. Di pa ba okay yun? Kung tutuusin, pumapasa ako sa kursong di ko naman gusto?
"Miss Gonzaga, can you repeat the definition of excise tax?"
Napatingin silang lahat sa akin ng bigla akong tanungin ng prof namin. Ako naman eh tila naguluhan.
"Uhm... e-excuse me?" halos pabulong kong sabi. Pero mukhang narinig pa rin ako nung prof namin. Masama na yung tingin nito saken. Tsk. Masungit pa naman to. Paano, matandang dalaga kasi.
"Looks like you weren't listening Miss." nagsalubong ang mga kilay nito. "What is the definition of excise tax?"
Shet. Wala akong masabi. Hindi pa naman ako nakikinig kanina. Hindi pa ako nagbasa ng notes kanina kaya wala talaga akong idea.
Napapapadyak na ito ng mahina sa sahig habang naka-cross arms. Naiinip na yung prof sa paghintay ng sagot ko, habang ako naman eh sinisimulan ng pagpawisan ng butil-butil.
Para akong prey na ilang minuto nalang eh sasakmalin na ng predator ko.
Juice colored!
Pasimpleng tumikhim yung babaeng katabi ko at patagong pinakita sa akin yung notebook niya na may sulat na malalaking letra, sapat para mabasa ko sa kaunting distansya namin.
Halos mapangiti naman ako sa isip ko. Maaasahan talaga tong best friend ko.
"Uhmm..." tumikhim muna ako bago nagsalita. " Excise tax is--"
Hindi ko na napagpatuloy yung sagot ko ng magring yung bell.
"Saved by the bell." nangingiting bulong ng katabi ko.
"Okay class. You are dismissed." wala ng nagawa yung prof namin kundi idismiss yung klase. Isa-isa na rin kasing nag-aayos ng mga gamit yung mga kaklase ko. "But I'm not yet done with you Miss Gonzaga. I'll get back to you on our next meeting." masama ang tingin pinukol nito sa akin.
YOU ARE READING
In Love With Miss Doctor (Gonzaquis)
FanficSi Jovelyn Gonzaga ay isang simpleng estudiyante lamang sa kolehiyo. Nag-aaral siya ng mabuti at tahimik ng isang araw ay masangkot siya sa isang gulo dahil sa pagtanggol sa matalik niyang kaibigan. Dinala siya sa clinic dahil sa mga sugat at pasang...