Nang makarating sa aking silid na tutuluyan ay agad akong nahiga sa kama upang makapagisip isip tungkol sa kondisyon sa akin ng ginang.
Hindi ko maintindihan kung bakit sobra akong kinakabahan but a part of me wants to accept her condition. But of course, his son will not like the idea of marrying me. Mukha akong manang na napagiwanan ng panahon but who cares diba? Ito ang trip ko e.
Kung nakasama ko na nga ang Lax na yon nung bata pa ako, siguro iyon ang dahilan kung bakit may ganito akong nararamdaman. To marry someone from my childhood isn't that bad.
Hindi ko namalayan na sa aking pagiisip ay nakatulog narin ako. Nagising ako ay gabi na at nakakaramdam narin ako ng pagkagutom kaya naman tumayo ako at dumeretso sa banyo. Nang matapos ako ay agad akong nagbihis ng isang pajama at malaking tshirt at syempre hindi ko pwedeng kalimutan ang aking salamin.
Hindi naman talaga malabo ang mata ko, kyeme lang to para malaman ng iba na hindi ako nakacontact lense at tunay na mata ko ang mga matang nakikita nila. Hindi lang sila maniwala dahil sa kakaibang kulay ng mata ko.
Lumabas ako ng kwarto para makausap si Mrs. Marqueza ng makasalubong ko sa pasilyo ng ikalawang palapag ng mansyon ang binatang Marqueza. Lalagpasan ko na lamang sana ito ng bigla itong magsalita at hawakan ang aking palapulsuhan.
"If you're looking for my mom, she's probably in the kitchen, coz it's dinner time already. Follow me."
Agad naman akong sumunod rito at hindi ko maiwasang mailang sa kamay niyang hanggang ngayon ay nasa palapulsuhan ko parin kaya agad ko itong binawi na naging dahilan ng paglingon niya sa akin.
"I-I can follow." malayo ang tingin na wika ko rito at nagpatuloy naman siyang muli sa paglakad habang ako ay nakasunod lamang sa kanya.
My freaking heart is racing just because of his touch. What the hell is wrong with my heart? We reached the kitchen silently at sinalubong ako ng magiliw na ngiti ng magasawang ngayon ay magkatabing nakaupo sa isang napakalaking lamesa. Kasyang kasya ata ang buong barangay dito, charot lang.
"Good evening po, ma'am and sir. " bati ko sa mga ito.
"Good evening din, iha. I'll be glad if you'll just call us mom and dad. Treat us like your own, Lira." nakangiti nitong wika sa akin.
Dahil nga sa malaki ang dining table nila ay naupo ako sa harapan ng magasawa at ikinagulat ko ang pagupo ni Lax sa katabing upuan ko. Di ko na lang binigyang pansin masyado ang pagiging dikit ng aming mga braso at sinubukang ituon ang atensyon sa mga pagkaing nasa harapan ko.
Matagal tagal narin akong di nakakakain ng masarap kaya naman susulitin ko ito ngayong gabi. Mabuti na lamang ay hindi nila pinansin ang pagiging matakaw ko, mukhang normal na sa kanila na ganito ako.
Sa kalagitnaan ng aming pagkain ay tumikhim ang ginang kaya napatingin kaming lahat rito.
"Lira, iha." tawag nito sa aking pangalan.
"B-bakit po?" pakiramdam ko ay magtatanong na siya tungkol sa aking naging desisyon at mukhang tama nga ako. Pwede na akong magpart time manghuhula sa kanto.
"Napagisipan mo na ba ang offer ko sayo?"
Though I already made up my mind about this ay hindi ko parin maiwasan na kabahan.
"I accept your offer, but I also have my own conditions at sana po ay pumayag kayo."
Naramdaman ko ang titig sa akin ng aking katabi ngunit hindi ko ito tinapunan ng tingin dahil sa sobrang lakas ng kabog ng aking dibdib. Kung tututol siya sa kasalan na inaalok ng kanyang ina ay ayos lang. Pero bakit parang disappointed ako? Ewan.
BINABASA MO ANG
Clandestine Love and Marriage
Teen FictionHi everyone :> Sana po ay suportahan ninyo ang pinakaunang storya ko dito wattpad. Maraming salamat po :)