Ally's POV
Pagkatapos ko ng training kay Khian ay dumiretso na kaagad ako sa iba dahil kailangan ko na nga mag ensayo ng todo bagamat medyo masakit pa ang katawan ko dahil sa biglaang paglabas ng kakaibang enerhiya sa katawan ko.......
"Hi All--- WT THE F?! Anong nangyari sayo?! " hindi na ako sumagot kay Zhander at tanging tipid na ngiti na lamang ang sinagot ko sa kanya at patuloy parin akong naglakad sa loob ng silid ngunit bago pa man ako makarating sa mismong loob ng silid ay umikot nang kaagad ang aking paningin at bago tuluyan dumilim ang aking paningin
________+++++________
Dahan dahan kong iminulat ang aking mata at isang puting kisame ang bumungad sa akin
At doon ko lamang naalala ang mga pangyayari kanina ang pagkahimatay ko nang dahil siguro sa sobrang pagod ko
Lumingon ako sa aking paligid at doon ko lang napansin na natutulog si Chaz sa tabi ng aking higaan at nakaunan ito sa aking kamay kaya naman dahan dahan kong inalis ang aking kamay mula sa pagkakaunan niya pero nagising parin siya
"Ally gising ka na pala are you okay?may masakit pa ba sayo?anong gusto mong kainin?"tanong niya sa akin
"T-teka nga isa isa lang mahina ang kalaban"natatawa kong saad sa kaniya
"Pero seryoso Ally are you okay?"
"Oo naman okay lang ako kaya ikaw wag ka na magalala ang OA mo alam mo yun" tapos nun ay nagtawanan na kaming dalawa
Mahaba haba rin ang naging pag kukwentuhan namin Chaz ng biglang.may narinig kaming pag ingit sa pintuan at.mula doon ay pumasok ang aking mga kaibigan at dali daling lumapit sa akin ganun lamang din naman ang kanilang itinanong kung ayaos na daw ba ang pakiramdam ko kung hindi daw ba masakit at kung ano ano pa
Matapos noong araw na yon ay pinag pahinga muna nila ako bago bumalik sa pag eensayo kaya naman napagpasyahan ko munang lumabas upang maka pag ikot ikot
Nagpunta muna ako aa garden ng school upang makapag aliw aliw at makapanghap ng sariwang hangin nang may narinig akong mga yabag nang paa na papalapit sa akin pinakiramdaman ko muna ito ng maramdaman ko na tumabi na ang taong iyon sa akin at tumikhim
"Ayos ka lang ba Ally dinala ka daw sa clinic a" at duon ko lamang napag tanto kung sino ito
"Okay lang ako Drei"nakangiti kong tugon sa kaniya at mukha namang nakumbinse ko siya sa aking sinagot at hindi na muling nagsalita pa hanggang sa namayani na ang katahimikan sa buong paligid nang bigla nanaman siyang tumikhim
"Ally pwede ba ko magtanong?"
"Youre already asking Drei"natatawa kong saad sa kaniya
"Ah Ally ano mo ba si Khian?"
"What are you talking about?" Takang tanong ko lay Drei
"I mean ano ba para sayo si Khian?"pag uulit niya sa kaniyang tanong bago yumuko at ako naman ay biglang natigilan nang fahil sa kaniyan tanong hindi ko alam kung ano ang aking isasagot sa kaniyang tanong parang bigla yatang nagblangko ang aking isipan nang dahil lamang sa isang simpleng tanong
"It's okay Ally hindi mo naman kelangang sagutin agad basta ba sabihin mo na lang saakin kung alam mo na ang sagot sa tanong ko you can clear things out bago mo sabihin sakin ang sagot"mahaba niyang litanya bago ngumiti ngunit makikita mo sa mata niya na meron nakakubli sa likod ng ngiting iyon at malinaw na malinaw ang nakikita ko
Kalungkutan
Alam kong hindi tama ang bigyan ko ito kaagad ng konklusyon pero bakit hindi ko maiwasan
"Allysa!"may malakas kaming boses na narinig at kung hindi ako nagkakamali ay kay Czarina yun kaya naman bahagya akong napalingon sa pinang galingan ng boses at hindi nga ako nagkamali si Czarina nga ito at mukhang kailangan ko na uli mag ensayo
"Pano ba yan Ally mukhang kelangan mo na bumalik,basta yung tanong ko a wag mo kalilimutan"nakangiting saad niya bago ilahad ang sariling kamay na kaagad ko namang tinanggap
"Salamat sa oras mo Drei hanggang sa muli"nakangiti kong saad bago patuloy na naglakad patungo sa Training area
----------
Pagdating ko sa training area ay natagpuan ko silang lahat doon
Ang sumunod kong naging trainor ay si Zhander sumunod si Funther at kahuli hulihan si Danver bago pinag aralan ko din gamitin ang aking Lismotuous Form bago tuluyan nang nagpahinga
Ngunit bago pa man ako makapahinga ay bigla nanamang pumasok saaking isipan ang tanong ni Drei
Ano nga ba para saakin si Khian bakit ang isang simpleng tanong ay hindi ko kaagad masagot ano nga ba sya sa buhay ko?
Kaibigan?
Bakit sa tuwing sinasabi ko ang katagang kaibigan ay parang ang laki laki ng pagtutol ng aking buong pagkatao ano nga ba sya saakin at ano nga din ba ako para sa kaniya
Kaibigan o ang babaeng kamukha ng babaeng minahal niya ng lubos hindi ko alam pero parang kahit alin pa man sa dalawa ang tuting saakin ni Khian ay para nang pinipiga ang puso ko at Oo alam ko kung ano maari itong nararamdaman ko at alam ko din na wala itong patutunguhan pero bakit ganito kahirap bakit kahit anong pilit ko na umahon mula sa pagkakahulog ay hindi na ako makataas siguro tama nga ang iba
Na sa oras na mahulog ka ay patuloy ka lang na muahuhulog na kahit ano pa ang gawin mo para makaahon ay patuloy ka paring malulugmol sa kailaliman
Mapait akong napangiti sa aking naisip bakit ganito bakit sa dinami dami ng tao ikaw pa ang napili nito bakit sayo pa sa isang tao na kaya lang akong mahalin dahil nakikita saakin ang mukha ng babaeng una na niyang minahal masakit isipin ngunit iyon ang totoo na kahit pa sabihin ko sa sarili ko na maaring balang araw ay mahalin mo ako nadidiyo parin yung mga pag aalinlangan na baka mahalin mo nga ako pero patuloy paring ang babaeng una mong minahal ang magiging tingin mo saakin at ngayon alam ko na
Nalaman ko na na unti unti ay nahuhulog na ako sayo at hindi na makaahon pa
Khian
-------------+++++-------------
Votes ang comments is highly
Appreciated by the authorTO BE CONTINUED......
YOU ARE READING
Mystic Academy[On Going]
FantasyA world that you wouldn't believe ever exist...an academy where power is everywhwere... Mga katanungang hindi masagot sagot , kasinungalingang lumukob sa bawat isa,galit ang naging bunga at kaguluhan ang dulot sa lahat Isang babaeng may tahimik na...