Chapter 8

2 0 0
                                    

Chapter 8

tahimik nalang kaming dalawa. Ayoko ng magsalita eh, huhupa din yan.. si papa na pala aawardan. Picture nanaman, andun nga pala si Senador Chiz Escudero..

“sorry” sinabi ko ng mahina sa kanya. Tumingin lang siya sakin.. “ako nalang magsasabi sa kanyang best friend ko kasama ko” hindi siya kumibo..

Natapos ung event, may free lunch din dun Jollibee pa.. Pero si mama sabi sa labas daw kami maglunch. Hindi muna namin hinatid si Shaira, kasama namin siyang nagLunch sa labas naghanap kami ng makakainan. Eat all you can. Pagkatapos nun, hinatid na din namin si Shaira.. tahimik nga lang siya eh. Nagpaalam na din kami sa parents niya tapos sa kanya.

Jessica POV

Sender: 090671*****

 “hello”

To: 090671*****

“sino po sila?”

Sender: 090671*****

“pinsan ni Johan”

To: 090671*****

“ahh, ikaw po ung kasama niya ngayon sa convention”

Sender: 090671*****

“yeah, may itatanong sana ako” ano naman kaya itatanong nito..

To: 090671*****

“ano un?”

Sender: 090671*****

“kayo ba ni Johan?” gusto kong sabihin na kami. Kaya lang mukhang hindi naman kasi eh. Hindi naman namin napag-uusapan un noh..

To: 090671*****

“hindi po, bakit po?”

Sender: 090671*****

“ahh, nothing. I’m just asking” parang kataray naman nito. Babae siguro to..

Tinext ko nun si Johan . tinanong ko siya kung bakit ako tinatanong ng ganun nung pinsan niya. Pero hindi siya nagreply. Siguro, busy na siya nun.. haistt, parang napakabagal ng oras ngayon, hindi ko kasi siya kasama :D

Si mama naman kasi asa work pati si papa. Wala akong magawa dito sa bahay, sila ate nagmall . Inaaya nga nila ko, kaso ayokong sumama ma-oop lang ako. Sosyal kasi sila, daming kaek-ekan na binibili. Minsan nga sila din namimili ng damit ko, grabe nga eh. Pag daw hindi ko sinuot yun kakatayin daw nila ko. Ang sama noh, haha pero mahal ko sila kaya sinusuot ko naman ..

Anyways, hmmm dapat kasi ako nalang sinama niya eh, assuming ba? . eh kasi naman parang nakasanayan ko na din na siya lagi kong kasama, nagtataka na nga din ung iba naming classmates eh. Sinasabi lang namin na friends lang kami.. meron ba kasi dapat? Hindi naman kasi siya nanliligaw noh, sabi lang niya gusto niya ko, tapos sinabi ko din na gusto ko siya, automatic na bang kami na? p-pero hindi ehh. Ayy ang gulo mo JESSICA..

Sender: LABoratory

“uyy, sorry busy kasi ko kanina”

Oo na busy ka na. ako hindi, kanina ko pa hinihintay text mo..

To: LABoratory

“ok lang, bakit ba natanong ng pinsan mo un?”

Sender: LABoratory

“sorry, hindi ko pinsan yun. Best friend ko kasama ko kanina”

So, best friend niya pala. Eh bakit siya nagsinungaling. Bwisit, hindi na ko nagreply pa. Hindi na rin siya nagtext. Teka kung best friend niya un, e-ehh siya si si si SHAIRA . OHMYYYYYYYYYYYYYYYY, siguro maganda talaga pinagsamahan nila . Anu ba yan?, makapagFB nga. Hahanapin ko siya ..  Pumunta na ko sa harap ng desktop , naglog-in sa FB. Tiningnan ko profile ni Johan, tapos pumunta ko sa mga friends niya dun at hinanap ko si shaira. SH*T, ang GANDA niya. WLA AKONG MASABI, sa totoo lang mas maganda siya kila ate. Simple lang siya, pero basta iba aura niya. Ang GANDAAAAAAAAAA talaga. Inadd ko siya as friend sa FB. Sana iconfirm niya, tapos naglog-out na din ako. 

Habang papunta ko sa kusina, naaalala ko mukha ni Shaira. Hindi ko din maiwasan magtanong sa sarili ko, kung bakit niya pinakawalan un o bakit niya nasabing nasaktan niya ng sobra un. Baka naman si Shaira ung nanakit, kasi sa ganda ba niya na un, wala na siya ibang makilalang boy? P-pero mali, maling manghusga ng kapwa. Ayy ewan, malalaman ko din yan. Ni-try kong tawagan si Shaira, pero hindi niya sinasagot, maski si Johan hindi din niya sinasagot. Mga 5mins. Sinagot naman na ni Shaira tawag ko.

“hello” –ako

“bakit?” pati ba naman boses niya maganda ?

“a-ahh , kasama mo ba si Johan?” ayy, tanga bakit un tinanong ko..

“hindi na eh, kakauwi ko lang” kakauwi lang niya? Hindi ba siya hinatid nila Johan? Bakit hindi sinasagot ni Johan tawag ko? Kainis naman nung lalaking un.

“ahh sige, salamat”  bababa ko na sana kaso..

“wait, tumawag ka naman na. Hmm, alam kong may gusto kang sabihin. Sabihin mo na”  ang gilas naman niya. OO na may sasabihin talaga ko. Kaso hindi ko alam kung san ko sisimulan.

“kayo ba ni Johan?”

I'm out of his life..Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon