M A L E D I Z I O N E
H I G HDisloyalty Of The Past
"Babyboo!"
"Babyboo, Ano yan? Kanina pa Kita tinatawag babybooo."
Bigla naman ako bumalik sa realidad dahil sa sigaw ni abo. Agad ko naman tinago sa bulsa ang napulot ko na litrato.
"May nahulog lang."
"Ahh, babybooo! Bilisan mo maglakad." Hindi ko na siya pinansin dahil iniwan ko na siya dun at nagtungo na ako sa labas ng Library.
Naglakad ako papunta sa Cafeteria, at pumunta ako sa pinakadulo na table, nang nasiguro ko ng walang tao ay nilabas ko agad ang napulot kong litrato.
Hindi na masyado malinaw ang litrato muka itong tinago sa isang libro na hindi na binubuksan. Sobrang laki ng arena na ito, at may isang bagay na nakakuha ng attention ko.
Ang batang babae na may kasama pang isang babae.
Pamilyar siya sakin, parang nakita ko na siya, pero hindi ko maalala kung saan o kailan. Mahaba ang buhok nito na hanggang beywang, maganda at nakakaait akit ang mga mata nito, muka siyang nasa mga 5 o 6 years old pa lamang.
"Zedekiah..." May biglang umupo sa harapan ko kaya tinago ko sa loob ng jacket ko ang litrato na iyon.
Ang boses na iyon, kilala ko kung Sino iyon. Ang may ari ng boses na iyon, ang nakaraang kinalimutan na.
"Bakit mag isa ka lang dito?" Tanong naman niya sakin.
"Mas mabuting mag-isa na lang." Hindi ko alam kung bakit andito pa siya na kung umasta ay parang walang nangyari.
Tumahimik na lang siya doon at hindi na ulit pa nagsalita, nang magtama ang mga mata namin ay may bigla akong naalala.
"Your hands are so weak you can't even punch a single glass!" Sigaw ng trainer ko saakin, kanina pa dumudugo ang kamay ko dahil sa puulit ulit kong suntok sa glass na nasa harapan ko na hanggang ngayon ay hindi pa din nasisira.
Napansin niyang may pasa na ang kamay ko at hindi tumitigil ang pag tulo ng dugo.
"Have a break."
Buti na Lang kahit papano ay mayroon pa syang bait na tinatago, kaya naman puwede na akong magpahinga ng saglit.
Magaling siya mag turo kaso sobrang sungit nito, at sobrang seryoso pag dating sa ganitong mga bagay.
Siya ang trainer ko dito sa defense class ko ngayon, Si Cloude Cole.
The President asked him to be my trainer dahil siya nga ang pinakamahusay sa buong class namin, but we're not in a school.
Nasa isang malaking mansion kami ngayon kung saan dito nag huhusay ang mga pinapadalang espiya sa ibat ibang lugar.'
"Kenzie, nakikinig ka ba?" Bumalik ako sa realidad pagkatapos ko marinig ang sinabi niya.
Hindi ko sya sinagot, sa halip ay tiningnan ko lang sya. Tingin na walang halong emosyon.
"Kenzie hanggang ngayon ba hindi mo parin ako napapatawad?" Ang kapal ng muka mo! Sa tingin mo mapapatawad kita ha?! Tanginaa~ kinalma ko ang sarili ko. Hindi kenzie, wag kang magpapatalo sa emosyon mo. Yan ang ikinababagsak mo tandaan mo. Pero yan ang gustong gusto kong sabihin sakanya pero pinigilan ko ang sarili ko.
BINABASA MO ANG
Maledizione High
Misteri / ThrillerThe gates are open, If you enter you'll be one. She knows you better than yourself, But he knows her better than her. Don't ever trust anyone in a school full of Lies. IN A SCHOOL full of combats confl...