In Trouble

726 21 1
                                    


Nagkaroon ng recitation at quiz kanina sa Taxation at tulad ng inaasahan, ako yung unang napagdiskitahan nung prof namin lalo na nung recitation. Aba, prepared yata ako this time kaya nakasagot ako sa lahat ng tinanong nya. Naperfect ko pa nga yung quiz kanina. Taray ko di ba?

Maaga ako dito sa school dahil may administrative tasks ako an hour before my first class. Extra income din kasi to kaya pinasok ko na. Actually, yung university scholars lang talaga yung eligible para dito sa part-time na to pero Tito has his ways. Binanggit ko kasi sa kanya na gusto ko kumita ng sarili kong pera kahit paano at hindi ako palaging aasa na lang sa allowance na binibigay niya. The old man was so happy, "That's my girl. You should learn how to stand on your own, one step at a time."

Hiwalay sa asawa si Tito and he has no idea where his former wife is, including their children. Kaya naman ang dami niyang atensyon sa akin. Papa lives in the province along with my younger siblings. Doon na sila nag-aaral sa probinsya.

Hindi ko lang maintindihan kung bakit ako ang pinagdidiskitahan ni Tito. Kung tutuusin, pwede namang yung isang kapatid ko na lang yung pag-aralin nya sakaling tumuntong na ito ng kolehiyo. Mas magaling yun sa academics kaysa sa akin. Consistent honor student pa simula elementary.

Hindi naman ako insecure. Proud na proud nga ako sa kapatid ko na yun. Balak ko nga pagkagraduate ko ng kolehiyo, maghahanap agad ako ng magandang trabaho at ako na ang magpapaaral sa mga kapatid ko. Alam kong medyo nahihirapan na rin si Papa. Mahirap naman kasi manghingi ng tulong kay Tito. Kahit ganitong mayaman siya, syempre nakakahiya din naman. Isa pa, boluntaryo na kasi niyang sinabi noon na pag-aaralin talaga niya ako sa kolehiyo.

Tahimik pa naman yung mundo namin tatlong araw matapos yung harapan sa cafeteria. Todo bantay ako kay Mika dahil matindi ang mga galamay ni Yoanna. She has a lot of minions around her. Minsang may napagdiskitahan ito, pinagbabato ng kung sinu-sinong estudiyante ng bulok na kamatis at itlog yung babae. Di lang yon, tinapunan pa siya ng isang baldeng dugo ng baboy mula sa taas, sa harap ng buong eskwelahan. Ugh, kadiri. Kawawang babae. Grabeng kahihiyan yung sinapit nya dahil kung anu-anong insulto pa yung pinagsasabi sa kanya ng Yoanna na yun. Kinabukasan, di na pumasok yung babae at nagulat na lang kami ng magtransfer na pala ito ng school. Hindi man lang inimbestigahan ng eskwelahan ang nangyari sa kanya. Ang laki lang ng ngisi ni Yoanna ng malaman yun.

Lalo akong naiinis sa kanya. She can get away with all her bullying dahil may koneksyon ang pamilya niya sa management ng school. She's untouchable and she knows it kaya inaabuso niya yun at sinasamantala sa pagbully ng kahit sinong maisipan niya.

Oras na saktan nila si Mika, dadanak talaga ang dugo sa eskwelahang to. And I promise not to hold back. Talagang matitikman nila yung galit ko.

Speaking of, best friend niya ako pero hindi ko alam kung nasaan siya ngayon. We separated ways after ng class namin after lunch. May isang oras na break kami before yung next subject. May pupuntahan lang daw siya at magkita na lang daw kami sa klase. As a respect to her, tumango na lang ako at di na nag-usisa sa kung ano mang pupuntahan niya.

Alam kong may kinalaman pa rin sa nangyari noong isang araw yung pupuntahan niya ngayon. Haist. Di ba dapat mas kailangan niya ako pag ganon? Dapat di ko siya hinayaang umalis mag-isa.

"Have you heard? May bagong faculty member daw dito sa school. Sa College of Medicine daw and she's one hell of a woman!"

Nadistract akong bigla sa kwentuhan ng dalawang lalaki sa likod ko. Dinig na dinig ko ang pag-uusap nila.

"Dude really? Kaya siguro ang daming estudiyante sa CM kahapon."

"Yeah! Students and even faculty members of other departments were curious about her and damn, mapa-babae o lalaki, natulala daw sa kanya."

In Love With Miss Doctor (Gonzaquis)Where stories live. Discover now