Four

110 5 0
                                    

" Akala ko ikaw yung pumasok sa banyo ?!" sabi ni Nick kay Marky ng iabot nito ang tubig at gamot sakanya..

"Huh? kakapasok ko lang " sagot ni Marky

" Eh! sino yung pumasok sa banyo naglock pa nga eh?" Tumigin uli sa banyo si Nick

" Hindi ako yun " ulit ni Marky

Nilapitan ni Marky ang pintuan ng banyo at pinihid ang doorknob

" pero nakalock nga " Kinatok ni Marky ang pinto ng banyo ngunit walang sumagot

" Hingin na lang natin yung susi mamaya kay Mam" kibit balikat na iniwan ni Marky ang pinto ng banyo

Natapos ang orientation para sa retreat sa ganap na alas syete ng gabi .

Bago umakyat muli sa dormitoryo , naghapunan muna ang mga estudyante kasama ang kanilang guro , ang kanilang retreat master , at ilang mga madre na mamalagi sa retreat house...

Nilapitan ni Marky ang kanilang adviser para sabihin ang nakalock na pintuan sa banyo sa kanilang silid.

Sumama sa kanilang silid ang isang madre upang buksan ang pinto.

Nang mabuksan ang pinto , napansin ni Nick na nag sign of the cross ang madre

Lumingon ito sa kanila at nag bilin

" Huwag niyong kalimutang magdasal bago matulog at kapag may narinig kayong ingay , huwag niyo na lang pansinin" Tumango lang si Nick at Marky sa bilin ng Madre

-------

Other story:

Hate that i love

twitter: @sikielaron

-This week baka matagalan Ng Ud kasi may camping si author ng 4 days pero maraming Ud ang sasalubong sa inyo-

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 08, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Retreat HouseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon