Nineteen: Reality Dream

53 7 0
                                    

M A L E D I Z I O N E
H I G H

Reality Dream

"Cloude..." Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko, halo-halo ang emosyon na aking nararamdaman.

Kaya naman pinilit kong kumuha ng lakas at saka hinawakan ang magkabilang kamay ng lalaki na nakahawak saaking buhok, umikot ako at sinipa siya sakanyang dib-dib.

"Screw you! whoever you are!" Pero hindi ako nakunteto doon, kahit akoy nahihilo na ay lumapit pa ako sakanya, tinapakan ko ang dibdib nito para hindi siya makatayo at sinubukan tanggalin ang kanyang maskara.

Crap that. Ang hirap tanggalin, ginamit ko na ang dalawa kong kamay pero wala pa din!

Bago pa ako makalayo ay hinawakan niya ang paa ko hinila ito dahilan ng pagkahulog ko ulit sa sahig.

You should die.

Ang sakit makita ang taong sinubukan kong gawin ang lahat para lang maligtas at mabuhay na ngayo'y, kabilang pala sa lalaking ito!

Naririnig ko pa din ang pagtawa nilang lahat, ang sakit sa ulo. Nakakabingi. Tama na!

Ang mga tawa nila kasabay ng malakas na ulan at nakakabinging kidlat. Nakakapanghina.

Hindi ko na kaya.

Kung makakaalis naman ako dito ay wala din.

Wala din kung wala siya.

Ipinikit ko na ang aking mga mata.

Pero bago pa ako tuluyang pumikit ay nakarinig ako ng isang malakas na pagputok ng baril.

Naramdaman kong may tumutulong dugo sa aking dibdib.

Namamnhid na ang buong katawan ko. At isang tao lang ang sumagi sa isip ko.

Cloude

Akala ko totoo na pero bakit mo nanaman ako tinalikuran pa? Napatawad na sana kita kaso pinaramdam mo ulit saakin kung gaano kasakit ang iwan sa gitna ng kalungkutan at pangangailangan.

Naalala ko nanaman ang lahat, lahat ng ala-alang di malimut-limutan. Ang ala-alang dapat tapos na at iniwan na sa nakaraan.

Pero ito ka ulit, sa iba-ba ng gusaling ito. Tinititigan lang ako na para bang di mo ako kilala.

Imbes magalit ay binuksan ko muli ang mga mata ko at ngumiti.

Tinulak ko ang lalaking may tama ng baril sa dibdib sa aking harapan at tumayo.

Ito nanaman ulit, wala akong kirot o sakit na naramdaman saking katawan. Hindi ko alam kung paano yun nangyayari pero nakatulong din naman ng konti.

Tumigil na din ang kulog at kidlat tanging malalakas na ulan na lang ang nangyayari.

Tumakbo ako sa direksyon ni Spade kung saan ito ay may hawak-hawak na baril.

Agad ko naman siyang hinila at binigyan ng yakap "Salamat." Bulong ko sakanyang tainga, pilit na hindi maapektuhan bungad saaking natuklasan.

Maledizione High Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon