School days

0 0 0
                                    

"Gising na mahal na prinsesa, may pasok pa."

"Gising na mahal na prinsesa, may pasok pa"

Pinatay ko na agad yung alarm ko sa phone ko, ampangit kasi ng boses ko. Hindi ko nga lubos na maisip kung bakit yun ang naging ringtone ko.

Tumingin muna ako sa clock ng kwarto sa wall. 5:00am palang pala pero 7:00 kasi ang start ng pasok ko, medyo mabagal din ako kumilos kaya kailangan ko talaga mag adjust.

"Goodmorning sandie!!! Kumain ka muna nagluto ako nga paborito mong bacon!".
Yan agad ang bumungad sakin pagbaba ko sa kwarto.

"Wow bacon.!!!

Dadamputinn ko na sana yung isang slice ng bacon ng biglang may humawak sa kamay ko para kumontra. Well siya lang naman ang panganay kong kuya. Si kuya Jake.
Nice timing talaga. May kaagaw nanaman ako sa bacon.

Binigyan ko ng masamang tingin si kuya para bitawan. Pinapatulo niya lang ata ng laway ko eh.

"Kuya kala ko ba bukas ka pa uuwi?"
tinaasan lang niya ako ng kilay at hindi parin ako binibitawan.

"Namiss ko kase yung bacon ni mama kaya umuwi na agad ako"
Nag puppy eyes ako kay kuya, pero wa effect, kaya ginamit ko nalang lahat ng lakas ko para mabitawan niya agad ako.

Ginamit pa talagang dahilan yung pagkain, eh halata namang gusto mo lang akong inisin, bulong ko.

"May sinasabi ka ba ha?"
bigla naman siyang sulpot sa harap ko. Nananahimik ang taong kumain nanggugulo. Wala talagang kapayapaan kapag andito si kuya.
Ito daw kasi yung ways niyang manlambing. Teka, lambing ba tawag dito.

"Inosento po ako"
mahina kong sambit. Ginulo naman ni kuya yung buhok ko. Naging habit niya na kaya yan. Basta makita ko si kuya ganyan lagi ang ginagawa niya.

"Sige na anak maligo ka na malalate ka pa diyan, dahil ng kuya jake mo"!

Oh my savior. Thankie mama kung hindi dahil sa inyo baka natapunan ku na ng juice si kuya sa muka. Kanina pa kase nang aasar.

"Bilisan mo lumakad phanget"

Sigaw pa ni kuya. Tawagin ba naman akong phanget. Ilan na bang awards ang nauwi ko mula elementary to highschool. Si kuya talaga binubully ang sarili niya.

"Unggoy!"- sigaw ko kay kuya with matching pag ge-gesture pa nang pang unggoy. Ansarap niya talagang asarin.

Pagkatapos kong lumigo dumiretso agad ako sa salamin.

"Today is another day to trying to get by without you."

Oo hindi ko pa lubos na nakakalimutan si Markie. May parte padin siya sa puso ko. Mahal ko pa din siya. Alam kong may dahilan kung bakit siya nakipagbreak sakin. Kilala ko siya. Hindi niya kayang gawin yun kung makakasama yun sa aming dalawa.

"Hoy panget malalate na tayo!!!"
rinig na rinig ko ang sigaw ni kuya kahit nasa kwarto ako. Yung unggoy na yun kahit kelan talaga sagabal sa pag eemote ko. Bumaba na agad ako sa kwarto at dumiretso sa gate.

First school days ngayon kaya kailangang maayos ako. Nag suklay lang ako, tutal tuwid naman itong buhok ko. Kaunting foundation, eyeliner at lip gloss Ayos na.

Sumakay na agad ako sa kotse ni kuya. Buti pa nga siya may kotse na. Well bata pa kase ako kaya wala pa akong lisensya. Kaya sa ayaw at sa gusto ni kuya. Siya ang maghahatid sundo saakin araw-araw.
Wahahahaha makakabawi din ako sa kanya.

Ilang minuto din ang biyahe kaya nakatulog ako, medyo antok pa kasi ako dahil puyat nga kagabi.

After 5883859458577 century, nakarating na kami sa school na papasukan namin.

ANDERSON  NATIONAL HIGH SCHOOL

Halos mapa nganga na ako sa ganda ng school. Mahal nga talaga ang tuition fee dito. Gate pa lang ulam na. Bago ka makapasok sa school kailangan mo munang i-islislide yung I.D mo sa isang machine.

"Daming arte" rinig kong sabi ni kuya. Napatawa naman ako. Hindi talaga siya marunong maghintay.
Nakapila kasi kami. Siyempre bawal naman kasing sabay sabay.

"Sige unggoy una na ako"!
sabi ko kay kuya sabay alis. Hahanapin ko pa kasi kung san ang room ko hindi naman pwedeng buntot ako ng buntot dun sa unggoy na yun, malaki na naman ako eh, kaya nga wala pang lisensya.

"Ingat ka panget"! -pahabol pang sabi ni kuya. Sinamaan ko na lang siyang tingin, yun lang naman ang maigaganti ko dahil masyado na siyang malayo sakin. Kahit kailan talaga hinding hindi yun magpapatalo. At talagang sinigaw pa ha. Nakatingin tuloy yung mga tao sakin.

Pagkatapos naming magsigawan ni kuya i mean ni unggoy hinanap ko na agad yung number ng room ko sa isang long and wide board. sosyal to ah may mga paro paro pa sa bawat gilid, ganun na ba ka effort ang gumawa nito. Habang naghahanap ako ng room number narinig ko naman si Kate na sumisigaw...

"Sandie!!!" 

Siya nga pala si Kate Hernandez bestfriend ko since elementary, well tatlo kami pero baka wala pa yung isa.

"Asan si bella???""
tanong ko kay kate. Bigla namang nag iba yung expression ng face niya. May nasabi ba akong mali?

"Sinong Bella si Iyara Glady Arabella Ramirez ba yung tinutukoy mo?!!

Iyara nga pala ang tawag niya kay bella. Ito naman kasing si Iyara Glady Arabella Ramirez ay pagkahaba haba ng pangalan. Hindi ba naisip ng parents niya na nakakaawa ang bata kapag yung iba nag tetest na habang si Iyara Glady Arabella Ramirez ay nagsusulat palang ng pangalan.

"Yup si Bella, pero nasan ba siya"

Palingon lingon na ako sa paligid namin para hanapin siya pero wala pa din. Habit niya na talagang malate, since elementary kasi ay lagi siyang late.

"Hello, Im here!!!

sabi ni kate na may pag wagay way pa ng kamay niya sa harap ko.

"Aynow"

alam ko naman talagang nandito siya, so andito na nga siya kaya nga hinahanap ko si bella para kumpleto na ulit kaming tatlo.
Bigla naman ng papdyak tong si kate na parang kabayo.

"Ano kasi sandie..!! Ksi ano eh....

nakataas lang ang kilay ko habang naghihintay ng continuation ng sinasabi niya.

"Nahanap mo na ba ang room number mo, kasi 5 minutes before mag start yung klase ay ang laki lak-.."

Hindi ko na pinatapos yung sinasabi niya. Malalate na kasi kami masyado panamang strict ang principal nito.

Room number 21 Section E.

After 5860305055686 century nakarating na din kami sa destinasyon namin pero masyado na kaming hagard. Ikaw ba naman kasing tumakbo mula sa gate to third floor. Akala ko pa naman may elevator tong school na ito.

"Sandie!!!!!""

Naiiyak na sabi ni Kate, sumilip kasi kami sa bintana, nagsisimula na nga ang klase tulad ng inaasahan namin.

"Tara"!! sabi ko kay kate sabay hila sa kanya at pasok sa room. O diba. Nakakahiya, lahat ata ng students ay nakatingin saming dalawa. Pero hindi pa naman ata nagtututo yung proffesor dahil parang kajdating lang din.

"Sandie, Kate!,  huy!!"
sabay naman kaming napalingon sa kinaroroonan ni Bella. Hayys andito na pala siya hindi manalang nag text, e di sana maaga aga pa kami nakarating dito.

"What a messy morning"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 20, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Can i be your only one??Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon