June 2007. It's my 2nd year sa hyskul. Medyo malungkot kasi konti na lang kaming hyskul na natira tapos wala na rin si Jay..Hmmm :-(... Pero ok lang. Hoping to find new friends and praying na mas magiging maganda itong year na to kaysa nung 1st year ako.
Naging masaya na ko sa taon na to kasi nakahanap ako ng bestfriend ko. Si Ate Joanna. Ibang iba sya sa iba kong mga kaibigan. Nagkakaintindihan kami at hindi nya ko pinapahiya katulad ng iba.
Any way, itong taon rin pala ang 1st year ni Mark sa hyskul. Remember, sya ung cute na kapatid ni ate Joanna, ang bilog kasi nya eh.hehe :-).... Nung elementary pa kami, hindi kami naging close ni Mark, siguro dahil hindi ako mahilig makipag kaibigan sa mga boys especially sa mga mas younger sa'kin. Pero ngayong hyskul na kami pareho, naging super close kami, siguro kasi onti na lang kaming hyskul at I must admit super nakukyutan talaga ako sa kanya noon. Lagi ko nga sya pinanggigigilan eh. Simula nun naging kapatid na ang turingan namin sa isa't isa. Ate nya ko, little bro ko sya. As time goes by, mas lalo kaming naging close ni Mark. Nung 1st prom namin pareho kami ang naging magkapartner. Hanggang sa mga sumunod na mga prom pa, pati nga sa last prom nya as hyskul at kahit hindi na ko hyskul nun kasi nga diba ahead ako ng 1 year sa kanya, ako pa rin ang partner nya. Kahit sa mga presentations namin kami pa rin ang laging magkapartner. Pati nung gumawa kami ng film na "Noli Me Tangere" para sa Filipino subject namin, ako ang Maria Clara at sya ang Ibarra. Kaya nga ang tawag namin sa isa't isa ay "One and Only Partner". Inaasar na nga kami ng iba eh. Kasi sa pagiging comfortable namin sa isa't isa naging super swit na rin kami, at hindi namin namamalayan yun ah. Sinasabi lang ng iba samin. Wala lang naman kasi samin un eh, walang malisya. Ang hindi nila alam, ako ang takbuhan ni Mark pagdating sa mga crushes nya.Adviser nga ang tawag nya sa'kin eh. at isa pa, si Jay pa rin ang isinisigaw ng isip ko, not puso. I don't think inlove na ko sa kanya noh. Crush lang.Hanggang sa grumaduate na ko ng hyskul. Si Mark, super naging malungkot, kasi iiwanan ko na sya, iiwanan na sya ng ate Jane nya. But still, i'm always by his side as his adviser.