Chapter 9

13 0 0
                                    

Chapter 9

Johan POV

To: Mimi

“sorry, hindi ko pinsan yun. Best friend ko kasama ko kanina”

Hindi na siya nagreply. Bakit kaya? Busy kaya siya o nakasakit nanaman ako. Hayy naku JOHAN ang tanga mo talaga kahit kalian.

Tumatawag si Mimi, hindi ko masagot kasi sila ate makatingin wagas. Paniguradong makikinig un, at baka agawin pa cp ko, ganun kasi ginagawa nila pag may tumatawag sakin.

Nakauwi na din kami, nakakapagod, kaya natulog muna ko.

--

Mga 10pm na kong nagising, grabe hindi man lang ako ginising para makapag-dinner. Punta ko sa kusina, nakahanda pala kakainin ko dun. Katahimik nga ng bahay eh, parang wala sila o baka tulog na. Hinayaan ko nalang muna, nagugutom na ko kaya makakain muna.

“ahhh, busog din. Teka nga bakit ba parang ako lang nandito, asan kaya sila?”

Pumunta ko sa kwarto nila, sa sala, sa labas, pero mga wala sila.

“eh nasang lupalop ba sila, at bakit ganitong oras wala sila. Iwan ba naman akong mag-isa. Ayy naku”

Ayoko na silang hanapin. Kaya dumretso nalang ako sa kwarto ko. Kinuha ko cp ko.

“takte na yan, 20 misscalls  38 text. Ayaw naman nilang pasabugin cp ko.”

Halos lahat kay Mimi galing ang kulit niya yahh.  Nakita ko may text ni Mama, nakila tito daw sila sa kabilang bahay mamaya din daw uwi din sila. Wala akong nireplyan sa lahat. Tinatamad ako eh,  kaya natulog nalang ulit ako. Makabawi man lang.

Jessica POV

Kanina ko pa tintxt si Johan at tinatawagan pero wala pa ding response.

“AISTTT, ano bang problema? May load ka naman sana. Bwisit”

Dahil sa pagkainis ko, hinagis ko cp sa kama. Tapos biglang umilaw, may text ata. Nagmadali akong kunin, baka siya na un.. Para lang akong timang hahagis-hagis ung cp tapos magmamadaling kunin.. haha. Pagtingin ko si Shaira lang pala nagtext, akala ko siya na . Wala naman kwenta ung text niya. Pero teka, baka alam naman niya kung bakit hindi nagtetext sakin si Johan.

Tinext ko siya, well, as usual mukhang alam nga niya. Baka daw busy o natulog. Ayy nga pala, nung nakausap kami kanina, tinanong ko kung sila ba ni Johan. Ang sagot niya hindi sila ,mag best friend lang daw sila. Haiist akala ko na talaga ehh. Ang dami talagang mamamatay sa maling akala. Haha

--

Monday na ngayon , andito na kami sa school . Nakita ko si Johan naglalakad.

“Johan”

“Oh? Tara sabay na tayo”

Sabay kaming pumasok sa room. Mga nakatingin nga samin mga classmates namin eh. Naghihinila nanaman siguro.

“Johan”

“Bakit?”

“tingnan mo mga classmates natin kung makatingin satin”

“hayaan mo na sila”

Hayaan? Hmm, kung anu-ano lang mga iisipin nun eh. Teka nga bakit ko ba un pinoproblema, eh friends lang naman kami . Wala naman kaming ginagawang masama. Tapos bigla kong naalala tuwing magkasama kami na kaming dalawa lang, pagmaglalakad kami magkahawak kami ng kamay, tapos nakiss niya na ko.. Lagi pa kaming magaksama, magkasabay pumasok. Tapos nagsabihan pa kami na gusto namin isa’t-isa. Ano nga bang meron samin? Bakit ba ito iniisip ko embes na making sa kay Prof. baka tawagin nanaman ako tapos pagtawanan.

Nakinig naman na ko, may quiz nga daw kami bukas. Ngumiti ako kasi alam kung magrereview ako kasama si Johan. Gusto ko na talaga siya. Masaya ko pagkasama ko siya eh.

“uyy, Johan sabay ba tayong magrereview? Ang dami pala natin iqquiz bukas eh. limang subject un”

“yeah, ayaw mo ba?”

“may sinabi ba kong ayaw ko?”

“wala, bakit kasi tinatanong mo pa ko?”

“sabi ko nga”

Gusto ko lang naman makisigurado, itong lalaki talaga na to .. haist, kung hindi lang kita mahal.. M-mahal? Teka hindi naman siguro. Ewan, naguguluhan na talaga ko.

--

Andito ulit kami sa favorite place namin, kung san niya ako unang tinuruan. Tinawag nalang namin tong blue spot. Kulay blue kasi upuan at lamesa eh. hehe

“Johan, wait lang ahh”

“san ka pupunta?”

“basta, wag kang aalis jan. Babalik din ako”

Nagnod nalang siya. Bibili kasi ko ng pagkain namin, para hindi ko na makalimutan pa. Nakabili na ko, dami ko ngang nabili pero pang snacks lang. May toasted bread, mamon, siomai, nova, oishi, tapos dalawang c2 na malaki. Pagbalik ko nakita ko siyang nagbabasa dun, mukhang nagsstart ng magreview.

“uyy, tulungan mo kaya ako”

“kaya mo na yan”

“ang sama”

Hindi nga niya ko tinulungan. Baliw talaga, tapos binuksan agad ung nova at ngumata na. Langyang to..

“buti naisipan mong bumili ng makakain natin”

“magpasalamat ka naman.”

“salamata”

Hanep, napilitan pa.

“nakakahiya kasi sayo kung hindi ako bibili ng snacks natin”

“ang sabihin mo nagugutom ka lang”

“magtigil, tara na nga lang magreview”

Tapos tumawa siya. Lakas talaga ng tama nito. Ako din malakas ang tama ko,  malakas tama ko sakanya, hehe

“mimi” tapos hinawakan niya kamay ko.

“b-bakit? May problema ba? Masakit ba tyan mo, kain ka kasi ng kain. Halos maubos mo na oh. Katakaw kasi”

Tapos may bigla siyang inabot sakin na Tupperware.

“ano to?”

“Tupperware”

“alam ko, I mean bakit mo ko binibigyan niyan”

“buksan mo, para malaman mo”

Pagbukas ko, bumungad agad sakin ung nakalagay sa ibabaw ng cake. “can you be my girl?”

Ang galing, hindi ko alam kung ano ginamit niyang pansulat eh. Tsaka gawa ba niya to.

“kaya halos ubusin ko to, baka kasi kumain ka ng madami hindi mo pa makain yan”

“o-oh? Salamat”

“salamat lang?”

“e-ehh a-ano b-bang isasagot ko”

Di ko talaga alam eh gusto kong sabihin na OO. Kaya lang natatakot ako, ewan. Ang bilis eh. Tsaka nakakagulat, hindi ko naman hinihiling to. Pero salamat na din. Hehe

“eh ano nga ba dapat, ikaw lang naman makakasagot niyan eh”

Hindi ko talaga alam. Kaya lumapit ako sakanya. Malapit na malapit, hanggang sa kiniss ko siya. Di ko lam bakit un ung ginawa ko eh.

“so yes?”

“malamang”

Tapos ngumiti kaming dalawa. At nagreview kaming mabuti. Grabe, ang saya naman ng araw na to.  Magkahawak kamay namin habang nagrereview kami. Para ngang alam na namin lahat eh, nagtatanungan kami, puro tama sagot namin. Kaya napagdesisyonan nalang namin na kainin ung cake na binigay niya sakin.

“oh” umaktong susubuan niya ko. Grabe, ang sweet pala niya

I'm out of his life..Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon