Chapter 1: ( Being naughty could be fun sometimes ;) ) ^^
" KRINGGG !! KRINGGG !! "
err . sino kaya ang halimaw na'to ! gaaad !! Inaantok pa talga ako
" Hello ?! " sinagot ko na lang . no choice eh .
" HOY REINA A.K.A ERZA ! ASAN KA NA BA ?!! "
hay nako . Si Mayumi pala . Yung bestfriend ko =_=
" Bakit ba ?! " -yawn- antok pa talaga ako . promise !!
"Periodical test natin ngayon gaga !! naka-take naka na kami ng isang subject kaya bumangon ka na dyan ! tanggalin yang morning glory moh , manghilamos , magbihis at gora na bilis !!! " sabay end ng call ..
okay ...
ano nga sinabi niya ?! ...
Loading ....
WHATTTAAAAAAAAA !! ANAK NG KUTING NAMAN OHH !!
teka .. pwede na bang magkaanak ang kuting ?? eerr ano ba 'tong iniisip ko ! Late na nga ako ng isang oras para pa akong tanga !! tss .
walking distance lang ang school ko dito sa bahay namin ! Kaya pagkatapos kung gawin ang daily student life routine ko ay nagsimula na akong maglakad ! at habang naglalakad . pakilala muna ako sa inyo !!
I'm Reina Mae Evangeline Reneey a.k.a Erza Scarlet . hihihi Otaku ang lola nyo ehh !! 3rd year highschool pa ako . 15 yrs. old . Living with my mother dear and my evil sister .. heheh ! wala na kasi father ko eh ! Pero masaya pa rin naman ako sa shonga kong life ^_^ sabi ng iba , astig daw ako ! edi astig na kong astig !!
*after 5 minutes*
pagkapasok ko pa lang sa room ..
" Ms. Reneey ! You're already one hour late ! di mo ba alam na exam ninyo ngayon ?! "
tss. kainis ! ito pang teacher na'to ang examiner namin . plastic pa naman ng ugali nito ! Pwes , hindi takot ang mga kuko ko sa kanya noh !!
" Hindi po ! " Honest kong sagot . Aba ! malay ko bang test pala namin ngayon !! >.
" Ha ? E , saang lupalop ka ba ng mundo nang e-announce ang tungkol dito ? " -si Maam naka-smile pero galit . Pede ba 'yun ?
"Ahm . Baka nasa North Pole po ako nun !! "
Ay ! Mali ! bakit ko ba sinabi yun ? kainis na bibig nato ohh ! hindi magpapigil ! Inuntog ko na lang ang ulo ko sa forehead ni Maam !
pero siyempre sa imagination ko9 lang yun !!
" HAHAHAHAHAHA " mga classmates ko . nakikinig pala ! nakoh poww !! nakakahiya !!
" HA - HA - HA NAKAKATAWA " syempre sarcastic na tawa ni Maam ! " QUIET CLASS !! Ikaw , " sabay turo sa'kin " Pagkatapos ng exam , stay ka muna dito sa classroom "
nagkibit balikat na lang ako , tapos dumiretso na ako sa seat ko .
nang tingnan ko yung testpaper ...
itsura ko --> O________________O
utak ko --> ............................................................
nag- hang ang system ko ! Tumigil ang mga brain cells ko ! Di ko na kaya 'to !!!
" WAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAA " di ko na alam kong ilang seconds akong sumigaw . Para kasing sasabog na ang utak ko !! hu-hu-hu ang hirap ng test , hindi ako naka-study !
nang maka-recover ako sa kabaliwan ko ! tumahimik ulit ang room . Nakatingin sila sa'kin . eehh . Pati si Maam ! para akong kakainin ng buhay ! Brrr . nakakatakot sila ..
" Alam ko maganda ako kaya wag nyo na akong titigan nang ganyan " hope ko lang talaga na effective 'to !!
kaya lang ...
parang epic fail ata . Tahimik pa rin kasi sila eh . Seryosong nakatingin sa'kin.
Naku ! Sana makita ko na lang ang hagdanan patungong langit nang makaalis na ako dito . Pero impossible atang makita ko pa yung hagdanan , ang taas na kasi ng sungay ko eh ! he-he
maya-maya lang ....
" HOY MS.RENEEY , ALAM MO BANG SASABOG NA ANG UTAK KO SA PAKIKIPAG-EYE TO EYE SA MATH TESTPAPER KO ? MALAPIT KO NA SANANG MAKUHA ANG SAGOT KAYA LANG NA-DISTRACT AKO SA SIGAW MO !! " - classmate 1
" HOY BRUHA ! KONG GUSTO MONG SUMIGAW , PUMUNTA KA SA ROOFTOP NG PINAKAMATAAS NA BUILDING DITO SA PILIPINAS WAG DITO ! " - classmate 2
nag-peace sign lang ako sa kanila at sinagutan na ang testpaper ko ( kahit di ko alam ang sagot) kapal talaga ng mukha ko noh ? hindi ko na sila pinansin. Nang tingnan ko si Maam , halata ang pagtitimpi sa mukha niya .
patay ako nito ! nadagdagan pa 'ata ang kasalanan ko !! hay , bahala na nga !!
after a few hours ...
tapos na rin ako sa pagsagot ! nang mag-angat ako ng tingin tsaka ko lang na-realize na ako na lang pala ang natira dito sa room namin .. kinuha ko na ang backpack ko at isinukbit sa balikat tapos isinubmit ko na kay maam ang testpaper ko . Lalabas na sana ako nang tawagin ako ni Maam ..
" May nakalimutan ka ata Ms.Reneey !? " Tanong nya sa akin .
" Po ? Uhmm .. " tumitingin-tingin ako sa loob ng room " Ah ! opo pala ! salamat po sa pag-papaalala " nakalimutan ko kasi ang poster na binigay sa akin ni Mayumi kanina . kinuha ko yung poster ko at lalabas na sana nang room nang tawagin ulit ako ni Maam .
" Ms.Reneey ! Nakalimutan mo na ata na - "
" Maam , wala na po akong nakalimutan " paranoid lang siguro si Maam .. tss. Lagi na lang sinasabing may nakalimutan ako !
" Nakalimutan mo na ata na may kasalanan ka pa sa akin !! "
SUNLIGHT ! este LIGHTBULB !! Iyun pala ang ibig sabihin ni Maam !
Naku po ! Readers , tulong naman dyan oh ! xD
BINABASA MO ANG
Mr.Sungit
RomancePare-parehong Otaku sina Reina at Devin . Pero may kunting pagkaka-iba ang kanilang mga ugali . Pero kahit ganun , nang makilala nila ang isa't isa nang lubusan , palaging nandiyan si Devin para kay Reina . Matuloy kaya ang love story nang Masungit...
