Mischievous Kiss-- 48 -The last conversation

379 9 0
                                    

"Rin..." I said habang tumabi ako kay Rin.

Tumingin naman siya sa 'kin habang nagma-make up.

"Payag na ako sa concert..." Bulong ko naman. Hindi ko na napansin na tagalog na pala yung ginamit ko! Pano ba naman kasi! Nakaka-nose bleed kaya! Ikaw pa naman ang mag-english over and over again!.

"Uuhhhmmm I mean is that--" Bago pa ako makapag-tapos ng sasabihin ay pinutol niya na agad ang sinabi ko.

"Hahahaha okay lang hahahaha I can understand tagalog and sa wakas pumayag ka na rin" PUTCHA!!! nanlaki ang mga mata ko ng nag-tagalog siya.

"All this time nagpapakahirap akong mag-english yun pala pwede naman din!? I'm such a bobo" Sabi ko naman sabay sampal sa sarili ko.

"Well let's have a real talk okay?" Tanong naman niya sa 'kin .

"Sure ano yun?" Tanong ko naman sa kanya.

"Bakit ayaw mo sumali dati?" Tanong naman niya sa 'kin.

"Uuhhm...." Bago ko pa masagot ang tanong niya ay naluluha na ako. "Kasi nandun ang lalaking...... ang...." Sabi ko naman habang naluluha na ako.

"Sige saka mo na sa 'kin sabihin yan pag nandun na tayo ha?" Sabi naman niya sa 'kin habang pinupunasan niya yung luha ko.

"Sure..."

Is this the right time to say to him what I felt when he left me behind?

☆ミ ☆彡☆ミ ☆彡

Lumipas ang isang araw at nagpa-alam na ako kay Mama at pati rin kay Lola pero syempre hindi ko mapigilan ang desisyon ni Ian. Pano ba naman nag-makaawa pa para lang maka-sama siya and then he got lucky so... nakasama siya -_-

"Oi ... oi... oi..."

"Ano ka ba!? Nananahimik yung tao dito eh! Lumipat ka na lang kaya ng ibang upuan?" Sabi ko naman sa kanya.

"May sasabihin lang naman eh!" Sabi naman niya.

"Oo na! Ano ba yung sasabihin mo?" Tanong ko naman sa kanya.

"Wag kang lumapit kay James ha? Kung sakaling nandun nga siya. Kasi ayokong makitang mag-kasama kayo ng g*** na yun. At isa pa akin ka lang" Sabi naman niya.

Medyo namula ako nun ng sinabi niya At isa pa akin ka lang how romantic diba!? Ewan ko nga ba bakit hindi ko magawang tanggapin ang ganung isang lalaki? Pero hindi ko na matandaan kung naging kami eh pero hindi na ako maga-assume walang magkaka-gusto sa 'kin na ganun.

"Nako, may nagka-gusto na nga sa 'yo na katulad ko eh" Sabi naman niya habang naka-ngiti.

Ppssh... napalakas ata ako ng sabi sa utak ko.

"Sino naman yun?" Tanong ko naman sa kanya.

"Edi sino pa ba? Edi ako" Sabi naman niya.

Bintukan ko nga sa ulo! "ARAY!!" Sigaw naman niya.

"Sige bolahin mo pa ako! Wala akong pera noh!" Sabi ko naman sa kanya habang natatawa.

"Jessica naman oh! Ang sakit kaya nun! At dahil binatukan mo ako ng sobrang lakas.... kikilitiin naman kita hahaha! Akala mo hindi ko alam na may kiliti ka!?" Sabi naman niya habang kinikiliti niya ako.

"Oy wag!! Hahahahaha!! W-wag kasi!! Hahahaha!" Sabi ko naman habang natatawa. Pano ba naman kasi! Parang kinamot-kamot niya yung leeg ko! Nakakainis!

"Hoy pwede bang wag kayong mag-landian dito?" Biglang may lapit sa 'min na isang babaeng na may pantakip sa mukha.

"Ayy.... sorry po..." Sabi naman namin.

Mischievous kissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon