Chapter Three

743 21 6
                                    

Shinha's Pov

"Oh. Its nice to meet you again, Miss Kim.."

Kumurap ako ng ilang beses dahil hindi ako makapaniwala sa nakikita ko. H-hindi  pwedeng nandito siya!

"Ma'am Jeon?!?" Gulat kong sabi. Ngumiti ito saakin. Bakit niya kasama si Appa? Dahil kaya yun sa pagsagot ko sa anak niya? Teka.. masususpend ba ako?!

"Kamusta ka, Shinha?" Tanong niya. Galing siya ng school, dahil yung suot niya kanina ay suot niya pa rin ngayon. "O-okay lang po, Ma'am," nauutal kong sagot.

Inutusan nila akong umupo kaya umupo ako sa tabi ni Unnie na walang ginawa kundi ang magselfie at ipost lang sa instagram.

Pero.. bakit nga ba nandito yung principal ng school? Jusko po.. masususpend ba ako? Dahil lang dun sa pagsagot ko kanina? Aish! Itong bibig ko kasi e, hindi ko rin mapigil-pigilan minsan.

Nag-usap muna sila Appa At Mrs. Jeon. Mukhang seryoso ang pinag-uusapan nila. At dahil meron naman akong respeto di na ako nakikinig sa usapan nila.

"Ehem, ehem," That fake cough caught my attention. Kaya napaharap ako kay Appa na mukhang may gustong ianunsyo.

"So as you can see.. Shinha. Kaya kita pinapunta dito dahil may gusto kaming sabihin sa inyo.."

Wait.. inyo? Ako lang ba ang dapat na makarinig ng anunsyo na ito? O may iba pa?

Nasagot naman ang katanungan ko ng biglang bumukas ang pinto at pumasok siya,

I expected this. Nandito ang magulang, malamang nandito rin ang anak. Ano na naman ba itong kaguluhan na pinasok ko?

"Nice to see you again, Jungkook," bati ni Appa kay Jungkook na kadarating lang.

Tinanguan niya lang si Appa at walang galang na umupo sa tabi ni Mrs. Jeon. Bumuntong-hininga na lang ako at nakinig sa pinag-uusapan nila Appa.

"I want the attention of both of you," malamig na sabi ni Mrs. Jeon. Napatigil si Jungkook sa paggalaw niya sa kanyang cellphone at itinuon ang atensyon sa kanyang ina.

Biglang lumapit sa akin si Unnie at hinawakan ako sa magkabilaang balikat ko. "Shinha, I want you to meet Jeon Jungkook..." my dad paused. As I wait for his mid-sentence, I sip on my frappe.




Your soon to be husband,"

Bigla na lang akong nabilaukan sa iniinom ko. Pinalo-palo ako sa likod ni Unnie. Kumuha ako ng tissue at pinunasan ang aking mga labi.

"WHAT?!"

Sigaw ko, kahit alam kong walang pag-galang ang ginagawa ko. Like, tf?! Ano na lang itong mababalitaan ko na soon to be husband kuno na toh?

"Kim Shinha. Jeon Jungkook right here, is going to be your husband. Your wedding day will be held after 1 week," sambit ni Mrs. Jeon

Iling lang ako ng iling. Hindi 'ata tama itong nangyayari. After 1 week I will get married with the boy, na kakakilala ko palang kani-kanina lang?

"No! I will not marry him! Kani-kanina ko lang siya nakilala then I'm going to marry him that fast?!" Sigaw ko. Pinapakalma ako ni Unnie pero hindi ko magawa.

"Kim Shinha. I'm doing this for your own good--"

"Own good?! So ganon. Kapag magpapakasal ako sa kanya, gaganda ang buhay ko. Ganun ba?" Sigaw ko. Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Sobra na 'to.

"Shinha-"

"I'm sorry, but I cant accept this marriage. So may I excuse myself," Pagpuputol ko sa kanyang pagsasalita at lumabas na.

Marrying the International PlayboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon