Three

81 1 0
                                    

Pinili ni Nick ang kuwartong malapit sa banyo..

"Malamig talaga dito kahit tanghaling tapat ' no?" Sabi ni Marky kay Nick na nagsisimula nang maayos ng gamit..

Napatigil si Nick sa pagaayos ng gamit Dahil biglang sumakit ang ulo niya. Napansin ni Marky na biglang napatigil si Nick...

" Pare ayos ka lang?" Kunot noong pinagmasdan ni Marky si Nick.. Nakapikit ito at minasahe ang sentido.

"Namumutla ka ah." Lumapit si Marky sa kaibigan..

" Ok lang medyo sumakit lang ang ulo ko" bulong ni Nick

"Teka tatawagin ko si Mam manghihingi ako nang gamot " Tumango lang si Nick

Nakahiga siya sa kama ng lumabas si Marky sa kuwarto.

Nakapikit pa rin si Nick ng marinig niyang bumukas ang pinto sa banyo.

"Marky?" Nakapikit parin si Nick ng tawagin ang kaibigan

May narinig siyang tumatawa sa banyo. Mahina pero matinis.

"Marky?" tawag ulit ni Nick

Idinilat niya ang kanyang mga mata at tumingin sa banyo ...

Bigla itong sumara at narinig niyang niya itong naglock.

Bigla namang bumukas ang pinto at pumasok si Marky na may dalang isang basong tubig at gamot

"Oh Nick , ok kana ba?" tanong ni Marky nang makita niyang nakatitig si Niel sa banyo . Lumingon si Nick kay Marky

-------

Retreat HouseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon