Naglakad ako papunta sa bahay, galing sa eskwelahan..
Medyo madilim-dilim narin, nalate ako ng uwi dahil kinailangan ko pang gumawa ng project.
Habang naglalakad ako ay may narinig akong usapan..
"Ahahah! Kahit kailan talaga, napaka-hina mo, boss,"
"Gago yan e! Akala mo ang lakas lakas yun pala lalampa-lampa!"
Napatingin ako sa gilid ng kalsada at may nakitang apat na lalaki na pinagtutulungan ang isang lalaki.
Nakaramdam ako ng awa ng makita ang mukha ng lalaki na puno ng sugat at pasa.
"Ano, boss? Kaya pa ba?!" Tanong nung lalaki. Imbes na sagutin siya nung lalaki, ay dinuraan lang siya sa mukha.
"Psh,"
"Aba! Gago ka ah!" Sinuntok nila ulit yung lalaki at paulit ulit na sinisikmuraan hanggang sa magdura na ito ng dugo.
Di ko na napigilan ang sarili ko, lumapit ako dun sa apat na lalaki upang pigilan sila.
"Ang weak naman. Apat laban sa isa? So Unfair," napatigil sila sa pagsasalita at napatingin sa akin.
"Miss, wag kang makialam dito kung ayaw mong mapahamak," pagbabanta ng isa sa kanila.
Napangisi ako.
"E nakialam na ako eh, damay narin ako,"
Tumawa silang apat at tinignan ako mula ulo hanggang paa.
"Sayang ka, Miss. Maganda ka, pero matigas ang ulo mo,"
"Ikaw nga e! Ang laki laki ng katawan mo pero imbes na nagtatrabaho ka. Eto! Nambubugbog ng iba. Oh? Mukhang bata pa ang binubugbog mo,"
Nakita ko siyang namula dahil sa galit.
Maling mali siya ng kinalaban pagdating sa pakikipag sagutan.
Sumugod na yung lalaking nabara ko. Akmang susuntukin na sana ako nung lalaki ngunit mabilis akong nakailag. Sinipa ko siya ng sobrang lakas, nung natumba siya agad kong tinapakan ang kamay niya.
"Gago ka ah!" Sigaw nung lalaki na pasugod na sa akin at may hawak na bakal.
Hayst, ganito na ba sila ka-weak? Kakailanganin pa nila ng pamalo para lang makatalo ng kalaban. Para saan pa ang kamay diba?
Bago niya pa ako mapalo sa ulo. Hinawakan ko na ang bakal, nahawakan niya ang braso ko gamit ang isa niyang kamay. Bago niya pa ako balibagin. Nasipa ko na agad yung future niya kaya agad siyang napahiga sa sahig.
Napatingin ako dun sa dalawang naiwan. Yung isa hawak-hawak pa rin yung binugbog. Yung isa nanginginig na sa takot.
"Sino sunod?" Tanong ko. Mas lumawak ang ngisi ko nung nakita silang nagbabangayan kung sino ang susunod.
"Kaya mo na yan!" sabi nung isa.
"Gago! Malakas ka diba!? Kaya mo na yan,"
"Tangina, pre. Masakit katawan ko ngayon. Ikaw na muna!"
"Masakit katawan pero grabe kung maka-suntok ka kanina,"
Binatukan siya nung kasama niya, napakamot na lang siya ng ulo.
"Mini mini miney sino sa inyo ang uunahin ko--"
Bago ko pa matapos ang kanta ko ay tumakbo na sila palayo kasama yung dalawang nasaktan ko kanina.
Tinignan ko yung lalaking nabugbog. Nakahiga na siya at pagod na pagod na.
Lalapitan ko na sana siya, kaso bigla na lang nag-ring ang phone ko.
You're my honeybunch, sugar plum~~
"Hello-- Malapit na po ako, sige bye!" Inend ko na ang call.
Sinulyapan ko muna yung lalaking nabugbog.
"Mianhaeyo, I have to go,"
Tumakbo na ako paalis bago pa siya magising.
Sana maging okay lang siya...
BINABASA MO ANG
Marrying the International Playboy
FanfictionI am Kim Shinha, daughter of one of the most popular businessman here in Seoul. Kilala ako bilang isang matalino at matapang na babae. Sa paningin ng mga lalaki ay astig daw dahil sa angkin kong mga katangian na ordinaryong babae ay wala. I admit th...