Tanghali nang dumating sila sa retreat house . Pinagmasdan ni Nico ang paligid pagkababa ng sa bus.
Sa gitna ng compound ng retreat house ay may isang bilog na halamanan .. at sa tabi nun ay statwa ni Maria..
Nahahati sa tatlong bahagi ang retreat house . Sa gitna ay ang simbahan at sa kanan ay ang mga opisina ng mga madre. Sa kaliwa naman ay ang function hall kung saan ginagawa ang retreat session..
"Ang ganda naman dito . Perfect ambiance para sa retreat" sabi ni Marg kay Cyd.. Iniligid ni,Cyd ang mata sa paligid..
" Maganda ngunit may hindi tama" sa loob loob ni Cyd
"Uy natutulala ka na dyan" Tinapik ni Marg kay Cyd..
" Ha?ano ?yun?" bahagyang nagulat si Cyd kay Marg.
" Wala naman , ang sabi ko ang ganda dito".. Sasabihin sana ni Cyd na may nararamdaman siyang kakaiba ngunit inunahan siya ni Marg
"Ay nako! kung may sasabihin ka nanaman tungkol sa mga multo tumigil ka cyd . Tama na yang multo multo na yan . Sige ka tatakutin ka lalo ni Marky" . Hindi na itinuloy ni Cyd ang sasabihin
----
BINABASA MO ANG
Retreat House
HorrorA night of retreat but their has a mystery inside of it. Jhaniz❤️❤️