Twelve: Liar

107 21 0
                                    

M A L E D I Z I O N E
H I G H

Liar

Nagising ako dahil sa nakaksakit sa matang ng araw. Dahil sa pagka-pagod ko ay ni-hinidi ko na nagawang mag palit ng damit. Nakauniporme parin ako sa pagtulog ko.

Hindi ako gunalaw kahit konti sa pagkakahiga ko sa aking kama tanging naka mulat lamang ang aking mga mata.

Napaisip ako ng malalim sa pagkakahiga ko, sa mga nakalipas na araw sa pagtuloy ko sa mistulang maliit na syiodad na ito ay parang bilang palamang ang maayos at mahimbing kong pagkakatulog.

Ayoko muna sanang bumangon ngunit ngayon mayroon na kaming regular na klase at mayroon pa ako practise para sa DT.

Ayoko ng bumangon pa, dahil alam ko pagkabangon na pagkabangon ko dito papasok nanaman ako sa isang malaking pagsubok.

Mabagal akong bumangon at nagtungo sa banyo upang maligo. Hindi parin gumagaling ng tuluyan ang sugat ko pero meron nanamang bago.

Pagkatapod ko maligo at magbihis at saka ako dumeretso sa kusina upang kumuha lang sana ng inumin ngunit iba ang naabutan ko.

"Babybooo~" sigaw nito na may tono at tila inaway ng bata. Agad itong tumakbo papalapit saakin at saka ngumuso ng parang ewan.

"Babyboo kanina pa yang lalaking yan! Kanina nya pa ko niaagawan! Pati sa kama ko niaagawan nya ko! Tapos sabi nya ikaw daw ang queen nya! Babybooo hindi pwedee!" Sigaw nito habang umaarteng umiiyak. Tch parang ewan.

Inirapan ko na lang sya at saka ako naglakad papunta sa tapat ng refrigerator para makakuha ng inumin.

Agad kong hinanap ang gustong gusto kong inumin.

Chuckie.

"Queen!" Lumapit ito saakin at saka inagaw ang chuckie sa kamay ko at saka nito hinawakan ang magkabilang balikat ko. Agad ko naman iyong binigyan ng masamang tingin at saka inagaw pabalik ang chuckie ko.

"Hoy kayong dalawa kung wala kayong magawang matino puwede lubayan nyo ko?" Agad akong tumalikod sakanilang dalawa. Pagkaharap na pagkaharap ko sa dinning table ay bumungad saakin ang napakaraming pagkain.

"Babyboo!~ kaninaaa pagkagising ko pati mga gamit ko sa kitchen ko niaagaw nya babyboo! Tapos! Tapos tapos sabi nya hindi daw ako magaling magluto! Tapos tapos sabi nya simula daw ngayon sya namagluluto para sayo! Hindi daw nya ko bibigyan babyboo! Babyboo inaaway nya ko!" Napatigil ako saglit sa inaasta ni abo. Dahil kitang kita ko ang mga luhang bumabagsak galing sa mga mata nya. Parang ewan.

"Queen hindi naman kasi talaga masarap magluto yang lalaking yan eh. Queen niluto ko yung mga paborito mo gaya ng dati. Nung andun pa tayo sa Italy lahat ng mga gusto mo niluto ko queen."

Bigla kong naalala ang mga panahong wasak na wasak pa ako. Mga panahong asa puder pa ako ng nanay ko pero nianino nya ay hindi ko nakita. Siguro nga tama ang mga sinasabi nila saakin noon. Na isa lamang akong malaking pagkakamali.

"Hindi ako kumakain sa umaga. Geh una na ako." Mabilis akong naglakad palabas ng dorm namin. Bakit kaya hanggang ngayon hindi dito nakatira si Zyhlia saan naman sya puwedeng tumuloy.

Maledizione High Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon