CRISTINA
"Sa wakas bessy lunch na, alam mo bang kanina pa kumukururog yung tiyan ko? Pakiramdam ko yung mga ahas sa bituka ko ay nag-kabuhol buhol na."
Umuunat pa si Chaeyeann habang ako naman ay nakatitig sa cellphone ko. Sabi ko na nga ba ay masisira lang ang araw ko dahil nagsend na ng picture si Law. Litrato nila kahapon ni Estefani nung hinatid niya.
"Oh? Ano naman kelangan mo?"
Napatingin ako sa taong tinataasan ng kilay ni Chaeye. Sino pa nga ba edi si Jheran. Napakapogi talaga, good vibes ang nakikita ko sakanyang aura.
"I need money. Nakalimutan ko magwithdraw i don't have cash."
"Bayaran mo ko ha!" Nagabot ng isang libo si Chaeye from her wallet. Tinignan naman ako ni Jheran ng blangkong tingin saka umalis.
"Ang snob naman ni Jheran." ani ko
"Lagi may regla. Atska wag mong tawaging Jheran yon, baka masipa tayo pareho."
"Eh bakit naman?"
"Ang alam ko lang dahil yun ang tawag sakanya nung jowa niya before? Di ko kasi alam ang details nila pero sabi ni tita, Klint was really broken and ayan pinadala dito."
Tumango na lang ako saka kami nagpunta sa canteen, at sana di na lang ako tumuloy. Nakita ko lang naman si Law kasama si Estefani kumakain ng fries habang masayang nagtatawanan. At ngayon ito na nga, kumakaway sa akin si Law kaya ngumiti na lang din ako.
"Crush mo?"
Nagulat ako nang may magsalita sa tabi ko. Si Jhe---i mean si Klint. May subo siyang lollipop na akala mo eh cute tignan...actually pogi talaga tignan.
"Di ah. Teka nasan na si--" tatanungin ko pa lang kung nasan na si Chaeye nang makita kong kasama niya na ang jowa niya. Buti pa tong si bessy ko may jowa na and 2 years na rin sila. Samantalang ako...eto friend zone.
"Weh? Di mo crush? Ano pala?"
"Ang tsismoso mo ha infairness."
Inismidan lang ako ni Klint saka niya ako tinalikuran. Snob nga talaga kala ko pa naman close na kami. Kumuha na lang din ako ng pagkain ko saka nagtungo sa table nila Chaeye kaso nakalimutan ata nilang kasama nila ako dahil sobrang tamis nila ni Luke kaya naisipan ko na lang din na umalis.
Nagdesisyon akong tumungo sa library kaso may naramdaman akong braso na umakbay sa akin balikat.
"Bestfriend! Bakit di ka lumapit kanina nung kumaway ako?"
Eto na si Law, wala naman akong choice kundi kiligin lang uli dahil hello hobby ko kaya iyon sa tuwing nasa malapit si Law.
"Eh syempre you're having fun with Estefani, ang pangit naman kung makikiepal ako diba."
"Bat ka naman magiging epal? Sayang iapapakilala pa naman kita kay Estefani. Sino pala iyong kasama mo kanina?"
Kilala naman niya si Chaeye ah? Bat tinatanong niya pa? Wait----baka naman nakita niya yung kanina na kausap ko si Jhe---este Klint?
"Ah, si Klint pinsan ni Chaeye."
"Bagay kayo."
Napanganga ako sa sinabi niya. Ano daw? Kami bagay? Bat di na lang niya isiping mas kaming dalawa ang bagay?
"Sige best friend, may training pa ako eh. Hehe ingat ka!"
Umalis na siya nang tuluyan bago pa ako makapag react. Puha, baka isipin niya na bet ko si Jheran? Teka i mean Klint...teka bahala na mas madaling sabihin ang Jheran.
YOU ARE READING
THE CATASTROPHE OF FALLING IN LOVE
Dla nastolatkówIt is a chaos when you started falling in love, specially with the person you treasure the most. And it's devastating knowing that you'll never be loved by that person. Yes, i am his Bestfriend. And i am someone's Catastrophe when he decided to fal...