Chapter 10

7.6K 120 11
                                    

ARA P.O.V


"Nagyaya ang Kuya mo na pumunta ng ECL Riding Club.Pwede ka ba Ara?"

tanong sa akin ni Tita nang tulungan ko siyang ayusin ang garden niya.

Kaibigan nina Tito ang may-ari ng ECL Riding Club, dinig ko mga mayayaman lang ang pumupunta doon, mostly ay mga negosyante. Di pa ako nakakapunta dun pero sina Kuya, madalas daw kasi barkada din niya ang laging tumatambay doon.

"Ah, kayo nalang po siguro Tita, medyo busy po kasi talaga sa school ngayon eh" tanggi ko.

"Dalawang araw lang di mo pa kami mapagbibigyan?" sabat ni Kuya na palapit."You need to be there."

"Why?"matapang ko na ding sagot, di ko na din naisip na andito si Tita. Nakakabanas na kasi ang pagiging dominante niya eh.

"You'll know it when we got there. Finish all your school works and we'll leaving on Saturday morning, understand?"

"Tama ang Kuya mo, iha. And it's just the four of us, sure akong magugustuhan mo ang pupuntahan natin."

I nodded. Tinaasan naman ako ng kilay ni Kuya na parang nagsasabi na 'see? I still win.' Sarap niya talaga ligisin at turtahin.

"Ma'am telepono po!" tawag ni Maya. Mabilis namang pumasok si Tita.

Dumampot ako ng maliit na bato at binato sa kanya pero nasalo niya, then yumuko siya at pumitas ng bulaklak saka nilagay sa tainga ko sabay kindat. Pasayaw-sayaw pa siyang umalis papasok. Inabot ko ang host at tinutok sa kanya.

"What the...!" nabigla nyang anas.

"Ay sorry, akala ko kasi puno" irap ko. Matalim niya akong tiningnan.

Nanlaki ang mga mata ko nang rumaragasa siyang lumapit sa akin at inagaw ang host sa akin pero syempre di din ako nagpatalo.

"Whoa!" anas ko nang basang-basa na talaga ako.Talagang niyakap na niya ako pero di din ako nagparaya. "Whoa! Kuya ano ba?!"natatawa kong tili nang kilitiin niya ako.

"You started this." sabi niya.

Sinubukan kong makaalis sa pagkakayapos niya pero di ko magawa.

Napahinto ako sa kakatawa nang mapansing nakatitig siya sa akin, agad na sumimangot ako. "Ikaw na diyan!" sabi ko at binigay na sa kanya ang host at pumasok na ng mansiyon. Agad naman siyang humabol sa akin.

"Tumawa ka na! Ibig sabihin bati na tayo!" aniya nang harang-harangan niya ako sa may hagdan kaya nagpatintero pa kami. "Baby.. alam kong di ka na galit. Bati na tayo di ba?"

"Itsura mo!" irap ko at tumakbo na ako papasok ng kwarto ko, tumakbo din siya kaya di na ako nakipagtulakan sa kanya sa pinto.

"Baby naman... usap na tayo. Miss na miss na kita eh." sabay yakap sana sa akin pero tinulak ko siya. Hinablot ko ang towel ko at pumasok ng banyo. Matalim ko siyang tiningnan nang sasama siya sa akin sa loob kaya napaatras nalang siya. Ganyan, makuha ka sa tingin.

Naligo na ako. Naka-towel lang ako nang lumabas, pasalamat ako nang wala na siya.

"This bastard!"

O_O

Muntik pa akong mapatalon nang magsalita siya, nakahiga pala siya sa kama ko kaya di ko siya agad nakita. What the! Hawak niya yung phone ko! Mabilis akong sumampa sa kama at inagaw ang cellphone ko.

"Ano ba Kuya?! Di mo ba alam ang salitang privacy?!" sita ko sa kanya. Mga messages pala ni Kevin yung binabasa niya kaya panay ang pagmumura niya. "Lumabas ka---ay!" tili ko nang hilahin niya ako pahiga.

Forbidden Love (unedited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon