Halos tatlong linggo na ang lumipas simula noong nagkaroon ng pasok. So far wala namang nagiging problema sa mga professors.
Papasok na kami ng room ni Aqui nang harangin kami ng isang maniac.
Nixon Xylander Dela Fuente
Pangalan ng bwiset na to. Ang prince ng Golden Warriors.
Ang naging epal sa buhay ko.
Tinangka ko syang lagpasan pero nahatak niya ang braso ko.
"Damn it. Bitaw!" Matamang ko syang tinitigan
"Sino ka ba talaga ha? Bat hindi ka pa rin natatakot sakin?"
"Bat naman ako matatakot sayo aber?" Tinaasan ko sya ng kilay.
"Ako lang naman si Nixon at prince ng ----"
"WALA AKONG PAKE. KAHIT SINONG PONCIO PILATO KA PA. WALA AKONG PAKE KAYA PLEASE LANG TIGILAN MO KO BAKA MAPATAY KITA!" pagpuputol ko sa sinasabi niya na may kasamang pagbabanta.
Hindi ako nag bibiro. Kayang kaya kita itumba gamit ang sarili kong kamay pag di ka pa rin tumigil.
"HA! Nakakatakot wow!" Sarkastiko niyang sagot
Inikot ko ang braso ko upang makawala sa pagkakahawak niya at iniwan syang nakatunganga sa labas.
Nang magsimula na ang klase, nakikita ko sa gilid ng aking mga mata na tumitingin sya sa gawi namin.
Alam ko. Alam ko nag tataka ka na kung sino talaga ako.
Pero wala akong balak ipaalam sayo.
Sana nga lang hindi mo talaga malaman.
Natapos ang klase sa mag hapon. Sumabay sa amin palabas sila Vanessa at Laureen.
"Sige mauna na kayo Mady at Aqui intayin nalang namin dito yung sundo namin" sabi ni Vanessa
"Sige lang, samahan na namin kayo mag intay. Maaga pa naman" pagsagot ko sa kanya
Sa totoo lang naging close na din namin sila. Mabait sila at mukhang mapagkakatiwalaan naman.
Sa araw araw na kasama namin sila naging magaan na ang loob ko sa kanila at tinuturing na rin silang kaibigan.
At dahil doon, natatakot akong madamay sila sa sikreto namin ni Aqui. Maaari rin kasi silang gamitin ng mga kalaban namin laban sa amin.
Weakness ko ang mga kaibigan ko.
At ang masaktan ang mga kaibigan ko ang pinaka ayokong mangyari kaya hangga't kaya ko silang ipaglaban ay gagawin ko.
Dalawampung minuto na ang lumipas ngunit wala pa rin ang kanilang sundo. Dumidilim na rin ang paligid.
Maya maya pa ay natanaw ko ang isang kotseng itim na papunta sa gawi namin. Alam ko pagmamay-ari ito ng Golden Warriors.
"Aqui" pabulong ko sa kanya atsaka siya siniko
"Ano?" May halong pagkairita sa boses niya.
"Ilayo mo sila Vanessa dito dalian mo"
"Bakit?" Nagtataka niyang tanong atsaka sinundan ng tingin ang tinitignan ko.
Mukha namang nagets na niya ang pinupunto ko kaya sinunod na niya ito.
Habang papalayo sila ay may lumapit sa aking tatlong lalaki.
Susuntukin ako ng isa sa kanila ngunit agad akong naka iwas. Pagyuko ko ay sinipa ko ang paa niya kaya agad siyang napatumba.
BINABASA MO ANG
Fight For You
RandomYou we're just my enemy, An enemy that I want to defeat Isang kalaban na gustong gusto kong mawala sa daanan ko. Isang kalaban na unti unting ginulo ang buhay ko. Isang kalaban na binago ang paniniwala ko. Isang araw paggising ko bumaliktad ang lah...