ARA P.O.V
DALI-DALI kong tinanggal ang suot kong seatbelt nang makarating na kami ng mansiyon pero mas mabilis pa din si Kuya na madaluhong ako kaya napasandal ako sa kotse. "Thesis ba talaga ang ginagawa mo ha? O nakikipaglandian ka sa Kevin na yun?!" matalim niyang asik sa mukha ko. "Pinagloloko mo ba kami ha?!"
"Wala akong ginagawang masama Kuya! Nag-aaral lang ako!" Pinilit ko siyang maitulak sa may dibdib kasi dikit na dikit na siya sa akin, para siyang higante sa harap ko.
"Iwas ka ng iwas sa akin para ano ha?! Para malaya kang makipag-harutan sa hayop na yun?!"
"Ako pa talaga ang maharot ngayon? Sino ba sa atin ang namamangka sa dalawang ilog ha?! Di ba ikaw?! Ikaw itong may si Ate Mia! Tapos ano?! Pag-uwi mo dito? Ano? Ako naman?!" di ko na din napigilang bulalas.
Natigilan siya sa sinabi ko, nagbabaga sa galit ang mga mata ko habang nakatingala sa kanya. Napatitig siya sa akin, saglit na tila hindi alam kung ano ang sasabihin. Nag-iwas ako ng tingin, mas lalo akong nadudurog sa pag-aalangan na nakikita ko sa mga mata niya.
"Ara—"mahinahon na niyang anas, hinaplos niya ang mukha ko pero umiwas ako. "I'm sorry."
Yeah. Yun lang naman ang kaya niyang sabihin sa akin eh, ang sorry. Sorry kasi nasasaktan na ako, sorry kasi option lang ako, sorry kasi never niya akong magiging priority, sorry kasi dapat lang akong itago, sorry kasi wala akong choice kundi ang manahimik nalang kahit na sobra na akong nahihirapan.
"Gusto ko ng matulog Kuya," sabi ko pero ayaw pa din niya akong padaanin. "Kuya ano ba?!" iwas ko nang pilit na niya akong hinahalikan. Mas isinandal niya ako sa kotse pero nanlaban pa din ako. "Hmmp!" protesta ko nang kabigin niya ang batok ko at sinakop ang aking bibig.
Madiin akong napapikit dahil sa marahas niyang pag-angkin sa labi ko kasi patuloy din akong nanlalaban. Pinagsusuntok ko siya sa tagiliran at pilit na nilalayo ang mukha ko sa kanya. "Hmmp! Hmpp!" protesta ko sa bunganga niya hanggang sa pakawalan nalang niya ako. "I hate you!" matalim kong sigaw sa kanya at malakas siyang tinulak sa dibdib.
"B-Baby, I'm sorry. Hindi ko sinasadya—"
"Shut up Kuya!" asik ko sa kanya at marahas na pinunasan ang namamasa at namimintig kong bibig. "Wag mo akong pilitin na pagsisihan ko ang araw na pumayag ako sa ganitong set-up Kuya. Just give me space."
Ubod talim ko siyang inirapan at iniwanan. Lakad-takbo na ang ginawa ko para makarating agad sa kwarto. HIndi ko na alam kung anong gagawin ko, mas lalo akong nababasag kapag nakikita ko siya. Pero hindi naman ako pwedeng lumayo, marahas akong napabuntong-hininga.
KINAUMAGAHAN. Kakasuklay ko lang ng buhok nang may kumatok, siguro handa na ang breakfast. Lumabas na ako, napamaang ako nang mabungaran si Kuya sa pinto din ng kwarto niya. Nakatitig agad siya sa akin, humakbang siya palapit sa akin at bigla akong hinila payakap. "Ara, I'm sorry."
Tahimi kong kinalas ang mga braso niya sa akin pero mas lalo lang humigpit ang yapos niya. "Kuya please—" iwas ko sa halik niya. Wala na akong energy para dito. "Let me go."
"Baby...I'm sorry—"
"Stop it—Please!" asik ko na nang hindi pa din niya ako bini-bitiwan. He sighed at kinalasan na ako. Agad na akong bumaba, natigilan ako nang maabutan si Ate Mia.
"Hi Ara!"malambing niyang bati.
"Morning ate," pilit kong ngiti. Umupo na ako, then nagsimula na kaming kumain.
"Nakakatampo naman 'tong anak ko, matagal na pala dito eh, di pa namin alam—" basag ni Tita sa katahimikan. "Samantalang dati ako ang unang nakakaalam na andito na siya."

BINABASA MO ANG
Forbidden Love
RomanceMagpinsan silang dalawa pero lasing yata si Kupido nung mga panahong yun at napag-tripan niyang magpakawala ng pana sa kung saan lang at aksidenteng natamaan silang dalawang magpinsan. Sinubukan ni Ara na pigilan ang sariling nararamdaman sa half...