Kabanata 1
Nicole Angeline
"Kailan kaya ako mapapansin ni Baby Trigger?" Malungkot na tanong ko sa bestfriend kung si Ciffer. Napahinto naman siya sa pagtatype ng kung ano sa laptop niya at binaling sakin yong buo niyang atensyon at talagang tinaasan pa ako ng bruha ng isang kilay.
"Siguro kapag sa kanluran na sumisikat yong araw." Sagot niya sakin at saka niya muling binaling yong paningin niya sa laptop niya. Ano ba kasing meron don sa laptop niya? Of out curiosity pumatong ako sa mesa at saka ako dumungay sa laptop niya. Ah. Kaya naman pala wala sakin yong buo niyang atnesyon kasi gumagawa siya ng designs niya para sa House of Ciffer.
Isa kasing fashion designer 'tong si Ciffer. Kakastart lang niya sa fashion industry pero patok na patok na yong designs niya hindi lang sa mga artista, kundi pati na din sa mga babaeng politician at kung sino-sino pang socialite.
"Ciffer naman eh! Seryoso ako! Gusto ko talagang mapansin ako ni baby Trigger, sure na sure na talaga akong siya yong kaforever ko." Pagdradrama ko naman sa kanya. Nasa TV screen pa din kasi naka-flash yong picture ni baby Trigger at nagbabalita si Gretchen Follido sa showbiz niyo.
My nagpagawa daw kasi ng billboard na babaeng artista at inaaya si baby Trigger ko na magdate daw sila, kahit coffee lang. Kanina ko pa nga pinapaikot ng paulit-ulit 'tong mga mata ko eh. Oo nga't sikat na sikat ngayon yong babaeng artista pero sumikat lang naman niya dahil sa leading man niya, ilang buwan palang naman siyang sikat pero kung makalandi wagas-wagas na!
"Hindi sila pwedeng magdate!' Paano kasi ay kaka-announce lang ni Gretchen na pumayag daw si baby Trigger na magkape sila! Eish! Hindi pwede! Hindi maari! Kaya naman kahit na alam kung magagalit sakin si Ciffer kinulit-kulit ko na siya ng bonggang-bongga, my mga connection kasi siya at magagamit niya yon para makagawa ng paraa para pigilan yong date ni baby Trigger sa Kathryn Padilla na yan.
"Ciffer tulungan mo naman ako! Ayukong magdate sila!" At saka ko niyogyugyogyug yong balikat niya.
"Ano ba Angeline tigilan mo nga ako! Kita mong busy yong tao dito eh! My deadline ako sa design na 'to." Pero hindi ko siya pinakinggan at mas lalo ko pang niyugyog yong katawan niya. Hanggang sa huli siya din ang sumuko sa kakulitan ko. Hininto niya yong pagdradrawing niya sa laptop at saka ako masamang tinignan.
Agad naman akong ngumiti sa kanya at nagpeace sign pero inirapan lang naman niya ako. Dineadma ko nalang alam ko naman kasing hinding-hindi ako matitiis nitong si Ciffer eh. Kaya naman ng madinig ko siyang napabuntong hininga alam kung my solution na siya sa problema ko.
"I'll call you back later. Meron lang akong dapat alamin." I creased my forehead at napatayo din ako ng napatayo si Ciffer dala-dala yong laptop niya. Weird. Akala ko pa naman ay my idea na siya kung paano ako mapapansin ni Trigger at hindi na matuloy yong date nila ng Kathryn na yon. Hanggang sa hindi ko man lang napansin nakaalis na pala si Ciffer.
"Angeline baka naman tuluyan na talagang walang bumili dito sa mga tinda ko! Kanina ka pa jan nakasimanggot ah!" Sita sakin ni Tita Phoebe. Ang kapatid ng Mama ko slash ang Boss ko. Isa kasi ako sa tindera ng mga prutas niya dito sa malaking puwesto ng prutasan niya sa palengke. Yon nga lang mashadong matapobre 'tong Tita Phoebe ko, halata ding hindi niya kami kinikilalang kamag-anak, mahirap lang kasi kami ni Mama.
Ang Papa ko ay dating sundalo at dahil sa trabaho niyang yon, bata palang ako ay napunta na siya sa heaven. Sigh. Samantalang si Mama naman dating manager ng isang clothing botique pero dahil sa edad niya at sakit hindi na niya kinaya kaya wala siyang choice kundi ang magresign. Nakaipon naman kami ng pera pero sapat lang para sa pagpapagamot niya, meron kasi siyang leukemia.
BINABASA MO ANG
The Billionaire's Bed Warmer ✔ [Under Dreame App]
General FictionNicole Angeline Alegre is a happy go lucky type of girl. She lives her life to the fullest. Kaya naman ng idare siya ng bestfriend niyang si Ciffer, agad siyang pumayag. Bakit naman hindi? Trigger Steinfield hired bed warmer? Why not coconut?! Dream...