Kabanata 2
"Hindi mo man lang ba naisip na you're hitting two birds at one stone?" Tanong sakin ni Ciffer ng sabihin ko sa kanyang pag-iisipan ko na muna yong sinasabi niya. Umiling-iling pa siya at saka niya pinagpatuloy yong sinasabi niya.
"Makakasama mo na si Trigger at magkakapera ka pa. Pwede mo nang mapagamot si Tita. Agad naman akong natauhan sa sinabi niya. Si Nanay kailangan niyang mapagamot sa lalong madaling panahon, ayuko. Ayuko siyang mawala sakin.
"At saka you're living your life to the fullest, correct?" Muli ko namang naibalik yong tingin ko sa kanya ng tanungin niya yon sakin. Automatiko akong napatanggo. Pinangako ko kasi sa sarili kung, I'll live my life to the fullest sisiguraduhin kung magagawa ko lahat ng gusto kahit na hindi ako mayaman, basta my pagkakataon gagawin ko yong mga adventure na sa tingin ko ay cool.
"Kaya 'tong pag-aapply mo as bedwarmer ni Trigger take it as my dare." At saka siya ngumisi sakin. Nasapo ko nalang ang noo ko at sunod-sunod na napailing. Kundi pa nga tumunog yong sikmura ko dahil sa gutom malaman ay magpapatuloy yong pangungulit sakin ni Ciffer.
***
"Anong hindi ka pa nakakapagdecide?" Medyo inis namang tanong sakin ni Ciffer. Hindi ko tuloy maiwasang hindi magpahaba ng nguso sa reaction ng mukha niya at tono ng boses niya. Tatlong araw na simula nung sabihin niya sakin yong hiring ni Trigger pero hanggang ngayon kasi hindi pa talaga ako nakakapagdecide. Maiisip ko pa ba yong kalokohang yon, eh hanggang ngayon nakaconfine si Mama sa hospital at hindi pwedeng lumabas kasi hinang-hina pa siya.
Ni-hindi ko na nga alam kung san ako kukuha ng pangbayad sa bill at pangbili sa mga resetang gamot ng Doctor. Grabe naman kasi si Tita, ni-ayaw magpautang. Kaya kahit na gustong-gusto ko bantayan si Mama sa hospital hindi pwede, kailangan kung magtinda para my sahod.
Hindi ko naman nakuhang sumagot kay Ciffer ng bilang pumasok sa loob ng kwarto ko si Doctor Santa Maria kasama ang isa pang nurse. Meron kasing isang nurse na nagbabantay kay Nanay sa loob, medyo pabago-bago kasi ang blood pressure niya kaya kinakailangang bantayan. Kaya ayun, nagdesisyon kami ni Ciffer na sa labas, kung nasan yong waiting area nalang tumambay. Agad namang binalot ng kaba ang buo kung sistema at akmang papasok sana ako sa loob ng kwarto ni Mama ng pigilan ako ng isa sa mga nurse. Wala tuloy akong nagawa kundi mag-antay nalang sa labas at umiyak nalang.
"Hindi ko na alam ang gagawin ko." Sabi ko kay Ciffer at saka niya ako inalalayang maupo sa waiting area. Inabutan din niya ko ng bottled water pero ni-hindi ko maabot-abot 'to dahil sa panghihinang nararamdaman ko matapos ang muli naming pag-uusap ni Doctor Santa Maria.
"Kailangan daw ng blood donor ni Mama at hanggang bukas nalang yong deadline ng paghahanap ko ng blood donor na pwedeng magbigay sakin ng libre." Blood type AB kasi si Mama at mahirap hanapin, meron sana dito sa hospital ang kaso lang kailangan kung bayaran agad-agad. Eh, san nga ako kukuha ng pera? Bakit ba ang hirap-hirap nilang maintindihan na wala akong pera at hindi nalang muna ipautang sakin yong bill. Nakakainis naman!
"Kaya nga sabi ko sayo kanina, magdecide ka na. Hindi naman sa prinepresure kita bess, pero kasi kailangan ko din yong pera ko para sa pundo ng mga new designs ko. Alam mo namang sa September na yong fashion show ko at nagrarush na kami ngayon, syempre kailangan matapos lahat ng collection or malalagot ako sa mga clients. Kailangan ko din kasi ng puhunan bess." Napatango naman ako sa sinabi niya, naiintindihan ko naman siya eh. Sigh.
Hindi din naman nagtagal at nagpaalam na din sakin si Ciffer madami pa daw kasi siyang kailangan gawin sa botique niya at nagsabing babalik nalang siya kapag my free time siya. Tumango nalang ako at nagpasalamat at saka nagdesisyong bumalik sa kwarto ni Mama pero tulog na tulog naman siya.
BINABASA MO ANG
The Billionaire's Bed Warmer ✔ [Under Dreame App]
General FictionNicole Angeline Alegre is a happy go lucky type of girl. She lives her life to the fullest. Kaya naman ng idare siya ng bestfriend niyang si Ciffer, agad siyang pumayag. Bakit naman hindi? Trigger Steinfield hired bed warmer? Why not coconut?! Dream...