Third persons POV
Lingid sa kaalaman ng lahat isang trahediya ang mangyayari sa darating na leveling competition
Dahil naisabay rin ito sa ika walumput walong anibersaryo ng paaralan ng mahika marami ang nagsasaya halos lahat ay hindi magkamayaw ang kaba dahil sa mga estudyanteng inaasahan na sila ay makakapasok sa pinakamataas na seksiyon mahigpit ang seguridad sa bawat pasilyo ng buong paaralan maraming mga nakakataas na opisyal ng paaralan ang nakabantay upang masiguro na magiging maayos ang takbo ng araw na ito ngunit ang hindi nila alam ay may isang malaking labanan ang mangyayari dahil sa pinatupad ng hari ng Kadiliman na paghahanda para sa isang malawakang pag atake sa paaralan at ang hindi nila alam ay may isang tao na nagtatraydor sa kanila kaya naman alam ng kalaban ang lugar kung saan hindi masyadong mahigpit ang seguridad at dahil din dito nagkaroon ng isang malaking ideya ang kalaban kung paano makukuha ang babaeng nagtataglay ng kakaibang mahika
"Ally ano ka ba masyado kang tense kayang kaya mo iyan ikaw pa malaki ang tiwala ko sayo"saad ni prinsesa Czerina kay Ally
"Hindi ko naman kasi maiwasan ang kabahan ito ang unang beses ko hindi tulad sa inyo na alam ninyo na agad kung paano kontrolin ang kapangyarihan nyo di gaya sa akin na basic pa lamang ang nalalaman"saad ni ally at tipid na ngumiti sa mga kasama niya
Matapos ang paguusap nila ay isa isa nading tinawag ang mga kasama ni ally nauna ang dalawang prinsesa sumunod si Funther sumunod si Danver,si Zhander at ang pinaka huli ay si Khian parang wala pang isang minuto ay nabigyan na kaagad nang hatol ang iba kaagad silang nakapasok sa pinaka mataas na seksyon sa Mystic Academy
Makalipas ang ilang oras ay sunod nang tinawag si Allysa hindi siya mapakali kahit pa nandyan ang mga kaivigan niya na handang sumoporta sa kanya kinakabahan siya dahil sa posibilidad na hindi siya makapasok sa mataas na seksyon dahil kaunti pa lamang ang kaniyang kaalaman sa pag-gamit nang mahika
Kahit kabadong kabado ay pinilit parin ni Ally na pumunta sa entablado kung saan niya mahaharap ang ibat ibang uri nang mga halimaw samu't saring mga salita ang sinasabi nang iba sa kaniya may nagsasabing malakas daw siya may mga nagsasabi din naman na ni hindi man lamang aabot sa dalawampu ang mapapatay niyang halimaw ngunit hindi na lamang niya iyon inintindi mas pinagtuunan niya nang pansin ang isang taong hinihintay niyang makita kahit pa napakalamig nang pagtitig nito sa kaniya ay sapat na iyon para bigyan siya ng lakas para harapin ang kahit pa ilang libong halimaw
NAGSIMULA na si Ally na mag concentrate inuna niyang gamitin ang kapangyarihan nang hangin gaya nang turo sa kanya ni Danver ay pinagisa niya muna at dinamdam ang hangin hanggang sa naramdaman niya na maaari na niya itong makontrol una ay gumawa siya ng bilog na bola ng mainit na hangin at itinira ito sa mga halimaw sumunod ang ipo ipo halos lahat nang nanunuod ay nagulat at napatutok sa kaniya hindi nila akalain na ang babaeng mukhang mahina sa panlabas ay ang babae pala na siyang nagtataglay ng pinaka makapangyarihang mahika
HABANG tutok na tutok sa kaniya ang lahat ay palihim naman na kumikilos ang kabilang kampo para sugudin ang Akademiya unti unti nilang sinasalakay ang mga pasilyo na alam nila na hindi kalakasan ang mga nagbabantay sa kabilang banda naman ay unti unti nang natatalo ni ally ang mga halimaw na kaharap niya isa na lamang ang natitira at maaari na siyang makapasok sa seksyon ngunit sa hindi inaasahang pangyayari ay isang pagsabog ang narinig nila at isa isang pumasok ang mga dark magis users sa loob nang akademiya mabilis na pumunta sa lugar nang pagsabog ang mga opisyales nang akademiya at pinapunta sa ligtas na lugar ang mga estudyante samantala ay natalo na ni Ally ang isa sa mga pinakamalakas na halimaw ngunit masyado aiyang naubusan nang lakas kaya naman kaagad siyang sinamahan nang dalawang prinsesa sa laboratoryo upang ikuha nang kemikal na maaaring makapagpabalik nang lakas ni Ally
Matapos nito ay kaagad silang bumalik sa lugar kung saan naroroon ang iba pa nilang lasama para makipag laban mahika dito mahika doon para bang walang katapusan ang pagdating nang mga dark magic users ngunit ang hindi nila inaakala ay nangyari biglang dumating ang hari nang kadiliman mabilis nitong pinabagsak ang mga nagbabantay sa iba pang pasilyo labis na ikinagulat nang mga opisyales ang pagdating nang hari nang DVC
"Kamusta na mga munti kong kaibigan kaytagal nating hindi nagkita" nakangising pahayag nang hari nagtiim naman kaagad ang bagang ni Khian dahil dito
"O Khian naririto ka pala batid kong malaki ang galit mo saakin ngunit hindi ka man lamang ba naaawa sa iyong sarili"nakangisi pang pahayag nang hari na siyang lalong naging dahilan nang pagkagalit ni Khian
"Wala ka nang pakealam doon"tiim na saad ni Khian
Samantala ay napadako naman ang tingin nito kay Ally nagulat siya dahil sa labis na kahawig nito ang asawa niya NOON ngunit agad din iyong nawala sapagkat napansin din niya na kamukha ito ni Shanny
"Tingnan mo nga naman mayroon palang isang magandang binibini dito at kamykhang kamukha pa siya ni Shanny hindi ba?"labis ang pagkagulat ni Khian sa pagkapansin ng hari kay Allysa
"Wag na huwag kang magkakamaling hawakan man lamang ni dulo nang buhok niya kundi ako ang makakalaban mo"galit na sabi pa ni Khian ngunit tumawa lamang lalo ang hari
"Sa tingin mo ba ay natatakot ako sa iyo?kung makikipaglaban ka saakin malabong magalusan mo ako ni isa wala ka pa sa kalingkingan nang aking kapangyarihan"saad pang muli nang hari kaya napakuyom lalo ang mga kamao ni Khian mahirap mang tanggapin ngunit totoo ang sinasabi nito
Bahagyang lumapit ang Hari kay Ally at hinawakan ang mga baba nito samatala ay hindi man lamang makagalaw si Ally dahil sa mahika na ginamit sa kaniya nang hari nang kadiliman ialang saglit pa ay bigla na lamang sinuntok nang hari si Allysa Dahilan para mahimatay ito pagkatapos ay nagsalita itong muli
"Tandaan ninyo ang sasabihin ko ito ang unang hakbang nang aking mga plano kung nais ninyo akong pigilan ay magkakaroon lamang nang digmaan kaya masmabuti pa na tumigil na kayo dahil kahit kailan ay hindi kayo mananalo sa amin"matapos nitong sabihin iyon ay kusa na lamang naglaho ang lahat nang mga dark magic users at kaagad namang nilapitan ni Khian si Ally
----------*****----------
A/NAfter a long month of no update nakapag ud din abangan ang next chapiee
-------------+++++-------------
Votes ang comments is highly
Appreciated by the authorTO BE CONTINUED......
YOU ARE READING
Mystic Academy[On Going]
FantasyA world that you wouldn't believe ever exist...an academy where power is everywhwere... Mga katanungang hindi masagot sagot , kasinungalingang lumukob sa bawat isa,galit ang naging bunga at kaguluhan ang dulot sa lahat Isang babaeng may tahimik na...