Shinha's Pov
"What?!"
"Magpapakasal ka?!"
"No, no, no!"
Gustong-gusto ko nang takpan ang tenga ko dahil sabay-sabay silang nagsasalita. Di ko alam kung sino ang papakingan ko sakanila.
"Magsi-tahimik nga kayo! Hinihingi niya na ba ang mga opinyon niyo at panay kayo salita diyan? Nagsasayang lang kayo ng laway." Natahimik silang lahat at napayuko.
Si Yoongi-oppa ang pinakatahimik sa aming lahat. Nasanay na kami na kapag nag-uusap usap kami, lagi siyang tulog. Wala siyang pakielam. Pero.. matakot ka na kapag nairita na sya at nagsimula nang magsalita.
Bumuntong-hininga ako. "Salamat, oppa. So... next week na ako ikakasal sa kanya. Kahit may plano man kayo ngayon na pigilan yung kasal, 'di niyo na mapipigilan. Kapag si Appa na ang gumawa ng desisyon, wala nang makakapigil sakanya." Malungkot kong sabi at tumulo na naman ang aking mga luha. Naalala ko na naman nung sinampal niya ako.
Lumapit silang lahat saakin at tinapik-tapik ako sa aking balikat. Hinila rin ako ni Jimin para yakapin ako at hinagod ang aking likod.
Iyak lang ako ng iyak. Nakakahiya na nga eh. Kilala nila ako bilang isang matapang na babae. But its indeed true..
I may be strong in the outside.. but dying in the inside..
"Wag ka ng umiyak dongsaeng~ fixed marriage lang naman yun eh. Hindi naman kayo legal na mag-asawa. Pansamantala lang naman yun eh. Kapag tumaas ulit ang ratings ng company niyo... makipag-divorce ka kaagad," narinig kong sabi ni Hoseok.
Ngumiti na lang ako at tumango. Oo nga, pansamantala lang naman 'to. Sana nga lang.. magiging matino yung mapapangasawa ko.
Maisip ko palang na mapapangasawa ko 'yung napaka-yabang na lalaki na yun! Naiisipan ko na lamang na magbigti. Umayos-ayos lang siya sa ugali niya na yan, kundi makakatikim siya saakin!
~❆️~
Kasalukuyan kaming kumakain ngayon sa cafe. Nagkukuwentuhan at nagtatawanan. Ang lamesa namin ang pinakamaingay tuwing break time.
At kami rin ang isa sa mga sikat na estudyante dito.
Pwera na lang sa isang babaeng palapit na ito..
"Kim Shinha," ang panget na talaga kapag siya na ang bumabanggit ng pangalan ko. Nasisira yung maganda kong pangalan, hayst. "Napaka-landi mo talaga kahit kailan.." galit na sabi niya.
Tumayo ako sa kinauupuan ko at tinignan mula ulo hanggang paa. "Oh? Anong problema at dine-describe mo na naman ang sarili mo?" Wika ko at ngumiti ng nakaka-asar. Ako pa talaga ang kinalaban neto?
Bumuntong-hininga siya at pumeywang pa. "Duh? I just a heard a news about you, having something on my boyfriend," maarte niyang sinabi.
Napakunot naman ako ng noo. Sa mga bagay na ganito? Lagi na lang ako ang nasisisi at sasabihan ako palagi na mang-aagaw daw ako. Like? Kasalanan ko bang magustuhan ako ng mga boyfriend nila?
"Um? Sino sa mga boyfriend mo? Pasensya na ah, 'di ko kasi sila lahat kabisado," bigkas ko at ngumisi. Punyeta ka, ipapahiya kita ngayong hayop ka.
Nakita ko naman itong namula sa galit. Pero pumalakpak din siya na ikinataas ko ng kilay. "Very well, Kim Shinha. I am so happy that you can defend yourself," papalapit ito saakin habang ako ay tinitignan lang siya, "but.. it won't change the fact that you are still a loser,"
BINABASA MO ANG
Marrying the International Playboy
FanficI am Kim Shinha, daughter of one of the most popular businessman here in Seoul. Kilala ako bilang isang matalino at matapang na babae. Sa paningin ng mga lalaki ay astig daw dahil sa angkin kong mga katangian na ordinaryong babae ay wala. I admit th...