ARA P.O.V
"I can manage!" asik ko kay Kuya nang alalayan niya akong maglakad sa batuhan. Naisipan kasi naming mag-spelunking dito sa kweba na malapit sa Summit Club, sabi kasi sa inyo eh, all in one 'tong club na 'to. Kinalas ko yung kamay niyang nakahawak sa beywang ko.
"Pwede ba Ara, tigilan mo ako diyan sa pagsusungit mo! Pag ako napuno sayo."
"Oh ano?" asik ko.
"Wala."
Umirap ako at nagpatuloy sa paglalakad. Actually, marami kami, sina Tita ay nasa unahan na. Hanggang sa marating na namin ang bukana ng kweba. Nilagyan na kami ng mga safety gears ng mga staff na nakaabang. Then, binigyan din kami ng lamp para pang-ilaw. Unang beses ko din 'tong gagawin kaya medyo kinakabahan ako.
Pumasok na kami, naka-ilang dipa palang siguro kami pero ang dilim na. Yung lamp nalang talaga yung maliwanag, may nadidinig pa kaming tunog ng mga paniki. Madulas pa ang mga batong nagsilbing obstacles sa paglalakad namin.
Horror talaga dito, as in. Parang feeling ko may biglang susulpot na dragon sa harap ko o di naman kaya ay ahas. Pero wag naman sana. "Ay!"tili ko nang may biglang lumipad sa mukha ko. Agad akong hinila ni Kuya palapit.
"Are you okay?" he asked.
"Yes." I nodded.
"Be careful." Anas niya nang hawakan ako sa kamay para maakyat yung medyo malaking bato na nakaharang sa daan. Pinauna na muna niya ako bago siya.
"Labas na kaya tayo Kuya?" anas ko kasi wala na talaga akong makita eh, lime lang din yung ilaw ng lamp. Super dilim talaga.
"Di pwede kasi di ko din alam ang labasan," sabi niya. Napakapit nalang ako sa beywang niya, no choice ako e baka kapag inaway ko siya at iwanan niya ako dito. Pawis na pawis na din ako. Pero habang nagtatagal nag-e-enjoy na din ako lalo na kapag bubuhatin ako ni Kuya sa mga madudulas na part para mas mabilis kaming makahabol sa iba.
"Whoa!" I screamed nang magliparan ang ibon na nandun nang daanan namin ang tambayan nila. Napasubsob ako sa dibdib ni Kuya.
"Ibon lang 'yun."
"Alam ko, nagulat lang ako."
Kinapa ko ang damit ni Kuya, pawis na pawis na din siya, pero di dahil sa takot o gulat, kundi dahil sa akin. Kapag nagugulat kasi ako, napapatalon ako sa kanya, nahihila ko ang damit niya, magpapabuhat ako. Kaya kung may pinakapagod man sa aming lahat, si Kuya 'yun. It's his fault, pinilit niya akong sumama dito.
"Wow!" anas ko nang mapahinto kami sa kalagitnaan ng kweba, may part kasi dun na pinamahayan ng mga alitaptap. Napahinto kaming lahat at kinunan 'yun ng picture. Yung sobrang dilim lang tapos makakakita ka ng mga maliliit na insektong nagliliparan at kumikislap!
"Pretty!" manghang pahayag ng kasama namin. Fireflies can really make a dark place magical and alive. I used to believe that they were falling stars but Kuya told me they weren't, insekto lang daw sila. Lihim akong napa-iling habang nakatitig sa mga 'yun, I just realized na naging bahagi pala talaga siya ng lahat ng yugto sa buhay ko.
He was there when I was just a kid, unti-unti niyang binura ang kabataan ko. He was the one who told me that Santa Kluas was not true at all, na sila Tita lang pala ang naglalagay ng gift sa mga sinasabit naming medyas.
He stopped me from playing chinese garter, he was always the one to destroy my fantasies, always the one to whisper the truth—no matter how cruel. He's there during my teenage years, he was always there, shaping my world. When I started changing—physically, emotionally, he noticed it before I did.
By fourteen, I wasn't the same girl who believed in Santa Claus. He had already taken that part of me—my wonder, my innocence. Not in one moment, but in pieces. Slowly. Carefully. Like a sculptor carving me into something he wanted.

BINABASA MO ANG
Forbidden Love
RomanceMagpinsan silang dalawa pero lasing yata si Kupido nung mga panahong yun at napag-tripan niyang magpakawala ng pana sa kung saan lang at aksidenteng natamaan silang dalawang magpinsan. Sinubukan ni Ara na pigilan ang sariling nararamdaman sa half...