Chapter 5

7 0 0
                                    

Chapter 5

Another day nanaman, ang daming mga activity. May mga sayaw ,kantahan, aktingan, . Jusme wala akong talent sa ganun hanoh. Kaya wala akong balak salihan. Kaya lang dahil required, ayun napasama ko grades din un :D  . Ang masaklap pa, sa sayaw ako sinali. Hello ang tigas ng katawan ko, daig ko pa robot noh.

Nung performance kinakabahan talaga ko, pero nawala un dahil kay Johan. Sabi niya kasi siya daw bahala magtiwala lang daw ako .Sa kanya lang daw ako tumingin para hindi ako kabahan sa mga mata ng tao. Ayun, maayos naman kinalabasan. For infairness may pakinabang ung mokong na un. Haha, pangalawa nga pala kami sa highest. :D

After  that, madami pang gawain. Busy nga eh, lalo na nung prelim namin. Jusme, sumakit ulo ko sa exam. Napakahirap, thankful nalang talaga ko kay Johan kasi tinuruan niya ko. Sabay kaming nagreview. Ok naman lagay ng exam ko, si Johan ayun ang tataas ng nakuha katalino kasi.

“Mimi” – johan .. siya lang tumatawag sakin niyan, ung iba kasi ica ng ica o kaya Jess. Ewan ko jan bakit mimi.

“Bakit ba mimi? Jessica name ko”

“para pag mimi, alam mong ako agad tumatawag sayo” huh? Ano daw?

“eh bakit nga un? San mo nakuha?”

“ewan” Ayy, baliw talaga.

“bakit ba?” parang ang kulit niya ngayon.

“bakit ka jan? Friday ngayon, mamayang gabi may acquaintance tayo.” Oo nga noh, muntik ko ng makalimutan.

“ano naman?”

“ano daw? Pupunta ka ba?”

“malamang , required din di ba? Uuwi nga sana ko ngayon. Birthday kasi ni mama bukas”

“eh di bukas ka nalang umuwi, sabay tayo”

“ayaw ko nga. Baka magpalibre ka lang”

“hindi mo naman ako nililibre eh, sinasabi mo lang”

Sus, oo nga noh sinasabi ko lang lilibre ko siya di ko naman ginagawa. Haha

“ano ? pupunta ka ba mamaya?”

“ang kulit, kaya nga hindi ako uuwi ngayon diba?”

“daming satsat, oo o hindi lang naman sana”

“oo pupunta ko”

“sige. Daanan kita mamaya”

Ano daw? Daanan? Baka mamatay ako, just kidding :D ano bang nakain nun . langya

_____

Sender: Johan

nakagayak ka na ba? “

 

To: Johan

“hindi ka naman excited mamaya pang 8pm un abay 7:48 palang”

 

Sender: Johan

“pupunta na ko jan”

 

To: Johan

“teka, hindi pa ko nakagayak” ung lalaki talagang un. Teka nga hindi ko nga alam susuotin ko eh. Casual naman, edi skinny nalang tska ung favorite kong blouse :D

Paglabas ko, ang mokong nandun na nakatayo.

“kabagal mo naman”

“eh bakit ba? Hindi naman kailangan magmadali, ang lapit lang natin noh.”

Naglakad na kami papuntang gym. Hindi naman sila excited, ang dami na kasing tao.

“ayan ang dami na tuloy” - Johan

“bakit ba kasi? Ano bang meron?”

“asan ba utak mo? “ ang sama naman nito. Bwisit

“ang tagal naman” –narinig kong sabi ng katabi kong babae

“bakit?” –ako

“ano ka ba, girl? Sa lahat ata ikaw lang hindi excited eh”

“malamang, sayawan lang naman to. It’s not a big deal”

“tskkk, Hello, dadarating kaya sila YAEL, ung Spongecola”

Spongecola? Ayy oo nga. Tanga ko talaga, pero hindi pa din ako excited noh.

“oh alam mo na?” –Johan

“oo”

“nyee, di ka naeexcite?”

“hindi. Wala akong hilig sa banda”

Puro na sigawan, dumating na kasi hinihintay nila. As usual, parang mini concert, halos lahat ng kanta nila kinanta na . Natapos na dun, kainan na. Di ko gusto pagkain, wala na sana kong balak kumain nun. Kaya lang si Johan kinuhanan pla ko ng pagkain.

“pag hindi mo yan inubos…” -Johan

“anong gagawin mo?” - ako

“wala”

“wala pla eh”

“hindi kita sasabayang umuwi bukas”

“sinong tinakot mo? Kaya ko namang umuwing mag-isa” tiningnan lang niya ko ng masama.

“oo na, uubusin ko na” di ako natakot. Para kasing ang sungit ko na, 1week na ata akong nagsusungit sa kanya. Hindi kaya ako masungit. :D

Tapos na kaming kumain, sayawan na. dami ngang sumasayaw eh, pero nung love song na. Daming nagsiupuan. Nakakatuwa nga silang panuorin eh

“tara” - Johan

“saan?” -ako

“magsasayaw”

Hindi ko na tinanggihan , ayoko naman mag-init ung pwet ko sa upuan noh. Haha

I'm out of his life..Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon