Mischievous kiss-- 2

747 9 0
                                    

Dear Diary,

Ngayon, Hindi ko na yata kayang magpakita pa sakanya dahil sa nagawa ko kagabi!

I'm so embarrassing... anong gagawin ko!? magtatago ba ako? o Hindi na lang ako magpapakita sakanya kahit kailan! ano na gagawin ko....... (°^°||)

Well, kapag Hindi ko siya pinansin baka magalit siya or pwede din siyang magtampo.

Naglalakad ako sa may grounds ng may tumawag ng pangalan ko.

"Jessica!"

Lumingon ako at nagulat ako ng makita ko si James.

"Wait J-james?" Sabi ko habang nag-iisip kung ano ang gagawin ko.

"Parang nakakita ka ng multo, huh." Sabi niya ng nasa harapan ko na siya.

"Ah, eh... n-nahihiya k-kasi ako......" Nau-utal kong sinagot sakanya.

Parang tanga ako dito, jusko.

"Dahil ba sa nangyari kagabi ng tumawag ako sayo?"

Oo buti na lang alam mo.

Umiling lang ako at namula.

"Okay lang yun Jessica well parang na-in-love nga rin ako sayo." Sagot niya sabay ngiti.

Wait confession na ba 'to!?

Thank you, Lord!

"H-ha? a-anong sabi mo?" Tanong ko naman sakanya at nakahawak ako sa kamay niya.

"Hahaha joke lang! wala pa ako diyan studies muna ang gusto ko bago mag-ganyan." Sagot naman niya habang tumatawa.

"Ikaw talaga!" Sigaw ko naman sakanya at bigla akong sumimangot.

"Hala galit ka ba??" Biglang tanong niya sakin.

"Ako? Hindi ako galit, ano ka ba? depressed lang, grabe ka naman!" Pasigaw ko naman na sinagot sakanya at binitawan ko na agad yung kamay niya.

"Bakit ka naman depressed?".Tanong naman niya sakin at hinawakan niya ang kamay ko.

"H-huy! anong binabalak mo? Wag ako!!!" .Sigaw ko naman habang pinipilit Kong tanggalin yung kamay ko mula sa pagkakahawak niya.

Ano ba 'to!? palala ng palala yung bilis ng tibok ng puso ko!

Wait! pause!

Jessica bakit ka naman magkakagusto diyan!?.

"Si mama kasi gusto kang makita." Sagot naman niya sakin habang papunta kami sa gate.

"Bakit naman?" Tanong ko sakanya at binitawan niya na yung kamay ko.

"Kasi wala lang gusto lang ni mama, kasi nake-kwento kita madalas sakana." Sabi naman niya at naglakad na siya.

"Bakit? Bakit mo ko kine-kwneto sa mama mo?" Tanong ko naman sakanya at Hindi na siya sumagot.

Wait galit ba siya sakin?

Omo! sige ka 100% pa naman ang pagmamahal ko sayo, kapag galit ka mababawasan magiging 99% na lang.

Kung makapagsalita naman ako, kala ko naman kaya ko yun gawin.

"Jessica." Bigla naman siya nagsalita at kinuha niya ang kamay ko.

Kyaa! nakakakilig naman 'tong moment na 'to! Hindi ko na toh kakayanin!

"Ha?" Sabi ko naman sakanya at bigla na lang siya napatakbo at hawak pa rin niya ang kamay ko.

"James saglit!" Utos ko dahil halos kinakaladkad na niya ako.

Ano ba meron?

Kahit sabihin ko man na saglit hindi naman niya ako sinasagot.

"Nasaan na kaya si mama?" Tanong niya at binitawan na niya yung kamay ko at tumingin siya sa may labas ng gate pero wala talaga yung mama niya.

"Baka umuwi na." Sagot ko naman sakanya.

"Oo nga wala na eh." Bigla na lang ako umalis habang nakatalikod pa siya sakin.

Pumunta muna ako sa may classroom namin at nagbasa muna.

Hindi kasi ako makakapagbasa sa library eh sarado pa.

"Nasaan na nga ba yung isang libro na binili ko sa national bookstore?" Sabi ko naman sa sarili ko habang hinahanap ko yung libro ko na Voiceless kahit natapos ko na yun Hindi ko pa rin siya magagawang tigilan nakakakilig kasi eh.

"Anong hinahanap mo?" Tanong naman ng isang kaklase ko sakin.

"Um.... yung libro ko kase hindi ko kasi mahanap." Sagot ko naman sakanya.

Nakakahiya naman kung hindi ko siya sasagutin edi nagmuka siyang tanga.

"Ahhh..... um.... you are Jessica right?"

Man-nosebleed ako dito, jusme.

"Yes... anong kailangan mo?" Tanong ko naman sakanya at tumingin ako sakanya.

"From now on let's be friends."

Wait 'let's be friends? Wow. First time yun ah!

"Yeah, sure." Sagot ko naman sakanya sabay ngiti.

Ng time na ng lunch pumunta kami sa may rooftop at nag-senti muna.

"Are you a foreigner?"

Parang ewan ako kung magtanong. Pero ang ganda niya, to be honest.

"Yup. I came from Spain." Sagot nman niya.

Nagulat ako ng sinabi niya yun.

"Oh, can you teach me the language you use in spain?" Tanong ko naman at humarap ako sakanya.

"Sure!" Sagot niya habang natutuwa siya, "Hola in Spanish is hi." Umiling lang ako, "How are you in Spanish is ¿cómo estás?" Umiling lang ulit ako. "Baka ma-late tayo kung magtatagal pa tayo dito." Biglang sagot naman niya sakin.

"Ay! oo nga noh!" Pag-sang-ayon ko at tumakbo na kami papuntang classroom.

Ng uwian na napansin kong parang Hindi na nagpapakita sakin si James.

Lahat na ginawa ko ng pagkarating ko sa bahay namin tinawagan ko siya, tinext ko siya, nag-leave message rin ako sa Facebook lahat na ginawa ko para makausap siya.

Pero wala talaga.

Ano bang' nangyayari?

Mischievous kissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon