Chapter 2

8 0 0
                                    

"Oo nga andami ngang elevators dito Mady" manghang pagkasabi ni Aqui habang nililibot yung mata sa hallway na puro elevators

"Inosente ka? Parang di ka nag eelevator sa bahay ah?" Sarcastic kong pag tatanong

"Antaray mo! Namangha lang ako sa katangahan mo" sinamaan ko sya ng tingin dahil sa sinabi niya

"Ayy katangahan ko pala. Oo no? Kasi di ko nakita tong elevators kanina" pagbawi niya sa sinabi niya. Buti naman at nakuha sya sa tingin

"Ahm excuse" pagsingit ni Vanessa sa usapan namin. May kasama nga pala kami haha.

"Ahy dadaan ka te?" Seryoso kong tanong sa kanya

"Hindi! Ambayan Mady! Hahaha I mean may I ask something?"

"Hahaha kala ko dadaan ka eh. Sige ano yun?"

"Ahm mansion ba bahay niyo?" automatikong tumaas yung kilay ko sa sinabi niya

"Ano bang pinag sasasabi mo? Tsaka bat mo natanong yan?" Sunod sunod kong tanong sa kanya

"Ah eh kasi sabi niyo kanina parang di nag eelevator sa bahay?"

Biglang sumingit si Aqui sa usapan namin

"Haha hindi mansion yon. Kasi sa isang Con---" pinutol ko yung sasabihin ni Aqui pagkabukas ng elevator

Sa ngayon di pa kami pwedeng magtiwala sa nasa paligid namin dahil di pa kami sigurado sa kanila.

"Tara na. Ayan na yung elevator"

Sabay sabay kaming pumasok sa elevator. Mag katabi kami ni Aqui sa dulo tapos sa harap namin yung dalawa.

Tinignan ko si Aqui ng don't-say-anything-muna look. Buti nalang at nagets niya agad ang pinapahiwatig ko kasi tumango tango nalang siya.

Nang matapat na sa ground floor ang elevator ay sabay sabay na naglabasan ang mga nakasakay doon. Dumiretso na kami sa cafeteria para kumain.

"Tara dun tayo sa may table na yun Madyy!!!" sigaw ni Aqui habang nakaturo dun sa table na nasa dulo. Medyo tago siya pero pag dun ka nakaupo tanaw mo yung buong cafeteria. Isa pa naiiba sya sa lahat dahil couch yung upuan niya.

Nagtungo kaming apat doon sa table na tinuro ni Aqui.

"Ahm girls tingin ko di tayo pwede dito" sabi ni Vanessa

"Ha? Bakit naman? Pang VIP lang ba to? May bayad ba to? Magkano? Mahal ba? Eh----" hays napaka OA talaga neto kaya pinutol ko na yung sasabihin niya

"Shut up Aqui ang daldal mo. Pano mo naman nasabi na bawal dito?" Sabay tingin ko kay Vanessa

"Ahm--kasi ahm--dito pumupwesto sila ahm--" jusq naman siguro puro ahm iniinom neto

"S-sila Dylan" singit naman ni Laureen

"Whose that?" Sabay na tanong namin ni Aqui

"Siya yung anak ng may ari netong school and kaibigan din siya nung gangster prince" pag papaliwanag ni Vanessa in a lower tone.

"Ahh. Eh bakit ganyan kayo umasta? Parang takot na takot kayo?" takang tanong ko habang nakakunot yung noo ko

"Eh kasi bawal sila pag usapan dahil once na narinig nila yun pwede ka nilang pag tripan or worst yung gang pa nila yung mang gulo sayo hays" sambit ni Laureen habang nakatungo

"Oh edi tara na para iwas gulo hahanap tayo ng ibang table haha" singit naman ni Aqui

Paalis na kami sa tapat ng table ng makita ko nanaman yung mokong na yun na tinatawag nilang gangster prince. Di ko nalang pinansin may araw din yan sakin.

Fight For YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon