Shinha's Pov
Kasalukuyan akong nag-aayos ng itsura ko sa harap ng salamin. Ngayon kasi ang engagement party namin. Of course, organized by my dad. Ewan ko ba kung bakit ang daming kaartehan! Eh bukas makalawa naman na ang kasal.
Biglang may kumatok sa pinto. "Pasok!" sigaw ko habang nakatingin parin sa salamin.
Narinig ko ang pagbukas ng pinto kasabay ng mga yabag na naririnig ko. Napatingin ako doon sa kakapasok lang. Isa siyang babaeng kulot ang buhok, may dala dala siyang maliit na case sa kanyang kanang kamay.
"Hello, Miss Shinha! Wah~ it's my first time meeting you in person and totoo nga ang bali-balita! Mukha ka nga po talagang dyosa! You're so beautiful." Masiglang sabi nito. Hindi ko mapigilan na ma-overwhelm sa mga sinabi niya. Jusko! Kailangan ba talaga ng papuri?
"Thank you for the compliment! But, may I ask if who are you?"
"Ah! My name is Natalia, your personal make-up artist and hairstylist! Ako po ang mag-aayos sainyo ngayong engagement party mo! Pati na rin ng wedding mo! Oh, diba? Bongga!" Sabi nito. Natawa ako ng mahina sa kanya. Masyado siyang hyper.
"Okay, Miss--"
"Shinha na lang,"
Ngumiti ito ng malapad saakin. "Okay, Shinha! Umupo ka na para masimulan ko na ang pagme-make up sayo!" utos nito. Agad ko naman iyon sinunod. Inilapag niya ang case sa harapan ko. Nang binuksan niya ito, bumungad saakin ang iba't-ibang kagamitan sa pagme-make up.
Sinimulan niya na ang pag-aayos saakin. Habang ako naman ay natahimik lang at hinayaan siyang ayusan ako. Sana nga lang, magmukhang tao ako kahit papaano.
-----
"Omg, Shinha! You look stunning!" Sigaw nito at nagtata-talon pa.
Tumingin ako sa salamin ko. Hindi ko naman napigilan na mamangha dahil sa itsura ko. Parang hindi ako ang nakikita ko ngayon sa harap ng salamin.
"Nako, Shinha! Sino ba 'yung ma-swerte mong magiging asawa! Gwapo ba?" Bigla naman akong nawala sa mood. Ilang araw na lang at ikakasal na ako.
Napailing na lang ako. Hayaan mo na! Wala naman akong pake sa magiging asawa ko. Basta sa ratings ng company. Para na rin doon sa magaling kong tatay.
Nagpasalamat na lang ako kay Natalia at nagpahatid na rin sa baba. Nagpaiwan na lang siya dito sa bahay, kakain na lang daw siya dito. Ang gagara daw kasi ng mga pagkain dito, makikikain daw siya.
May narinig akong bumusina sa labas. Kaya nagpaalam na ako sakanya at lumabas na. Nakaparada na sa labas ng bahay ang Van. Bumukas ang bintana at nakita ko ang pinsan kong nakadungaw doon.
"Omg, dongsaeng? Nagmukha kang tao ngayon!" Pang-aasar nito kaya pinalo ko siya sa braso. Bwiset na 'yan!
"Tigil-tigilan mo ko ah!" Pagbabanta ko rito. Tinawanan niya lang ako kasabay ng pagbukas ng pintuan sa likuran.
"Uyyy!! Chickss!!" Sigaw ni Taehyung. Natawa na lang ako at binatukan siya. Baliw talaga kahit kailan.
Inalalayan ako ni Taehyung sa pagpasok sa loob ng Van. Itinabi naman nila akong lahat sa gitna para daw makipag-kwentuhan daw saakin. Hinayaan ko na lang sila. Bale, nasa gitna ako ngayon ni Jimin at Taehyung.
"Wah dongsaeng~ ang ganda ganda mo talaga!" Sabi ni Hoseok. Nginitian ko lamang siya. Sa tropa namin, si Hoseok lang talaga ang nakaka-appreciate ng mga bagay bagay about sa akin.
"Syempre! Naging mag-pinsan pa kami para lang sa wala. Worldwide Handsome yata ang pinsan mo?" Mayabang na sabi ni Jin sa unahan.
Para bang may dumaan na anghel nang sabihin niya 'yon. Lahat kami ay natahimik. Parang walang suma-sang ayon sa kaniya-- no, scratch that. Wala talagang sumang-ayon sakanya.
BINABASA MO ANG
Marrying the International Playboy
FanfictionI am Kim Shinha, daughter of one of the most popular businessman here in Seoul. Kilala ako bilang isang matalino at matapang na babae. Sa paningin ng mga lalaki ay astig daw dahil sa angkin kong mga katangian na ordinaryong babae ay wala. I admit th...