#RealTalkFriend 1

35 1 0
                                    

Bakit may paasa at umaasa?

PARA SA PAASA:

Bakit ba kailangan pang mag paasa? Like what the heck people, bakit di mo na lang sabihin sa kanya na "Di kita mahal!" bakit kailangan pang patagalin? Kasi natatakot ka na baka masaktan siya? Kasi natatakot ka na pag sinabi mo yung totoo magbago siya? O baka naman kasi baka magalit siya sayo? It's never an acceptable reason. Kung masasaktan man siya, kung iiyak, o kung magbabago, o kahit magalit siya sayo. Counted yon! Kasi syempre umasa siya na mahal mo siya eh. Pero diba come to think of it, kung sinabi mo ng mas maaga, edi hindi siya umasa diba? As simple as that. Ika nga nila NO PAIN NO GAIN.

PARA SA UMASA:

One question always come inside my mind, Bakit ka umasa? Eh kasi akala mo mahal ka niya? Eh kasi akala mo mutual din yung nararamdaman niya for you? Eh kasi, akala mo pwede maging kayo? Oh eh baka naman kasi nilandi ka lang saglit, na fall ka na agad? Yan yan tayo eh! Kaya di umuunlad ang bansang pilipinas. Kasi umaasa tayo ng umaasa, kaya pag lumabas yung totoo, iyak agad? Gusto mo bigyan kita ng lubid at mag bigti ka na? Tayong mga tao, dapat di tayo umaasa sa maling tao. As people meron tayong perfect match na dadating sa buhay natin when the right time comes. Atat na atat ka kasing magka lovelife eh. Dadating din yan! Wait ka lang! Chill! 

PAASA KA KUNG..

a) Alam mo ng gusto ka nung tao, lalandiin mo pa lalo. Para pag na fall ng na fall yung tao sayo, iiwan mo sa ere. Habang siya umiiyak, ikaw nag papakasaya.

b) Pilit niyang pinaparamdam sayo na gusto ka niya pero it's either bulag ka, bingi ka, or nagbubulag bulagan ka, nagbibingihan ka. In short MANHID.

c) Sinasabi mong mahal mo siya, kahit hindi naman talaga. Tapos pag tinanong ka niya kung ano ba talaga kayo, sasabihin mo "We're just friends! Nothing more, nothing less!"

UMAASA KA KUNG....

a) Nababadtrip ka sakanya pag di nag paparamdam o kaya di nagtetext pero kapag nagtext na siya or nag pm sayo, kahit simpleng "Hi" lang niya sayo, hindi ka na galit at okay na ulit.

b) Kapag kailangan ka niya mabilis pa sa alas kwatro "On the way" ka na agad. Pero pag kailangan mo siya, lagi siyang may reasons. At yung reasons niya balu baluktot naman.

c) Kahit na sabihin na sayo ng magulang mo, or friends mo na di ka niya gusto. Di ka parin naniniwala kasi ang alam mo sa sarili mo na 'Mahal ka niya'.

Payong kaibigan para sa mga paasa;

Wag mo ng patagalin pa yang kagaguhan na yan my friend, kasi sa bandang huli di man ikaw ang masasaktan at uuwing luhaan, pero yung taong laging nandyan para sa'yo mawawala kasi sinaktan mo. Pwede naman kayong maging magkaibigan eh. Alam mo? Pwede niyang itigil yung nararamdaman niya kasi diba, masakit ipagsiksikan yung sarili niya. Pero ikaw din, kung ikaw ba ang nasa posisyon niya, anong mararamdaman mo? Diba masasaktan ka din? Kasi pinagmumukha mong tanga yung tao. Kaya habang maaga pa lang sabihin mo na.

Payong kaibigan para sa mga umaasa:

Kung feel mo na, hindi katulad ng nararamdaman mo ang nararamdaman niya. Itigil mo na. Oo, pwede kang umamin para naman aware siya. Pero kung feeling mo wala talagang patutunguhan itigil mo na. Lumayo ka na. Sayang lang yang kapogian o kagandahan mo para lokohin ka ng ganyan. You deserve someone better. You deserve to be treated the best. Don't be a fool and don't act like a fool. Be mature enough to show or prove him or her, na kaya mong mahalin siya ng hindi ka umaasa ng kapalit. Malay mo sa gagawin mong yon. Marealize niya na mahal ka din niya. Better think twice, thrice, or even million times. 

_______________________________

Natauhan na ba kayo sa mga pinagsasabi ko? Pwes matatauhan pa kayo lalo!!! Hahahahaha joke lang :) 

Kung nagustuhan niyo tong part na to at nakarelate kayo ng SOBRA! Please vote and add my book to your list. Thank you :*

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 08, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

#RealTalkFriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon