Itago nyo na lang ako sa pangalan Sheila. Di ko alam kung Malas ba ko o talaga tatanga tanga ako .
"hoy, miss kung magpapakamatay ka wag ka ng mandamay ! "
shemay ! ako na nga tong muntik masagasaan sya pa may ganang manigaw . yeahh . sanay na ko dito lage na lang akong muntik masagasaan
"Hoy ikaw lalaki ka, imbes na mag sorry ka dahil muntik mo na kong mapatay ikaw pa tong magagalit dyan "
peste makatayo na nga. Tumayo na ko at nagpatuloy sa paglalakad, tae naman oh. Muntik na naman akong madisgrasya , samantalang magpapaload lang ako sa tapat ng bahay namin na tindahan -.-
"ate, paload nga po sa globe " inabot sa akin ni ate yung cellphone at nag type ako ng number ko. Mag iingay kasi ako sa Clan namin :)
"ate antayin ko na lang po hah "
tingin sa kanan > .>
tingin sa kaliwa <.<
yan ang ginawa ko bago tumawid. Mahirap na baka matuluyan na ko sa susunod .
Pagkauwe ko pumasok na agad ako sa kwarto at humiga sa kama, tyak makakatulog na nman ako sa feeling ng cellphone ko. Matagal tagal din ako makakapag ingay sa Gm 9 pa lang ng gabi ee .
Create message
send to many ..
hi guys :)
wazzup !
tera topic tayo .
Gm. pinkypink :)
oh yeah . enjoy na nman may topic kame :) hanggang makatulog ako .
zZzZzZzz ..........
zZzZzzZzZ ........
ZzzZzZzzZz ......
tae , andito ako sa park kasama ko ang mama ko ,
tapos pag linggon ko nawala bigla sa paningin ko si mama pero na kita ko naman ang lolo ko . Lumapit ako sa kanya .
"Tay, anung ginagawa mo dito ?" i used to call him tatay instead of lolo .
pero di nya ko sinagot , sinundan ko lang sya ..
"Tara nak , sama ka sakin may pupuntahan tayo " - inoffer nya yung kamay nya sa akin . Pero natingin lang ako sa kanya .
"Sheilaaaa ! " ay si mama pala , makasigaw naman , for sure uutusan na naman ako nyan .
"whoooo ! " ang init . pinagpapawisan ako , napatigin ako sa orasan sa bed side table ko . 3am palang . panaginip lang pala yung kanina .. makatulog ulit .
zZzzZzzZ .........
ZzZZzZZz ........
zZzzZzzZz ........
7 am ng umaga .
bumangon na ko ng kama ko at ginawa ng morning ritual ko .
"Ay tanga ! " shemay naman oh . nabagsak yung baso hawak ko, natalsikan pa ko ng bubog . Kumuha ako ng dustpan para linisin ang kalat ko . Kumuha rin ako ng bulak para punasan ang dugo sa paa ko na natalsikan ng bubog .
"woy ! Sheila , kunin mo nga yung toyo dyan para matapus na tong niluluto ko " sigaw sa akin ni mama .
"opo ! "
kinuha ko yung toyo sa cabinet at lumapit kay mama .
"ma, palaba nga po ng slack kong itim nakalagay na po sa marumihan , gagamitin ko lang po bukas" .
"sang marumihan ? " si mama
"subukan mong kunin sa basurahan ma, iisa lang marumihan naten ng damit tapos tatanong mu pa " sarcastic kong sabi . Hay nako ! minsan talaga ang kamalditahan ko wala inuurungan kahit kay mama. Sobrang iksi lang kasi ng pasensya ko .
lumapit na ko sa hapag dahil tapos na si mama na magluto ng almusal , nakapag prepare na rin ako pagpasok ko sa school at ojt .
"alam mo ma, gang pagtulog napapanaginipan ko yang pagsigaw at pag utos mo saken , yan tuloy sinasama ako ni tatay di tuloy ako nakasama sa kanya . di ko tuloy alam kung san sya pupunta " nag pout pa ko . Paboritong apo kasi ako nun , madalas nya kong sinasama sa mga lakad nya at pinapakain ako ng mga paborito kong pagkain lalo na chocolate at bavarian donut.
"sumama ka ? " si mama.
"ay? makulet po ? di ba nga di ako nakasama kasi inutusan mo ko ."
"buti nalang di ka sumama, kasi kung sumama ka baka di kana nagising ." si mama
kinalibutan naman ako dun . Ganun pala yun ..Nasabe ko na bang 6 years na patay ang Lolo ko . Yes paborito kong apo . Pero di aakalain na gusto nya kong isama kung nasan na sya ngayon .
A/N :
pasensya na po di muna sya masyadong scary . Next time na , dun mu tayo sa makatotohanan at totoong nangyayari :) hehe
SHARE/ VOTE / COMMENT kayo para alam ko kung may mali :)
BINABASA MO ANG
JAPAN (nightmare)
HorrorAko si Sheila Mae Cruz na isang maldita na gustong maging mabait , pero bigla nalang magbabago ang buhay ko .Wala akong choice kundi ang pumayag sa plano nya, kailangan nya ang katawan ko at maisakatuparan ang planong nya paghihiganti . Kelan nyang...