The black Rose

1 0 0
                                    

Dalawang araw na ang nakalipas simula ng matanggap ko iyon.

Hindi ko alam kung paano ako nakatulog ng gabing iyon.

Hanggang ngayon hindi pa rin maalis sa isip ko kung kanino galing

ang itim na rosas na natanggap ko.

Tok! Tok! Tok!

"Pasok" - ako

"Ma'am ipinapatawag po kayo ng Daddy ninyo. Nasa Conference Room

po siya"- Ani Dennise ang secretary ko.

"Okay. Susunod na ako" sabi ko sakanya at tumango lang siya.

Ako si Skyla Leigh Cheng. Anak ng mayaman at negosyanteng si

Hector Cheng. Kami ang nagmamay-ari ng isa sa pinaka malaking

Kompanya sa bansa. Ang FCC Group of Company. May branch din kami

sa Taiwan, France and Germany.

Kami rin ang nagmamay-ari ng ilang malalaking malls sa bansa.

Ang totoo ayoko ng kahit anung tungkol sa business.

Pero wala akong magawa dahil ito ang gusto ng daddy ko.

Tumayo na ako at sumunod sa conference room.

Pag-pasok ko nakita kong nakaupo na si Dad kasama si Mr. Reyes.

"Good morning Sweetheart"- bati ni Dad sa akin.

Sweetheart

Sweetheart

Welcome to hell Sweetheart

Shit!

"Hey. Is there something wrong?" -tanong ni Dad

"Uhm.. Wala naman po."- sagot ko sabay pilit na ngiti.

"Hector mukhang alam ko na kung sino ang susunod na

magpapatakbo ng FCC Group"- pagbibiro ni Mr.Reyes

"Kaya nga sinasanay ko na itong si Skyla. Sweetheart maupo

ka muna."- baling ni Daddy sa akin.

"Dad will you please stop calling me sweetheart"- naiiritang sagot ko.

Napatawa naman si Dad sa sinabi ko.

"Oh I'm sorry. Anyway kaya kita ipinatawag dito kasi may

pupuntahan akong business trip." - panimula niya.

" And "- dugtong ko.

" At habang wala ako, ikaw muna ang papalit sa akin" - sabi ni Dad

"What?! Dad alam mong wala pa ako masyadong alam sa kompanya mo".- Sagot ko sa kanya.

"Don't worry Anak. Mr. Reyes is here to guide you. Right Mr. Reyes?- tanong ni Dad Kay Mr. Reyes

"Yes. Wag kang mag- alala paunti-unti eh matututunan mo rin ang mga pasikot- sikot about business"- nakangiting sagot ni Mr.Reyes.

"That's it. Bukas na ang alis ko. Kaya Anak ikaw muna ang aasahan ko dito."- sabi ni Dad sa akin.

" Alright. As if naman may magagawa pa ako"-  Umirap na lang ako sa kawalan.

Pag-katapos ng usapang iyon lumabas na ako.

Bumalik na lamang ako sa Office ko.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 08, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Love Behind The Black RoseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon