6- Crush and his Crush

0 0 0
                                    


"Ate Magi! Tabi tayo matulog please." Pangungulit sa akin ni Marga

"Bunso! Wag makulit. Sa guest room matutulog ang ate Magi mo." Saad naman ni Crush.

"No! Okay lang naman to me Marco eh." Pagpigil KO Kay Marco.

"You sure??"

"Oo nga poh :)" sagot KO.

"Baka dika makatulog niyan. Madaldal pa naman yang si bunso."

"Ayos lang talaga."

"Okay" pagsang-ayon Ni crush.

"Yes! Ate Magi is going to sleep with me." Masayang tugon ni Marga at dumiretso na siya sa banyo niya para mag shower.

"Sure ka hah?" Tanong ulit ni Crush ng maka alis na si Marga. Ang kulet din niya ah.

"Haha.. Yes! Sige na. Goodnight" saad ko sa kanya sabay tulak palabas ng kwarto Ni Marga.

Kapal ng lola niyo eh noh?Siya pa tong may ganang magtulak. Bahay mo Magi? Bahay mo??  Kaloka!

"Ahm Magi!!!" Tawag ulit sakin ni crush ng makalabas na siya sa kwarto ni Marga.

"Oh??"

"Wala. I just want to say goodnight." Then unti-unti siyang lumapit sa akin.

Palapit ng palapit. Oh! Nooo! Crush! What are you going to do with me?? May bata dito! Charott!

Nang makalapit na si crush ay bigla niya akong hinalikan.....

Hinalikan sa noo!! Sa noo lang okay?? Wag masyado mag expect.

"Wag ka magpupuyat." He said at pumunta na siya sa kwarto niya.

Naka-alis na si Marco ay nanatili parin akong tulala sa kawalan.

Ayieeeeh!! Anong drama yun crush! Bakit mo ako hinalikan sa noo. Hindi mo ako lola!! Dapat sa lips eh.

Ay!!! Lamparot Magi!! Pero mga ate! Kinikilig aketch!

Habang hinihintay KO si Marga sa banyo ay pinagmasdan KO muna ang kabuuan ng kwarto niya. Pink ang paint ng wall ng kwarto niya. May walk in closet at ang bed naman niya ay halos hello kitty na. Nadako ang tingin KO sa mga frame na nakasabit sa wall niya. Yung isa na pinakamalaki sa lahat ay ang family picture nila. Ang lawak ng ngiti doon ni crush. Mas gwapo talaga siya pag naka-ngiti eh. The rest is picture nila Ni Marco at yung iba na ay solo picture Ni Marga. Pero ang naagaw ng atensiyon KO ay ang solo picture Ni Marco sa mini table Ni Marga.

Kinuha KO toh at tinitigan. Naka fierce look dito si Marco at naka suot ng varsity jacket hawak ang gold medal. Siguro ito yung nung high school kami. Noong nanalo siya sa swimming competition.

Ito yung mga panahong hindi pa KO nag-eexist sa mundo ni crush, yung hindi pa niya ako kilala. Yung stranger palang ako sa kanya.

Tiningnan KO ulit ang litrato ni Marco saka KO binalik sa table.

Hayys!! Ang gwapo mo talaga crush! Hindi KO alam kung crush pa ba ang nararamdaman KO sa kanya or higit na dun ang nararamdaman KO. Bawat araw lumalala na tong paghananga KO sa kanya. Crush!!! Hindi kaya mahal na kita.??

Ano ba yan! Ang gulo KO!!! Ang gulo ng feelings KO. Ano na ba toh.? Lesheng puso!,Hirap intindihin.

"Ate Magi!! Do you have a crush?" Biglang tanong Ni Marga.

Haruy! Naman tong batang toh! Tapos na pala mag shower, diko man lang namalayan.

Is this the side effect of thinking about crush? Speaking of crush, bakit naman tinatanong netong si Marga.

Kinurot KO siya sa pisngi. " Bakit mo natanong, hah.. Marga?"

"Just want to ask ate." Sagot niya.

"Syempre. Meron akong crush. Bakit? Nagkaka crush na ba ang little girl na toh?"tanong KO ulit sa kanya.

Ngayon ay naka upo na kami sa bed Ni Marga habang sinusuklay ko ang buhok niya.

"Wala ate, but kuya have a crush."

Napahinto ako sa ginagawa Kong pagsuklay sa buhok Ni Marga ng marinig KO iyon.

"Eh sino naman daw crush niya Marga??"

Ay!!! Tsismosa much lang Magi!

"Ikaw ate---"

"What???" Nabigla Kong tanong.

"Just kidding"

Anak ng!! Aasa na Sana ako Marga eh.. Joke lang pala. Sucklaff!!

"Eh sino nga Marga?" Pangungulit KO kay Marga.

"Secret lang natin ate ah. Wag mo sasabihin Kay Kuya."

"Okay. Its a secret."

"Kaso Hindi tunay na pangalan ng girl yung sinabi Ni Kuya eh."

"Pwede lang.. Tell me. Daliii." Excited KO pang saad kay Marga. Pero deep inside parang may something na kumikirot sa puso KO. Sino kaya ang crush ni crush?

" Ms. Pandan ate :D"

"Seriously Marga..??" So weird huh??

MS.PANDAN !!! Bakit sobrang lihim Ni crush? Kelangan may codename pa talaga pangalan ng crush niya hah. Nacucurious tuloy ako.

"Yeahp ate. But kuya's crush is so pretty. I think I like her na for Kuya."

Eh ako Marga? Ayaw mo ba ako para sa Kuya ????

"Ang swerte nung girl noh??" Saad KO kay Marga. At pilit ngumiti.

" You know what ate Magi, andaming picture nung girl sa kwarto Ni Kuya, but most of the pictures are candid shots."

T____T awww!!!  Bakit? Bakit ma's lalong kumirot yung puso KO.. Ganun ba ka effort si crush sa crush niya? Mas malala pa ata tong si crush kung magka crush compare to me eh.

Naku Magi!!!! Mukhang talo kana agad ng crush ng crush mo!!! Anang isip KO.

Patuloy parin kami sa kwentuhan ni Marga.. I didn't expect na story teller pala tong kapatid Ni Marco eh.

"Ate Magi.. Diba malapit na acquaintance party sa school niyo?"

"Hah, oo bakit mo natanong?"

Dami din alam ng batang toh eh. Pati events sa school namin alam niya. Hindi kaya Dean itong si Margareth ?? Echoss!!

" May plano ata si Kuya mag confess dun sa crush niya ate."

"T-tlaga?? Ang sweet naman." Saad KO.

Sana sa akin nalang gawin Ni crush yun.

"Oo nga ate eh.Sige po goodnight ate."  Marga kissed me on my cheeks and after that ay humiga na siya.

"Goodnight Marga" at humiga na din ako sa tabi niya.

12:00 am!

Ano? It's already 12 in the morning and guess what? Hindi KO pa din nakukuha ang tulog ko. Maybe Marco is right. Hindi talaga ako makatulog.

Pero hindi naman sa pagkadaldal Ni Marga ang dahilan eh.. Kundi yung kakaisip ko sa crush Ni crush at si crush. Sana kase di KO nalang tinanong kung sino crush Ni Marco eii.  Edi sana natutulog na KO ng mahimbing ngayon!

Eh kung hindi ka kase Tsismosa Magi! Di ka sana masasaktan ng ganyan!!!

Nasasaktan ba ako? Eto na ba yung tinatawag nilang "Love HURTS" ???

Hi Mr. CrushTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon