Ally's POV
Matapos ang away kahapon ni funther at Czerina ay hindi pa rin sila nagkikibuan hanggang ngayon pero hindi ko rin naman sila masisisi pareho silang may mali,at isa pa wala kami sa lugar para komprontahin agad sila mainit parin ang mga ulo nila mula kagabi at sa tingin ko kelangan muna namin silang hayaan bago namin sila kausapin at pagbatiin hahayaan muna namin lumipas ang init ng ulo nila
"Huy!" napapitlag ako dahil sa biglaang pag sigaw ni chaz
"Ano ba nakakagulat ka naman eh!"pag puna ko sa kanya
"Ikaw naman kasi mukhang ang lalim ng iniisip mo...alam mo pwede mo naman sabihin sakin kase magkaibigan tayo"saad nya
"Wala lang to nagaalala lang ako para kay funther at Czerina kase hindi parin sila naguusap pero wala naman tayo sa lugar para komprontahin agad sila ni hindi pa nga lumilipas ang init ng mga ulo nila sa isa't isa"
"Wag ka na magalala sa mga yun magkakabati rin sila kaya chill ka lang jan"pagapapagaan ni Chaz sa loob ko
"Sabagay"nasabi ko na lang pagkatapos non ay pumunta na kami sa labas para i train ako sa physical activities dahil byernes ngayon
Pagdating ko sa training room nandoon ang dean namin kaya naman medyo nagulat ako
"Ms.Devorant since you're here please come with me"saad ng dean kaya sumunod na lang ako lakad ng lakad ang dean hanggang makarating kami sa office nya pagpasok namin don ay may pinindot lang ang dean sa pader at agad na bumukas ito at pumasok kami don may nakita akong isang katana na napakaganda ng pagkakahulma tapos ang kulay ng hawakan nito ay gaya ng pinagsama samang kulay ng wands ko
"Ms.Devorant pwede mo naman hawakan yan pero ingat ka na lang kasi baka mapaso ka"saad ng dean
"Talaga po pwedeko po itong hawakan?"*0*natutuwang saad ko sa dean at tumango lamang ito bilang sagot kaya wala na akong sinayang na oras at hinawakan ko na ito at nung mahawakan ko na ito parang may kung anong kuryente ang bumalot sa akin at nagilaw ang paligid kasabay nito ang pagpapalit ng aking damit
"Tama nga ako ikaw ang susunod na may ari niyan"saad ng dean na ikinataka ko
"Ano pong ibig nyong sabihin at ano po bang nangyari sa damit ko?"takang tanong ko sa dean
"Ang ibig kong sabihin ay ikaw ang susunod na hahawak ng Legendary Blade na iyan at ang tawag dyan sa nangyari sayo ay Lismotous form yan ang nangyayari kapag naabsorb na ng Katana ang mga wands mo at dahil dala mo yun ngayon nagawa mo ang magamit ang Lismotous form mo"saad nyang muli
"Ahhh ganon po ba pero pano po ako makababalik sa dati?"tanong ko
"Kailangan mo lang ibalik sa lalagyan yang katana"at ginawa ko ito at muli akong nagliwanag kasabay ng pagpapalit kong muli ng aking damit at pagbalik ng mga wands sa kinalalagyan ng mga ito tapos non ay bumalik na kami sa training room
Pagdating ko don ay agad nilang sinimulan ang training ko simula sa pagtakbo pag pupush ups at kahulihulihan ang pagtatraining ko kung gaano ako kalakas sumuntok hindi naman gaano kahirap ito dahil ginagawa rin namin ito ni Auntie nung nasa mundo kami ng mga tao kaya medyo sanay na rin ang katawan ko matapos namin magtraining ay agad na muna akong bumalik sa dorm para magpahinga pero bago ako makapasok sa kwarto ko ay minabuti ko munang katokin ang pinto ni Czerina at agad nya naman itong binuksan
"Pwede ba akong pumasok?"tanong ko at tumango naman sya saakin kaya pumasok na ako
Czerina's POV
"Kamusta na kayo ni Funther?"tanong agad ni ally
"Wala ganun pa rin hindi nya parin ako ki akausap at hindi ko din sya kinakausap"malungkot kong saad
"Ganon ba kapag may problema ka Czerina sabihin mo saakin ha kase mas nakakagaan ng loob ang paglalabas ng nararamdaman mo kesa sa kinikimkim mo lang at itinatago dyan sa loob mo"saad nya
"Pero pag-sinabi ko sayo wag mo ipagsasabi kahit kanino ha?"saad ko sa kanya
"Oo atin atin lang yan"sabi ni ally
"Alam mo kase Ally may gusto ako kay Funther simula bata pa lang kami kaso hindi nya ako napapansin kasi palagi nyang nakikita ay yung crush nya noon,hanggang sa naging sila na anh kaso niloloko lang pala nito si Funther kase galit sya sakin eh nung panahon na yon si Funther at ako ang pinaka malapit sa isa't isa kaya naman naisip nung babae na yun na pag sinaktan nya si Funther ay masasaktan din ako kaya naman sobrang galit saakin noon ni Funther kasi kung hindi nya daw ako kaibigan edi sana sila parin daw nung babae kaya mula non nilayuan nya na ako pero kahit ganon minahal ko pa rin sya kaso kahit kailan naman hindi nya ako pinapansin masakit na eh ang sakit sakit na alam mo yun,kahit hindi kame nasasaktan pa rin naman ako sobrang tagal na pero ni hindi nya man lang napapansin na may nararamdaman ako para sa kanya,siguro tama nga si Kambal ko na ang taong kagaya nya hindi dapat minamahal mula ngayon pipilitin ko na, na kalimutan sya"saad ko habang patuloy sa pagtulo ng aking mga luha
Niyakap naman ako ni Ally habang patuloy pa rin ang aking pag iyak
Allysa's POV
Habang pinakikinggan ko yung mga sinasabi ni Czerina ramdan na ramdam ko yung sakit nya,sobrang nakakadala ang bawat pagpatak ng luha nya hindj ko amiwasan ang makaramdam ng kalungkutan hindi ko alam na ganito pala kabigat ang nilalaman ng puso nya kaya pala ganon na lang ang pagpapahalaga niya kay Funther pero bakit nga ba hindi man lang ito mapansin ni Funther kung mawawala sa kanya si Czerina ay para na siyang nawalan ng napakalaking dyamante Czerina is one of a kind mapag mahal sya na kahit ano ay handa niyang ibigay para sa tang mahal nya pagkatapos ng lahat ng sinabi ni Czerina ay agad ko siyang niyakap
*Kreeeek*nagulat kami at napatingin sa pinto ng biglang may nagsara nito
Author's Note
Sino kaya ang nagsara ng pintuan??Please vote comment ang be fan
YOU ARE READING
Mystic Academy[On Going]
FantasyA world that you wouldn't believe ever exist...an academy where power is everywhwere... Mga katanungang hindi masagot sagot , kasinungalingang lumukob sa bawat isa,galit ang naging bunga at kaguluhan ang dulot sa lahat Isang babaeng may tahimik na...