1

7 0 0
                                    

CRISTINA

"Ang ganda niya lang best friend. Tapos ang bait pa, alam mo yung complete package? Siya na yon."

Mabait din naman ako ah, nagseserve nga ako sa simbahan tuwing linggo. Maganda din naman daw ako sabi ni mama. So pwede na akong complete package diba?

"Oo na, sa loob ng isang araw mga sampung beses mo na sakin nasabi yan. Bakit kasi hindi mo na lang siya ligawan?"

"Ano ba yan best friend, alam ko namang pogi ako pero hindi ko alam kung bakit pag dating sakanya tameme ako."

Bakit? Sa akin ba hindi?

"Eh ano naman palang balak mo? Tignan siya sa malayo? Hello, uso pa ba yon ngayon? Sabi nga ni Nadine, it's normal tutal 2017 na."

"Ah basta, iisip muna ako ng plano ko. Basta kapag naging kami na at ikakasal na kami, gusto ko nandun ka best friend ha! Dapat proud ka sa akin."

Umalis na siya at nagpaalam, ano ba naman yan? Kung aware ka lang Law na may gusto ako sayo, would you still want me to be in your wedding day? Or would you give us a try?

Pero asa naman din kasi ako na magkakagusto sa akin si Law. Hello, siguro sa lahat ng sampalan na nagaganap sa mundo pinakamasakit na yung ilang beses niyang isampal sa akin ang salitang "best friend."

"Oh Cristina! Hoy ano ba? Palagi ka na lang tulala. Ilan nakuha mo sa quiz kanina sa Con. Arts? Grabe yon si sir, akala ko easy lang ang quiz tutal easy din siya magturo."

Nandito kami ngayon sa classroom at kasama ko si Chaeyanne, isa din sa madaldal kong kaibigan pero okay naman siya.

"Ha? Eh 18 lang, hindi ko kasi alam yung dalawang technique sa painting."

"ANO?! Bakit hindi mo ako pinakopya? Alam mo bang 6 lang ako? Hay."

Natawa na lang ako dahil sa dami ng rants niya sa buhay. Hindi ko rin maintindihan ang babaeng ito, minsan mataas ang energy niya when it comes to studying, pero madalas halos kakapasok lang niya eh uwian agad ang hiling niya. Well, siguro di na maiaalis yun sa mga estudyante.

"Uy oo nga pala Cristina, lilipat dito yung si cousin ko from Batangas. And i think classmate ata natin siya?"

"Sino? Si Cloud?"

Si Cloud lang naman kasi ang kakilala ko sa mga pinsan niya, and Cloud is a gay, and yes, mas maganda pa siya sakin. Unfair right?

"Nope, di mo pa kasi siya nameet, he came back from Canada pero pure pinoy. And yung nanay niya gusto niyang magstay dito yung bebe boy niya. So ayun tulungan mo ko na i-guide yon. Medyo bad ass pero walang ass yon. HAHAHAHA."

Natawa naman ako sa sinabi ni Chaeye pero okay din, bukod kay Law wala na akong ka close na lalaki, so i think it's fine na may maging kaibigan na bago.

Nung maguwian ay dapat sabay kami ni Law, pero sa kasamaang palad meron daw silang training. Oo nga pala, ang pinakapogi kong crush/best friend ay isa lang namang swimmer.

"Ouch/Aray."

"Ano miss sorr----"

Magsosorry ba ako kung ang nakabangga ko ay ang babaeng gusto ni Law?

"I'm sorry, i didn't see you coming."

Oo nga, staring at her made my whole system insecure. She got this tantalizing eyes na pakiramdam ko ay napunta ako sa isang magical place, she has a long hair na abot hanggang bewang samantalang ako eh hanggang balikat lang, baka naman naka-pantene or sunsilk siya? Her lips are pinkish, i wonder if she uses liptint? Kasi ako oo, mukha kasi akong patay kapag wala. And to top it all, maputi siya, hindi yung puti ng dahil sa kojic, halata kasing maputi talaga siyang natural.

THE CATASTROPHE OF FALLING IN LOVEWhere stories live. Discover now