A/N
Yan nga pala ang akmang kanta para sa mga nasaktan at iniwan.^Ang sakit lang isipin na hanngang dito na lang ba talaga?
Ako nga pala si Ashanti Villanueva.Isang kalog,pala kaibigan,maganda at siyempre madaldal.Likas na talaga sa amin ng mga kaibigan ko ang pagiging madaldal.Mapa breaktime man o discussion,hala!Sige daldal lang kami ng daldal.
Kami ata ang nagpapadaldal sa classroom eh.Ika nga nila, kami kuno ang machine gun ng klase.Minsan nga eh pinagkakamalang palengke ang classroom namin sa sobrang ingay.
Gusto ko nga pala ipakilala sa inyo ang mga beastprends ko..Este bestfriends.
Si Juliah Lim siya yung best friend ko since birth.Siya yung childhood friend ko,siya yung kasama ko magluto-lutuan at siya rin ang madalas mang-away.Magkalapit lang kami ng bahay.Halos,isang bahay lang nga ang pagitan namin eh.Kaya siya talaga ang super close ko.
Eto naman si Jane Alcantara at si Shandy Lopez naging kaibigan lang namin to nung nagka-issue sa school.Meron kasing isang plastik na babae sa grupo namin na umalis nalang bigla sa lamesa namin.Umalis daw siya kesyo di raw kami masaya pag nandun si plastik.
Sabi ko sa sarili ko"Hoy!anak ng tokneneng plastik na malandi,hindi lang talaga ikaw ang dahilan ng pag ngiti namin.
Ano yon?! gusto mo lagi ikaw ang bida?ikaw lang ang magaling?!Aba! masyadong pabibo."To make the long story short lumipat siya ng table at bilang ganti kinuha namin tong sina Jeng at Andy para inisin siya.Kumbaga ginawa namin silang panakip butas,pero di naman namin akalain na masaya silang kasama kaya mula nun best friends na kami.
Meron pa, sina Marigeene at Hershey.Si Marigeene ay isang transferee.Nung una, akala ko tamihik pero nung tumagal,ay grabeh madaldal din pero yung daldal niya malumanay lang.Kahit anong sigaw niya parang bumubulong lang,hahaha laptrip si Gennie.
Eto namang si Hershey ay dating kaklase ni Juliah.So,familiar na sila sa isa't-isa bale si Hershey yung famous tas si Juliah yung isang average na babae.Pero,lahat yun nag-iba nung lumipat na ng ibang school yung leader ng group nila.
Nung sumali sa grupo namin si Hershey,pansin ko na parang nagseselos si Juliah.Pero,habang tumatagal,habang nagkakakilala kami hindi na siya nagseselos.
At ang pinaka huli ay ang nag-iisang lalaki sa grupo namin.Ang lalaking minahal ko ng panandalian....
Si Reneir Natividad.
××
Gusto ko lang po i-clarify yung tamang pag pronounce ng pangalan ni Reneir.It's Rey-nir or Rey-near.basta yun 😂
Vote and comment po💕thanks
BINABASA MO ANG
Tayo na, for three days nga lang...
Romance-------------- Nagsimula lang naman 'to sa isang biruan naming magkakaibigan.Hindi ko naman inaasahan na magiging totohanan na pala.Oo kinilig ako,nangako nga kami sa isa't isa na walang magbabago.Na sana magkaibigan parin kami.Pero ang nangyari ay...