Chapter 1

13 0 0
                                    

Kasalukuyan akong nakatingala sa napakataas na gate ng mansyon ng mga Marqueza, andito ako para sundin ang huling habilin sa akin ng aking mga magulang.

Inayos ko ang aking suot na salamin at saka huminga ng malalim.

"Go, Lira. Kaya mo yan. " pagpapakalma ko sa aking sarili at saka nagpasya na pindutin ang doorbell.

"Aba may pailaw si mayora!" sigaw ko ng umilaw ang parang isang sensor sa taas ng doorbell. Nilapitan ko ito at napagtantong camera pala iyon upang makita ng tao sa loob ang tao mula sa labas.

"Bongga naman nito."

"Sino po sila?" malumanay na tanong ng isang boses mula rito.

"A-ako po si Liandra, anak po ako nina Dhaina at Limiro Estralba, napagutusan po ako na pumunta rito. " sagot ko habang nakatingin sa camera.

At dahil kita ko ang sariling mukha sa screen ay di ko na pinalampas at nanalamin na ako mula rito. Nakuha ng bumubukas na gate ang aking atensyon. Sinalubong ako ng isang matandang babae na nakauniporme ng isang kasambahay.

"Tuloy ka, iha. Sumunod ka sakin. "  anito na agad ko namang sinunod.

Nang makarating kami sa tanggapan ng mansyon ay muli itong nagsalita.

"Maupo ka muna rito. Pababa na sina Ma'am at Sir. "

"Sige ho. Maraming salamat. "

Iginala ko ang aking paningin sa paligid at nang dumako ang aking paningin sa itaas ay nahagip ng aking tingin ang binatang kyuryoso ang mga matang nakatitig sa akin. Nagiwas ito ng tingin at nang sundan ko ang tinitingnan nito ay nakita ko ang isang napakagandang ginang kahit na medyo maedad na ito ay kita parin ang natural na kagandahan.Kasama nito na bumababa sa hagdan ang isang matipunong ginoo na kamukha ng binatang aking nakita, mas maedad lamang ang isang ito.

"Ikaw na ba ang anak nina Dhaina at Limiro?" malambing ang boses na tanong ng ginang ng maupo ito sa sofa na kaharap ng aking kinauupuan.

Tumango ako bilang tugon rito. Ikinagulat ko ang biglang pagtayo at pagyakap sa akin ng ginang. Kumalas ito at mas ikinagulat ko ang luha na lumandas sa pisngi nito. Hindi ko alam kung anong nagudyok sa akin upang haplusin ang pisngi ng ginang upang mapalis ang luha nito, ngumiti ito kaya naman agad kong binawi ang aking kamay.

"P-pasensya na po kayo. Ayoko lang po kasi na makitang umiiyak ang isang magandang babae na kagaya niyo. " wika ko rito.

"Bolera ka rin kagaya ng mommy mo, lagi niya rin yan ginagawa sa tuwing naiyak ako. Pasensya ka na pala kung nabigla kita. You really look like her, you're as beautiful as your mother. Anong pangalan mo, iha." tanong nito at saka hinaplos ang aking buhok.

Binola pa ako, malaking salamin at manang na suot, maganda? Ang mapagbiro pala ng ginang na to, hehehehehe.

"Liandra Limira po ang pangalan ko pero tawagin niyo na lamang po akong Lira. I heard from my mom that her bestfriend is really beautiful at tama nga po siya, napakaganda niyo po. " nakangiting tugon ko rito.

Binola niya ako pero totoo talaga ang sinabi ko.

"Isang taon na mula ng mawala sila Dhaina at Limiro. Isang taon narin kaming naghihintay na kumatok ka sa amin, iha. Ibinilin ka sakin ng mommy mo. Ilang taon ka na, Lira?"

Hindi ko alam kung dapat ko bang sabihin sa kanila ang nangyari sa loob ng isang taon na yon o itago na lamang ito sa aking sarili. I choose the former, makikituloy ako sa kanila kaya dapat lang siguro na malaman nila ang totoo.

"17 na po ako, wala na po kasi akong ibang malapitan kaya po kakapalan ko na ang mukha ko na lumapit sa inyo. I think you deserve to know what happened to me in that 1 year. I got involved into an accident, a car accident that cause my brain to forget some of my memories. To be honest, hindi ko pa po nababayaran ang hospital bills, nagulat na lamang ako na sinabihan nila ako na pwede na akong umuwi--

Hindi ko natapos ang dapat ko pang sasabihin ng may mapagtanto ako at napatingin ako na may nagtatanong na mga mata sa mag-asawang nakaupo sa harapan ko. At mukha namang naintindihan din nila kaagad ang dahilan ng pagtingin ko sakanila. Tumikhim ang ginoo bago ito nagsalita.

"You're right, Lira. We paid for your hospital bills, we knew about what happened. My wife is working at the hospital kung san ka naadmit. "

I don't know what to feel but I really have to ask this question.

"I hope you don't mind. Have we met before?" tanong ko sa magasawa.

"I'm glad you ask, Lira. We met when you were still young, lagi mong nakakalaro ang anak kong bunso, si Lax. Kahit ba siya ay hindi mo naaalala?" wika ng ginang sa akin.

That's why they felt familiar when I saw them walking down the stairs.

"If I met your family when I was still young, opo, di ko rin po siya makikilala. Is he that guy?" tumingala ako para sana ituro ang lalaking nakita ko kanina pero wala na ito roon.

"Nasan na yon? Bakit nawala?" mahinang tanong ko sa sarili habang iginagala ang paningin hoping to see the boy again.

"If you're talking about the guy who were standing there a while ago, then you're right. Si Lax nga iyon. " saad ng ginang na nakaagaw ng atensyon ko.

"Pasensya na po kayo kung hindi ko man lang kayo maalala. P-pwede po ba akong mamasukan rito sa inyo? Kaya ko pong gawin lahat ng gawaing bahay."

Kung makikituloy ako rito ay hindi naman pwedeng libre,right? Di na uso libre ngayon kaya nga nilakad ko hanggang dito at sayang naman kung hindi nila ako tatanggapin, napagod akong maglakad ha.

"Hindi mo kailangan mamasukan dito, Lira. I just have one condition for you. " wika ng ginang.

Di ko maintindihan pero kinakabahan ako sa kondisyon ng ginang sa akin. Di nga ako mamamasukan pero may kondisyon naman, sabi na kasing wala talagang libre ngayon.

"A-ano po ba yun?" kabado kong tanong rito.

"Marry my son, Lax. "

Napainom ako ng tubig dahil sa narinig mula sa ginang at buti na lang ay nilapagan ako ni manang ng tubig kanina.

"B-bakit naman po ganon yung kondisyon? Babayaran ko po lahat ng ginastos niyo sakin at sa pamilya ko, hayaan niyo lang po akong makaipon. " nauutal na wika ko rito.

"Lira, pagaaralin kita. Kung anong meron ang mga anak ko ay ibibigay ko rin sayo kapalit ng pagpapakasal mo sa panganay ko. Pagisipan mo at tsaka mo ako kausapin pag nakapagdesisyon ka na. "

Di ko pa man naipoproseso ang sinabi nito sa akin ay tumawag na ito ng katulong upang maihatid ako sa aking magiging silid sa kanilang mansyon.

Clandestine Love and MarriageTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon