"Oy, maytoyo kaba! Bumalik ka dito!!"
"Habulin mo muna ako hahahahahahhahaha."
Naghahabulan nanaman kami ni joddi sa ilalim ng sikat ng araw, kasama ang mga ibong magiliw din na nakikisabay saamin.
Pati narin ang malamig ng simoy ng hangin mula sa maaliwalas at kaaya ayang lugar dito sa Batanes.
"Tulala ka nanaman diyan Grego, nako naman ngayon ngalang tayo nagkita ganyan kapa magtatampo ako sayo niyan."
"Ito na po mahal na prinsesa papunta na po."
Naglakad na ako patungo kay joddi nandito nanaman kami sa paborito niyang lugar ang ilalim ng punong mangga na nakaharap sa isang bughaw na tubig alat.
Simula aming pagkabata ganto na kami ni joddi laging nagkukulitan at nagaasaran pero nagbago ang lahat saisang iglap lamang...
"Alam mo grego pogi kasana eh snobber kalang , kanina pa kita kinakausap dito tapos walang imik?"
Ikinagulat ko nang tumingin siya ng diretso sa mga mata ko at sinabing...
"Nakasingot kaba?"
"Joddi may inisip lang nakasingot na agad?"
Umiling siya bilang sagot.
"Takbuhan na ngalang tayo, taya! Habulin mo ako!!"
Kung hindi llang kita mahal joddi matagal na kitang iniwan dito ng mag isa.
"Bilis! Mamaya biglang umulan wala na tapos na yung bonding natin kaya halikana!!"
Wala na akong magagawa hinila na niya ako para ako'y makatayo at chaka naman niya sinimulang tumak bo ng tumakbo ng....
"Grego..."
Napatakbo ako ng mabilis kay joddi.
"Anong nangyayari sayo joddi? Ayos kalang ba?"
"Grego ang... ang hirap huminga bakit ganto..."
"Halikana iuuwi na kita."
Umiling siya.
"Ika'y nababaliw na ba joddi? Kailangan na kitang iuwi para madala kana sa ospital sa may bayan."
Umiling parin siya, ano bang problema nitong si joddi?
"Wag nang makulit joddi halikana!"
"Grego hindi mo alam ang pinaghirapan ko sa loob ng ospital nayun! Ang gusto ko lang naman ay mabuhay ng normal kahit sa huling sandali ng buhay ko! Pagod na akong maturukan ng iba't ibang gamot araw araw, pagod na akong maniwala na kapag nagtagal ako sa ospital nayun! Meron pa akong chansang mabuhay ng matagal, hindi ganon kadali ang buhay sa loob ng ospital na yun kasi... kasi buong buhay ko duon ako tumira ni hindi ko naranasang magaral aa eskuwelahan na gusto ko, ni hindi ko manlang naranasan na lumabas kasama ang mga kaibigan ko, at higit sa lahat ni hindi ko naranasan kung paano mag magmahal ng totoo grego."
Napaiyak nalang ako sa kalungkutan para kay joddi, tama siya simula oagkabata niya duon na siya lumaki sa ospital na yun kaya siguro takot na siyang bumalik doon kasi sa tagal ng mga panahon ngayon ko lang siyang nakitang sumaya ng ganto, buong buhay ko nakikita ko lang ang masaying mukha ni joddi kapag nagkakasama kami o kaya nagkukulitan kami, kasi alam ko na sa likod ng masayahing mukha nayun ay merong lungkot na hinding hindi nawawala sa kanya.
At yun ang pagkakaroon niya ng Cardiovascular disorder simula kasi pagkabata ni joddi nakitataan na siya ng problema sa kanyang puso kaya minabuti ng kanyang pamilya na iwan muna si joddi sa ospital ng mga ilang linggo subalit parang mas lalo pang lumalala ang sakit na joddi na umabot pa sa punto na bilang nalang ang araw niya dito sa mundo, dinamdam iyon masyado ni joddi na minsan sinasabi na niya na 'ano pang silbi ko sa mundo kung mamatay din pala agad ako' mas lalo kong ikinalulungkot ang mga sinasabi na yun ni joddi kaya nandito ako kasama niya ngayon para umalalay sa kanya kapag kailangan niya ng karamay.