Please Follow, Vote and Comment mwah ;-)
Prologue
Tok! Tok! Tok!
"Mady? Mady? Gising na oy! Baka tanghaliin tayo. First day pa naman natin!" Ang ingay naman netong babaitang to. Tsh.
"Ano ba gising ka na ba?" Sisirain ko na tong pinto mo!"
"Eto na nga tumatayo na! Ang aga aga ang ingay mo. Ang OA mo pa!" pasigaw ko rin sa kanya.
"Aba sorry naman. Akala ko di ka na gigising eh. Sige na bilisan mo na kumilos at baka malate tayo. Magluluto ka pa!"
"Tsh. Sabi na nga ba eh. Palibhasa di ka marunong magluto kaya nanggigising ka para makakain ka" sabay irap sa kawalan kahit di niya ako nakikita.
"Oo na hahaha! Sige na intay kita sa baba. Labyu"
"Tse! Labyutoo" etong babaeng to talaga kahit kelan napakashunga. Bukas naman yung pinto ko bat kaya nag sisisigaw sa labas? Uso naman pumasok. Tsk tsk.
Pero ang shunga ko rin no? Haha nakipagsigawan din ako. Eh ewan. Busy ako. Nagaayos ako ng higaan ko.
Pagkatapos ko mag ayos ng higaan ay dumiretso na ko sa banyo para maligo.
Pagkatapos maligo ay agad na akong bumaba para magluto ng breakfast namin ng magaling kong bestfriend. Kahit napaka OA at napaka ingay niyan mahal ko yan.
"Ano bang lulutuin ko?" kunyaring pagalit na tanong ko sa kanya.
"Aba! Galit ka ba? Sige na wag na. Di na ko kakain. Ayokong kumain ng pagkain na puro sama ng loob" o diba ang OA niya talaga. Hahaha
"HAHAHA. Ang OA mo talaga. Niloloko ka lang eh"
"Leche! As usual favorite food?" Natatawang sambit niya.
"Hotdog at Carbonara! HAHAHA" Sabay naming sigaw na dalawa. O diba para kaming tanga. Buti nalang talaga wala kaming kasama dito kundi kanina pa kami nasigawan.
Sinimulan ko ng lutuin yung sauce nung Carbonara. Paubos na rin pala yung grocery namin eh. Mayaya nalang tong babaitang to mamaya sa grocery store.
Pagkatapos ng sauce ay niluto ko na rin ang pasta habang nagpiprito ng hotdog. O diba multi tasking ako dito.
Yung babaita? Ayun ang walang hiya nanonood ng TV habang nakataas pa ang paa sa lamisita. Nako talaga.
"Oy babaita kain na" nilagay ko na isa isa sa lamesa yung mga niluto ko.
"Galing talaga ng babaita ko. Hahaha sarap magluto talaga eh" anak ka ng nang uto pa ang gaga.
"Lakas mo mang uto eh no. Kumain ka na nga. Para makapasok tayo agad. Oo nga pala daan tayong grocery pagkagaling ng school ha. Ubos na yung mga stock natin"
"Ah sige. Di pa rin ba natin gagamitin yung kotseng binigay ni ate Meint?"
"Hinde"
"Eh? Mahihirapan tayo"
"Tsk ayokong dalin sa school yon no"
"Mahal mo din naman pala yung mga binibigay ng pamilya mo eh bat tinitiis mo pa rin sila?"
"Ano ba? Ayoko ng pag usapan to. Ayoko lang magdala ng kotse sa school dahil ayokong maging pafame" nakakainis to ang aga aga ganon na topic pa ioopen pisti. "Kung gusto mo umuwi tayo dito after school at magpalit tsaka tayo magdala ng kotse pa grocery"
"Ano pa bang magagawa ko? Hindi naman ako nananalo sayo. Queen ka princess lang ako" ay nako andrama niya nanaman.
"Buti alam mo. Drama neto. Magbihis na tayo. Magcocomute pa tayo. Bilisan mo ah."
Bumalik ako sa kwarto ko para magbihis ng uniform. Atsaka ko inayos ang sarili kong buhok. Ibinun ko sya gaya ng palagi kong ginagawa kada lalabas ako ng lungga ko.
Habang ibinabun ko yung buhok ko, tinititigan ko yung sarili ko sa salamin. Unti unti nanaman kitang naaalala. Bakit ba hindi ka nalang mawala bigla sa isip ko?
~flashback~
"MK, ang ganda talaga ng buhok mo" sabay suklay ng daliri niya sa buhok ko
"Eh bading! Hahaha pangarap mo bang magparlorista?"
"Kung ikaw lang naman lagi kong customer eh ayos lang"
"Naks hahaha iloveyou MK"
"Hahaha Iloveyouutoo MK. May request ako"
"Ano yun?"
"Wag mong itatali ng paikot yang buhok mo ha. Mas gusto kong lagi kang nakalugay"
"Ashhuuu. Inggit ka lang sa buhok ko. Hahaha"
"Tss. Di noh. Basta wag mong itatali ng pa bun. Pag tinali mo ibig sabihin di mo ko mahal!"
"Lah sya. Oo na po. Hahaha andrama mo"
~end of flashback~
Yung pagmamahal ko sayo? Natabunan na ng galit sa puso ko. Ano pang silbi ng pagsunod ko sa hiling mo. Wala kang kwenta. Siguro naman malapit na kong makamove on sayo.
Maya maya lang nararamdaman ko na naman ang pamamasa ng mga pisngi ko. Peste talaga tong mga luhang to. Mga taksil!
"Babaita! Ano wala na bang mas tatagal dyan?" nakakagulat naman tong babaitang to.
Agad kong pinunasan ng tissue yung mukha ko. Baka mapansin pa neto na umiyak nanaman ako eh.
"Eto na. Tara na!" Sabay na kaming bumaba. Inayos muna namin yung unit namin bago kami lumabas.
Paglabas namin sakto namang nasa floor namin yung elevator kaya nakasakay kami agad.
Mabilis itong nakababa kaya dali dali na kaming lumabas ng condo. Epal naman kasi talaga tong si ate eh. Tsk tsk. Ang hassle ng mag eelevator pa eh.
Pagkalabas namin ng lobby lumapit sakin si Leila, isa sa pinagkakatiwalaan ko.
"Good morning Princess and Queen. May balita po ako" halos pabulong niyang sabi
"Malamang halata naman. Aabangan mo ba ko dito kung wala?" Pamimilosopo ko sa kanya. Napayuko tuloy sya. Mga di mabiro eh. "Char lang eto naman. Hahaha ano ba yun?"
"Pumayag na sila"
PUMAYAG? WHAT THE...
~~~~~
BINABASA MO ANG
Fight For You
RandomYou we're just my enemy, An enemy that I want to defeat Isang kalaban na gustong gusto kong mawala sa daanan ko. Isang kalaban na unti unting ginulo ang buhay ko. Isang kalaban na binago ang paniniwala ko. Isang araw paggising ko bumaliktad ang lah...