I'm Only Human - 2

22 4 0
                                    

“Hoy babaita? Bakit ganyan itsura mo?” bungad ni rich habang nginangata yung piatos na hawak niya.

“Wala, sweet kasi ng boyfie ko.” Sagot ko at binalik ang atensyon ko sa pagtetext.

“Yuck! Umayos ka nga. Obsess ka ata dun eh!”

Kita mo ‘to nananahimik ako dito eh!

“Sus bitter ka lang hanap kana kasi ng bf ng hindi nang-aampalaya yang buhay mo.”

Magkatext kasi kami ni boyfie kahit nasa klase ako naalala ko nga B-day na niya next wednesday kaya i only have four days to find him some gift gusto ko kasi unique tinanong ko si Rich wala naman matinong suggestion puro evil gifts adik talaga. Pero dahil sa creative mind ko nakaisip ako ng gift at dahil may sweet tooth si baby.

“Ano yan?” pag-uusisa ni Rich sa ginagawa ko.

“Ahnaghahanap kasi ako ng sweet stuffs para sa gift.” Nakangiting sagot ko sabay dikit ng picture.

“Ang baduy mo. Kahit ano naman ibigay mo dun matutuwa yun adik yun sayo eh.”

“Haha! Baduy? Baka sweet. Kumain ka nga ng asukal para makaramdaman ka ng konting kasweetan sa buhay mo.” Inirapan naman niya ko bumalik na ko sa pagpapalipat-lipat ng page ng hawak kong pastry book.

Nakatambay kasi kami ngayon sa cafeteria wala kasi kaming prof kaya mahaba-haba ang oras namin sa pagtambay.

Psst! Anjan yung boyfie mo!- bulong ni Rich agad ko naman tinago yung pastry book.

“Baby! *kiss sa pisngi* anong ginagawa mo?” tanong niya.

“Huh? Wala yun hehe.. kumain kana baby?” tanong ko at siya namang pag-upo niya sa tabi ko.

“Yup.. nga pala baby ayain ko lang kayo sa kung okay sa kaibigan mo?”

Tininganan ko naman si rich sinenyasan kong umagree siya.

“Bakit anong meron?” mataray na tanong ni rich.

“B-day party ko on wed. sa bar nila john yung venue don’t worry puro close friends lang naman yung kasama tsaka hindi naman tipikal na bar yun’ classy siya pramis. So? Okay lang ba...”

“Fine? Aarte pa ba ko? Basta romualdez tumino ka sa bestfriend ko ha!” panakot ni rich.

“Chill lang rich! Wag mo naman tinatakot si Charles.”

“Oo naman, mahal ko kaya ‘to.. siya eto yung invitations mauna na ko may klase pa ko baby kita nalang tayo mamaya.” Sabay kiss niya sakin.

“Shoooo! Alis na panget..” sigaw ni rich ang init talaga ng ulo nito natatawa nalang ako kapag ganyan siya eh.

Nilabas ko naman ulit yung ginagawa ko kailangan ko na talaga makahanap ng cupcakes or cake na ibabake ko exert effort talaga pag dating sa gwapo kong boyfie.

---

Wednesday, Charles B-day

“Rich bilisan mo nga jan? Baka wala tayong maaubatan dun.”

Habang ako todo hatak sa damit ko siya naman todo lagay ng lipstick kita mo ‘to nakuha pang magpaganda anong oras na eh.

“Oo eto na! Kailangan ko talaga maging maganda hello, party kaya pupuntahan natin syempre kailangan ko makipag-socialize alam ko namang buong party eh magkadikit kayo niyang jowa mo alangan naman magpakaOP ako hahanap nalang ako ng boylalu!”

“Tara na nga.. wala ka na bang nakalimutan?”

“Wala na pero tigilan mo kakahatak diyan sa dress mo! Baka mapunit.” Sita niya dahil napansin niya ang paghatak ko pababa ng suot ko.

I'm Only HUMANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon