Mischievous kiss-- 6

453 5 0
                                    

Dear Diary,

"J-James..." Sabi ko ng imulat ko yung mga mata ko.

"Nasaan na ba ako?" Tanong ko naman habang umuupo ako.

"Ahh.... oo nga pala nandito pala ako sa bahay nila James....." Sabi ko sa sarili ko ng tumayo na ako sa kama.

"Ma!" Sigaw ko naman.

"Jessica bakit?" Tanong naman ni mama pagkabukas niya ng pintuan.

"Nasaan po si James?" Tanong ko naman sakanya.

"Wala na pumasok na."

Walang 'ya talaga yung lalaking yun!

"Sige ma, may gagawin lang ako ha saka ako papasok tutal malapit naman po yung festival kaya pwede hindi maagang pumasok." Sagot ko naman habang nakatayo ako.

"S-sige ano bang gagawin mo?" Tanong naman sakin ni mama habang kumukuha na ako ng bond paper sa bag ko.

"I'M GOING TO CONFESS MY FEELINGS!" Sigaw ko naman habang naka-ngiti ako ng sobra sobra.

"Ahahaha sige anak push lang natin yan pero kanino ba?" Tanong naman ni mama habang naka-upo na ako sa study table ko at nag-susulat.

"Ahahaha kanino pa ba edi kay James!" Natatawa kong sinabi Kay mama.

"Ahahaha sige papayagan kita tutal bagay naman kayong dalawa." Natatawang sumang-ayon si mama.

"Sige na mama mauna na kayo sa baba mag-susulat na ako ng love letter na kakaiba." Natatawa kong sinabi.

"Sige sana tanggapin niya ha".Umiling lang ako kay mama.

Sa may school.

"Eto na Juvia it's time for me to confess my feelings!"

Recess na kasi namin kaya pwedeng gumala sa may grounds.

"Are you sure on what you are going to do?" Tanong naman niya.

Hindi ko na lang siya sinagot at tingin ako ng tingin sa paligid.

"Juvia ayun siya!!" Sigaw ko kay Juvia habang hinawakan ko ng mahigpit ang kamay niya.

Kinakabahan talaga kasi ako.

"So what are you waiting for? go on." Natutuwa niyang sinabi sakin.

"Friend, may sasabihin lang ako sayo." Naka-ngiti kong sinabi sakanya.

"Ano yun?" Tanong naman niya.

"Friend thank you dahil lagi mo ako sinusuportahan sa anong pagsubok na dumadating sa buhay ko at salamat rin kapag hindi ko nagagawa mga home works ko tinutulungan mo ako sa hindi ma-solve solve na lintik na math problem na yan."

Bigla siyang natawa sa sinabi ko.

"Parang mamamatay ka na ahahahaha." Natatawa niyang sinabi sakin.

"Ahahaha oo nga noh. Sige una na ako."

Umiling lang siya at pag-lingon ko biglang.

"WWWAAAAAAAHHHHHH!" Sigaw ko na parang tanga.

"Wait what's wrong?" Tanong naman ni Juvia sakin.

"FRIEND! WALA NA SIRA NA ANG PANGARAP KO!!!!!"

Yinuko ko na lang ang ulo ko.

"Why?"

Ano ba naman 'to Juvia Hindi ba obvious?.

"Hindi ba obvious? wala na siya dun pinag-hirapan ko talaga 'tong letter na ito! huhuhuhu nag-search pa ako sa google ng mga malalalim na salita para lang dito!"

Mischievous kissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon