Chapter 3

5 0 0
                                    

Nang magising ako kinabukasan ay agad akong dumeretso sa banyo upang maligo dahil tanghali narin naman. Napuyat ako sa pagiisip ng mga nangyari kagabi at sa kung anong ibig sabihin ni Lax sa mga salitang binitawan nito kagabi.

Nang matapos akong maligo at magbihis ay agad akong lumabas ng aking silid at dumeretso sa unang palapag ng mansyon. Hindi pa ako gaanong pamilyar dito sa mansyon pero hindi naman mahirap hanapin ang kanilang sala at kusina.

Laking gulat ko ng makita kong madaming tao sa aming sala na kausapin nina tita at tito. I decided to call them like that, tsaka na siguro ang mommy at daddy pag kasal na ako sa anak nila. Maging si Lax ay nandoon rin at may kinakausap na isang babae na may malagkit na tingin sa kanya. Hindi ko alam kung bakit ngunit nakaramdam ako ng iritasyon.

"Lira, gising ka na pala." bati sa akin ni tita ng makita niya ako sa may paanan ng hagdan.

Ngumiti ako rito at nilapitan ko sila tsaka humalik sa pisngi niya na batid kong ikinagulat niya. They want me to treat them as my family and I should be thankful, right?

"Good morning po tita, tito."

"Good morning din sayo, anak." bati sa akin pabalik ni tito.

"Nakapagalmusal na kami, pasensya ka na at hindi ka namin nahintay. Mukhang napasarap yata ang tulog mo. " may makabuluhang ngiti si tita sa akin ngunit hindi ko na lamang iyon binigyang kahulugan.

"Napuyat lang po ako, nagmuni muni kaya po tinanghali ako ng gising ngayon. Hindi niyo naman ho obligasyon na hintayin ako para makasabay ng pagkain, ako po dapat ang humingi ng pasensya."

"Wala yon, Lira. You're a family to us, lagi mong alalahanin yan. Kumain ka na muna, sabay na kayo ni Lax dahil hindi parin siya kumakain. " nilingon ko si Lax dahil sa sinabi ng kanyang ina at nakita kong patayo na ito sa kinauupuan at di makakalampas sa paningin ko ang pagsimangot at pagirap ng babaeng kausap niya kanina sa dereksiyon ko kaya naman tinaasan ko ito ng kilay.

Ikakasal na nga yung tao, may balak pa atang agawan ako. Sira ulo ba siya, kung di ako nagkakamali ay designer siya ng mga damit na pangkasal ng lalake.

"Kung nakakapatay lang ang titig ay nakahandusay na siguro si Sienna ngayon. " ibinaling ko ang atensyon ko kay Lax na mukhang tuwang tuwa sa nakikita niyang ekpresyon sa mukha ko.

Bwisit. Sinimangutan ko na lamang ito bago naglakad papuntang kitchen at naupo sa dining table roon. Nakasunod din naman sakin si Lax na umupo sa tabi ko at masyado siyang malapit kaya binalingan ko siya ng masamang tingin.

"Bakit ba ang hilig mong umupo ng sobrang lapit sakin? Ang daming upuan, nakikita mo naman siguro diba?" mataray na tanong ko rito.

Naiirita talaga ako ngayon, at mas kinaiirita ko pa na nagkakaganito ako ngayon.

"I waited for you to wake up para sabay tayong kumain like I always do before pero susungitan mo lang pala ako. " anito habang nakanguso.

Ang pacute, nakakainis kasi talagang cute siya. Pero hindi muna yang pagiging cute niya ang iintindihin ko. May gusto akong itanong dahil sa sinabi niya.

"Can you help me remember my lost memories? I badly want to remember those. " tanong ko rito ngunit ang tingin ko ay nasa pagkain kong hindi pa nababawasan.

"I'll help you remember the memories you've lost, slowly but surely. Coz I badly want you to remember me, baby. " wika nito sa mahina at malambing na boses.

Di na ako muling sumagot pa at tinuloy na lamang ang pagkain at ganon narin ang ginawa niya. My heart almost fell out of my chest just because of that freaking endearment but I didn't let him notice that.

We finished eating at pabalik na sana ako ng sala ng hinawakan niya ang kamay ko at hinaplos iyon ng marahan. Heart, kalma ka lang, kaya natin to. Tiningala ko siya dahil nga sa mas matangkad siya sakin, hanggang balikat niya lamang ako kahit na matangkad narin naman ako.

"B-Bakit? May gusto ka pang s-sabihin?" nauutal na tanong ko rito.

Nilapit niya ang bibig niya sa aking tainga at naramdaman ko doon ang hininga niya. Buti na lamang ay hindi niya nakita ang panlalaki ng aking mga mata ngunit sigurado akong ramdam niya ang paninigas ng katawan ko. Ang bilis ng tibok ng dibdib ko, nagwawala na naman ang sistema ko.

"You don't have to be jealous, sayo ako noon, sayo parin ako hanggang ngayon." bulong niya sakin.

Di ko man lubusang naunawaan ang sinabi nito ay kakaiba parin ang dala nitong saya sa puso ko. Hinigit niya ako pabalik sa sala at nakita ko ang gulat sa mga mukha ng magulang ni Lax ng makitang hawak nito ang kamay ko.

Sa halip na bumalik sa dating kinauupuan ay iginaya niya ako sa isang mahabang sofa na katapat ng sofang kinauupuan ng babaeng, Siekla na yon. Kitang kita ko ang pagakirita sa mukha niya dahil sa ginawa ni Lax, binelatan ko ito at nginitian kaya lalo pa itong nainis.

I heard Lax chuckled because of what I did.

"Naughty little girl." wika nito at lalo pang tumawa kaya hinampas ko ito sa braso.

"Wag kang tumawa, uupakan talaga kita. " banto ko rito.

"Ang brutal mo parin." nakangiti siya habang sinasabi yan at tatawa sana siyang muli ng sinamaan ko siya ng tingin.

Bwisit na to, tatawa pa kaya lalong nagugustuhan nitong si Siekla e. Tinaas niya ang kanyang kamay bilang tanda ng pagsuko ngunit bakas parin sa mukha niya ang pagpipigil ng tawa ngunit sumeryeso din naman bago nagsalita.

"Pick a suit for me. Gusto kong ikaw ang pumili ng susuotin ko sa wedding natin." wika nito at naramdaman kong hinaplos nito ang bewang ko.

"Masyado ka na namang malapit." saad ko rito and he just chuckled.

At ganon nga ang nangyari, I picked a suit for him at nalaman kong si Lax na ang pumili ng magiging wedding gown ko. Gagong yon, kaya pala ako ang pinapili ng susuotin niya.

Natapos ang araw na iyon na wala kaming ibang ginawa kundi ang asikasuhin ang mga kakailanganin sa kasal. Pabalik na ako sa kwarto ko ng maramdaman kong may yumakap sakin mula sa likod, kasalukuyan akong nasa pasilyo ng ikalawang palapag at ilang hakbang na lamang ay ang pinto na ng aking silid.

Alam ko na kung sino ang yumakap sa akin sa bilis pa lamang ng tibok ng aking puso ay kumpirmado ko na kung sino ito ngunit nilingon ko parin just to make sure. Agad ko ring pinagsisihan ang paglingon dahil napakalapit ng mukha ni Lax sa akin. I can feel his breath and it smells good. He smells good kaya naman hindi ko napigilang pumikit dahil roon.

"Look at me, open your eyes. I like staring at your eyes, Lira.They're wonderful, even the owner itself is wonderful. " di ko mapigilan ang pagngiti dahil sa mga sinabi nito.

I opened my eyes to be welcomed by his dark and mysterious ones.

"You like my eyes? Why?" tanong ko rito.

"It's unique, just like you." nakangiti nitong sagot sa akin. He slowly leaned in his face to mine and kissed my lips in a slow manner at agad din naman itong humiwalay. At sa maikling sandaling yon, naramdaman ko ang saya sa aking puso sa kabila ng kaba na akin ding nararamdaman.

"I can't wait to marry you." bulong nito sa tenga ko at tsaka ako pinakawalan mula sa pagkakayap.

"You should sleep now, baby. Goodnight. " anito at saka ako hinalikan sa noo at naglakad na papunta sa kanyang silid.

Ako naman ay nakangiting pumasok sa aking silid at natulog ring may ngiti sa mga labi.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 07, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Clandestine Love and MarriageTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon