12- Acquaintance Party

0 0 0
                                    


Monday.

Maaga akong pumasok. Malapit na din ang first period namin but I didn't saw crush. Pagkarating ko sa bahay after namin maghiwalay kahapon sa mall, I texted Marco na naka-uwi na ko sa bahay. But wala man lang siyang reply. Ang lungkot diba??? Siguro ganun lang talaga ka focus yung time ni crush sa pagbabantay Kay Chelsy kaya hindi na niya ko narereplyan.

Ano ba? Para naman akong nagseselos nito. Nagseselos nga ba ako??? TSS.

Selos! Wala naman ata akong karapatang magselos noh?

"Good morning class." Bati ni ma'am. Sa sobrang pag-iisip ko ay hindi ko namalayang dumating na pala siya.

Nagsimula ng mag lecture si ma'am at nagsimula narin akong maboring.

"Bakla! I wonder if bakit absent yung crush mo.. And wait pati si Chelsy. O___O" nanlalaki pa ang Mata ni Andrea.

"Owemmmgee! Don't tell me. Nagtanan sila"

*pakkk! Binatukan ko nga! Kung anu-ano iniisip nito eh. Napaka OA.

"Siraulo ka bakla. Malamang may sakit si Chelsy, kaya absent. And i'm sure nag-absent si crush dahil baka binantayan niya si Chelsy sa hospital." Mahaba kong paliwanag.

"Ah. Eh bakit ganyan itsura mo bakla??"

"What? Anong mali sa itsura ko.?" Nahalata ba niyang napuyat ako kagabi? Oo napuyat ako kagabi kaka-isip kung ano ginagawa ni crush.. Lalo na't kasama pa niya si Chelsy. Anak ng pusanggala naman eh. Naprapraning na ata ako.

"Oh! Eto salamin!" Abot sa akin ni Andrea ng mirror. "Mukha kang nayayamot na bad trip. Teka, nagseselos ka ba?"

"Selos!,duh! Bakit naman ako magseselos kay Chelsy, porket ba binantayan na siya ni Marco sa hospital."

"Oy! Bakla.. Daming sinabi ah. Oo o hindi lang ang sagot! Defensive much."

Lintekk naman tong si  Andrea eh. Daming nalalaman.

"I don't know Andy. I feel insecure!!" Naibulalas ko.

"Selos yan girl. Eh kung mag suicide ka din kaya. Tapos ma hohospital ka. Yun bibisitahin ka din ni Marco for sure. Sa morgue nga lang wahahah---"

*pak*! "Aray ko bakla." Sinapak ko ulit si Andrea. Ang daldal eh.

"Nice suggestion Andrea! Nice" sarkastiko Kong sagot. "Eh ikaw kaya patayin ko ng matuluyan kana sa morgue! Noh!!!!" Pagbabanta ko sa kanya.

"Wag naman bakla. Ikaw ah. Nakakatakot ka pala pag nagseselos. My ghad.!"

"Bakla! Paano pala pag yung crush ni crush eh si Chelsy pala.?" Out of nowhere Kong tanong kay Andy.

" eh di kawawa kah!"

Ang nice niya talaga sumagot eh. Mababatukan ko na talaga toh!! Utang na loob. Pigilan niyo ako.

"Ang galing ng sagot mo. Gusto mo Neto?" Sabay pakita ko sa kanya ng kamao ko. Natatawa nalang ako sa itsura niya dahil bigla siyang namula at parang natatae.

"Hahaha.. Bakla naman. Tiwala lang. Malay mo. Baka ikaw pala crush ni Marco divey?"

Hayss! How I wish Andrea. How I wish na Sana ako nalang.

"That's all for today class." Rinig Kong saad ni ma'am. Natapos na naman ang first period na wala akong natutunan.

"By the way class. Just want to inform you that on Monday is our acquaintance party. And the color of your attaire is Either black or white. You need to come because attendance is a must." At umalis na si ma'am after niya magpaliwanag.

Acquaintance Party na pala next week. Naalala ko tuloy yung sinabi sakin ni Marga nung NASA bahay ako nila crush.

" May plano ata si Kuya mag confess dun sa crush niya ate."

Oo nga noh! Magcoconfess si crush sa crush niya. Hanggang ngayon. Nacucurious parin ako kung sino.

Sa acquaintance party na ba tuluyang mabibiyak ang puso ko?

Mabibiyak naba talaga??? Nesfruta! For real -_-

After our class ay dumiretso kami ni Andrea sa mall para tumingin ng susuotin for the acquaintance party.

Nandito kami ngayon sa boutique nila Andrea. Oo may boutique etong freny kong bakla. Regalo ng parents niya nung nag 18 siya at siya na ang naghahandle ngayon. Ang arte-arte nga eh. Dahil daw nagdadalaga na siya dapat bongga ang birthday gift niya. Ang feeling lang eh. Nagdadalaga daw eh wala namang matres. Teka! Bakit napunta ang usapan kay Andrea? Balik tayo sa susuotin kong damit.

"Bakla! Lika dito!suot mo toh daliii" excited na yaya sakin ni Andrea.

"Eh! Ayoko nga niyan! Napaka revealing ang dating."  Tanggi ko sa kanya. Pano ba naman kasi. Pag sinuot ko yun,kita ang cleavage ko.

"Oh, eto nalang!",abot naman niya sakin yung fitted dress na color black. Elegante yung dating at see through yung back.

Kinuha ko naman toh at agad sinuot.

"Oh! Bagay ba??" Tanong ko sa kanya.

"Bakla! Ang ganda! Natakpan bilbil mo."

"Hoy! Wala akong bilbil >_<"

"K.dot. pwede na. Yan isuot mo sa Monday hah? For sure! Mabibighani si Marco sayo at baka makalimutan na niya yung crush niya! Bwahahaha" palahak na tawa ni Andrea.

"Kabaliwan mo Andrea. Sige eto na kukunin ko. Magkano?" Magbabayad ako syempre. Hiyang-hiya naman ako kay Andy baka malugi negosyo niya.

"Gaga! Wag nah! Sayo na yan." Oh! Tamo!? Dipa nalugi negosyo niya. Linibre pa ko.

"Seriously.. Mahal kaya toh!"

"Mas mahal kita Bessy. All I want for my sister is the best for her." Saad niya at niyakap ako. Aww! She's so sweet talaga. How I wish na magkapatid nalang kami. Ang swerte ko talaga kay Andeng. Kahit topak mahal na mahal ko ang hinayupak na baklang toh.

"Oy! Andrama mo na bakla" suway niya sa akin.

" anong ako?? Ikaw nga tong unang nag-emote eh."  -_- isisi pa sakin. Kaloka.

"Oo nah. Ako na emotera. Emoterang maganda." At inayos pa niya ang peke niyang buhok.

"In your dreams bakla. Pakalalaki ka nga! Ang gwap---"

"Shut up!!! I don't want to hear that word!" Pagpuputol niya sa sinasabi ko at nagdiretso palabas ng boutique niya.

Walkout lang ang bakla.

"Oy! Andeng! San ka pupunta? Hintayin mo ako.. Joke lang yun oy! Sineryoso naman agad." Pasigaw ko sa kanya. Hindi niya padin ako linilingon at diretso parin siya sa paglalakad. Hinabol ko siya dahil useless lang din ang pagsisigaw ko.

Pag talaga sinasabihan ko siya ng
" ang gwapo niya" naiinis siya :) Ewan ko ba dun. Ang Arte talaga. Naabutan ko din siya. At yun nagka-ayos din kami at dumiretso sa salon at nagpa-ayos. Langya! Ako pinagbayad ng gaga.. Kase daw sinabihan ko siya ng hatest word niya.. "Gwapo" !

Hi Mr. CrushTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon